Episode 6

1334 Words
Pumasok ka na baka hinihintay ka na ni boss sa loob. Masama pa namang pinaghihintay 'yun," sabi sa akin ng gwardya na naabutan kong nagbabantay sa labas ng isang mataas na gate. Kulay abo ang kulay ngunit hindi ako sigurado kung 'yun nga ang orihinal na kulay dahil tuklap na ang mga pintura. Nangangalawang na rin ang bakal na gate ngunit matibay pa naman dahil siguradong mamahalin ang materyales na gamit. Nagpasalamat ako sa gwardya at tuluyan ng pumasok sa loob. Namangha ako sa nakita ko sa likod ng malaking gate kung saan ako pumasok. Malawak na bakuran ngunit kapansin-pansin na walang nagmimintina ng kalinisan. Maraming matataas na damo sa paligid. Kalat-kalat ang mga tuyong dahon galing sa mga nagtataasang puno. Wala akong matanaw na bahay sa paligid kaya naman tinuntun ko ang ang diretsong aspalto na daan. "Panginoon, hindi ko po alam ang mangyayari sakin sa lugar na ito. Kaya naman kayo na po ang bahala at patnubayan Nyo po ako." Pinagsiklop ko pa ang aking mga nanlalamig na palad habang palinga-linga sa katahimikan ng paligid. Malungkot at tila walang buhay ang mga naabot ng aking paningin. Ganun siguro mailalarawan ang lugar kung nasaan ako ngayon. Wari bang alam nila kong ano ang nararamdaman ko. Nakikiramay. Nakiki simpatya sa takot at lungkot na nasa kaloob-looban ng puso ko. At matapos nga ang ilang minutong paglalakad ay natanaw ko ang isang mansyon. Matatawag na mansyon sa gitna ng gubat. Isang lumang mansyon. Ngunit tulad ng kapaligiran ay dama mo rin ang naghuhumiyaw na kalungkutan na nababalot sa bahay. "Haunted mansion pa yata 'tong napuntahan ko." Napabuntong-hininga pa ako habang paakyat sa baitang patungo sa pinto. "Tao po!" tawag ko sabay katok sa isang malapad na pinto na gawa sa kahoy. Naka-ilang katok pa ako bago ito nagbukas at iniluwa ang isang matandang babae base na rin sa kulay abuhin niyang buhok na nakatali. Makikita na rin sa kanyang walang kangiti-ngiting mukha ang kulubot na sanhi ng edad. "Magandang araw po, ako nga po pala si Ana Joy." Magalang kong pagbati at pagpapakilala sa matanda na nakatunghay lamang sa akin. Tumango naman siya. "Pasok ka, hinihintay ka na Damian sa library." At niluwangan niya ang pagkabukas ng pinto para ako ay makapasok. Damian? "Sinong Damian? Siya kaya 'yung lalaki na sunog ang mukha?" tanong ko sa aking sarili habang nakasunod sa matandang babae . Namamangha rin ako sa nakikita ko dito sa loob ng mansyon. Bagamat mukhang mamahalin ang mga gamit ay nababalot naman ng alikabok. Hindi marahil uso dito ang maglinis. Huminto ang matandang babae sa harap ng isang pinto at kumatok. Walang tugon mula sa loob ngunit pinihit pabukas ng matanda ang seradura saka bumaling sa akin. "Pumasok ka na." Alanganin man na sumunod sa utos ngunit ginawa ko pa rin. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay sinarado ng matandang babae ang pinto at iniwan na ko sa loob. Puro libro ang nasa paligid at malamang ay maalikabok na rin kahit hindi ko maaninag dahil sa lamlam ng ilaw nang gagaling lamang sa isang side ng kwarto. "Tatayo ka na lamang ba riyan?" Napaigtad pa ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na baritono na boses at dali akong luminga-linga upang hanapin ang pinagmulan. Isang lalaki na pamilyar. Siya nga ba si Damian? Bantulot mang lumapit ngunit nagsimula akong humakbang patungo sa estranghero na matamang nakatingin sakin habang ako ay naglalakad palapit sa kanya. Hindi ko matagalan ang pagtitig sa mukha niya hindi dahil sa nakakatakot ng itsura kung hindi sa titig niya na wari bang tumatagos sa aking kaluluwa . "Magandang araw po, Sir" Pagbati ko sa kanya ngunit hindi ko magawang ngumiti man lang dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko. Nakatitig lang siya sa akin habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak. . Nakasuot siya ng longsleeve na kulay gray at ang buhok niyang mahaba ay nakatali. Kung hindi lamang siguro sunog ang kanyang mukha ay papasa siyang modelo . "Hoy! Ana Joy! Ano ba ang iniisip mo? At kailan ka pa natutong kumilatis ng tao at sa isang lalaki pa na hindi mo alam kung kaaway mo o ano?" singit ng isip ko. "Ulila ka na pala at nakikitira sa pamilya ng tiyuhin mo." Panimula niyang salita. "Saan niya kaya nakuha ang impormasyon na 'yun? Sabagay sa dami niyang pera ay hindi na nakakapagtaka kung malaman niya ang buo kong pagkatao," bulong ko pa rin sa aking sarili. Tumango ako. "Ikaw din daw ang tumatayong "katulong nila." kaswal niyang sabi. Tumango ulit ako. "Wala ka bang dila? Kapag tinanong kita sasagot ka!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Naiiyak na nga ako sa sitwasyon ko tapos sinisigawan pa ako. "Una sa lahat, ayoko ng traydor gaya ng ginawa ng tiyuhin mo. Pangalawa ayoko ng pakialamera sa pamamahay na 'to at maging sa buhay ko! Maliwanag ba?!" Mabalasik niyang paliwanag sa akin. "O-opo, Sir." Nagmamadali kong sagot sa kabila ng aking pagka utal dahil sa panginginig sa takot. "Panghahawakan ko ang mga sinabi mo sakin ng nagmamakaawa kang palayain ko ang pinsan mo bilang kapalit mo. Kaya panindigan mo 'yun." Sumandal na siya sa sandalan ng kanyang inuupuan ngunit hindi maalis ang mabalasik na awra. "Sa-na po pabayaan mo na rin ang pamilya ng tiyuhin ko." Matapang kong sabi. Isang malakas na hampas sa ibabaw ng lamesa ang kanyang ginawa na muntik na akong tumalon sa gulat. "Huwag mo akong turuan ng mga dapat kung gawin dahil alam ko ang aking ginagawa. Hanggat naririto ka sa poder ko at pinagsisilbihan ako ay malaya ang mga kamag-anak mo." Malakas at malinaw niyang sagot sa akin. Alanganin man akong maniwala ngunit wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kanya. Siguro naman ay sa kabila ng kanyang nakakatakot na panlabas na anyo ay mayroon siyang isang salita . "Manang Edna! Ihatid na siya sa kwarto ni Mama!" sigaw niya sa nakapinid na pintuan. Bumalik ang tingin niya sa akin "Alagaan mong mabuti ang Mama ko. 'Yun lamang ang trabaho mo, ang alagaan at siguraduhin na ligtas ang Mama ko. Naintindihan mo ba?" Dahil sa naguguluhan ay hindi ako makapag-isip ng tama. "Sagot agad kapag tinanong! Ayoko ng paulit-ulit!" sigaw na naman niya sabay hampas muli sa ibabaw ng lamesa. Agad akong nagsabi ng opo at tumango-tango at agad lumabas sa kwarto ng bumukas ang pinto at yakagin na ako ng matandang babae na Manang Edna pala ang pangalan ayon na rin sa narinig kong pagtawag ni Sir Damian. Muli ay sumunod ako kay Manang Edna. Umakyat kami sa hagdan patungo sa itaas. Luminga-linga pa ako sa paligid. Marahil kaya hindi nakakapag linis ng bahay si Manang Edna ay dahil sa may edad na ito at hindi na pwedeng mapagod. Pati kasi sa paglalakad ay parang hirap na rin ang matanda. Pero marami naman sigurong pera si Sir Damian para magbayad ng isa pang kasambahay o ng kahit dalawa po o kahit sampuin pa. Umiling-iling na lamang ako sa aking iniisip. Pagkarating namun sa dulo ng hagdan ay kumanan kami at huminto sa pinakadulong kwarto. Binuksan ni Manang Edna ang silid at pinapasok ako. "Ineng, siya si Doña Dorina, ang Ina ni Damian. Siya ang alagaan mo at marunong ka naman siguro kahit paanong mag-alaga ng matanda.." Lumapit kami sa kama na nasa gitna ng malaking kwartong kulay dilaw ang pintura. Mayroong mga built in cabinet sa gilid. May vanity mirror sa isang sulok na mayroong iba't-ibang klaseng ng lotion, pabango at make-up ang nakasalansan ng maayos sa ibabaw ng magarang patungan. Nakahiga ng tuwid ang Ginang sa kama. Nakamulat siya at pirmis na nakatitig sa kisame . "Kung may kailangan ka, naroroon lamang ako sa ibaba. Ang katapat na pinto ng kwarto na ito ang siyang kwarto mo." Hayag ni Manang. "Ano kayang nangyari sa Doña? Bakit tila siya ay tulala?" Nais ko mang magtanong ay itinikom ko na lamang ang aking bibig sapagkat umalingawngaw pa rin sa isip at pandinig ko ang boses ni Sir Damian na ayaw niya ng pakialamera lalo sa buhay niya. Ano bang meron sa pamilyang 'to at waring kay misteryo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD