Episode 7

1137 Words
"Heto ang mga gamot na iniinom ng Doña Dorina, siguro naman ay nababasa mo ang mga pangalan pati kung anong oras dapat inumin at kung ilang beses sa isang araw?" tanong ni Manang Edna. Itinuturo niya sa akin kung anu-ano ang mga dapat kung gawin na pangangalaga kay Doña Dorina. Mula sa kung paano ko papakainin ng kanyang pagkain, linisan ng katawan hanggang sa mga gamot na iniinom at kung anu-ano pang mga vitamins. "Opo, Manang." Magalang ko namang sagot sa kanya. May mga pangalan na naman ang bawat gamot at may chart kung saan nakasulat kung anong oras dapat inumin ang bawat isa sa mga gamot. "Siya halika, ihatid na muna kita sa magiging silid mo." At sinundan ko naman siya palabas ng silid. Napagawi ang tingin ko sa kay Doña Dorina na ganun pa rin ang itsura. Walang emosyon. "Dito ang iyong silid para agad mong mapuntahan ang Doña." At tuluyan kaming pumasok sa loob ng silid na katapat lamang ng inuukopahan silid ng Doña. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang umiikot ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. "Sigurado po ba kayong dito ang aking silid?" tanong ko na hindi makapaniwala. Sino naman ba ang maniniwala? Isang silid-pangmayaman ag ipapagamit sa akin. Mula sa kulay rosas na dingding ay may malapad na malambot na kama na siyang aking hihigan. "Oo, Ineng, ito ang kwartong sinabi ni Damian na ipagamit sayo," sabi ng matanda sa akin. "Wow! Ang yaman talaga ni Sir Damian. Biruin mo, ang isang katulong na gaya ko ay papayagan niyang gamitin itong napakagandang silid na ito," bulong ko sa aking sarili habang pinupuri si Sir Damian sa aking isipan. "Manang, matanong ko lang po. Ilan po lahat ang nakatira dito sa mansyon?" tanong ko kay Manang habang tinutulungan akong ayusin ang aking hihigan. Excited na akong humiga sapagkat napakalambot ng kutson tapos ang lapad pa. "Maliban kay Damian, kay Doña Dorina, sa akin at sayo ay wala ng iba pang nakatira dito." Sagot ni Manang na patuloy lang sa ginagawa at hindi man lamang ako tiningnan. "Sa laki ng po ng mansyon na 'to. Tatlo lamang po kayo?" Kaya naman pala ang dumi ng paligid dahil hindi na nga naman maharap ni Manang ang lahat ng mga trabaho dito. "Tuwing linggo ng umaga ay dumarating ang Doktor na sumusuri sa lagay ng Doña." Dagdag impormasyon ni Manang. "Manang-" Atubili akong magtanong ngunit kating-kati na ang dila ko para itanong kung anong nangyari Kay Doña Dorina at bakit siya nagka ganun. Isang malaking palaisipan din sa akin kung bakit sunog ang halos kalahating mukha ni Sir Damian. "Manang-" "Alam kung may mga katanungan sayong isipan, Ineng. Ngunit mas makakabuti na huwag mo na lang malaman ang mga kasagutan." Matalinghagang litanya ni Manang. Marahil nga at madaling basahin ang aking isipan at nais kong itanong. Dahil sa sagot ni Manang ay hindi na ako ulit nagsalita. Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng aking silid. "Doña Dorina, goodnight po sa inyo." Nakangiti kong paalam sa Doña matapos ko siyang pakainin at linisan na rin ng katawan. Mabuti na lamang at kahit tulala lamang siya at hindi nakakapagsalita ay madali naman aalagaan. Hindi ko alam kung paano niyang nilulunok ang sinubo kong pagkain ng hindi ngumunguya. Sinigurado ko muna na malinis na malinis ang katawan niya. Pinalitan ko siya ng damit, pinahiran ng lotion at sinuklayan ko ng mabuti ang kanyang buhok na abuhin na ang kulay sa dami ng uban. Sinindihan ko na rin ang lampshade sa gilid ng kama gaya ng utos ni Manang sa akin. Saktong naisara ko na ang pinto ng muntik akong mapatalon sa gulat. "Susme! Sir Damian, muntik na akong atakihin sayo!" bulalas ko at napahawak pa ako sa aking dibdib. Nakasandal si Sir Damian sa labas ng pader ng silid ni Doña Dorina. Medyo malamlam ang liwanag ng ilaw kaya naman talagang nagulat ako. Akala ko kung sino ng nilalang ang nakita ko. Nakalugay ang kanyang hanggang balikat na buhok at mamasa-masa pa. Halatang bagong ligo. Naka kulay puting sando siya at kulay itim na padyama. Hindi siya nag salita ngunit lumakad papalapit sa akin . Para naman akong napako sa kinatatayuan ko. Kinakabahan ako habang papalapit siya ng papalapit. Medyo dumukwang siya sa mukha ko. "Ano ito? Teka! Wait! Hahalikan niya ba ako?" Para akong tanga na nagtanong sa sarili at tinikom ang ang aking bibig at tinakpan ng aking mga palad. Tumingin si Sir Damian sa akin at nangunot ang kanyang noo. Inilabas niya ang kanyang kanang kamay na nakapasok sa bulsa ng kanyang suot na padyama at akma ang aabutin. "Huwag po, Sir." Agad kong pagtutol sa tangka niyang paghawak sa akin. Lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo. Inamba niya ulit ang kanyang kanang kamay para hawakan ako. "Huwag po, Sir." Ulit ko na naman. "Ano bang sinasabi mo?!" mabalasik niyang tanong sa akin ngunit kalmado lang ang boses. Marahil ay kinokontrol ang lakas ng tinig para hindi magising ang kanyang Mama. "Bakit ba hindi ka pa rin umaalis diyan sa harap ng pintuan? Umalis ka na nga ng masilip ko na si Mama!" pag singhal niya. At saka tuluyan niyang inabot ang seradura ng pinto. Agad naman akong umalis sa harap ng pintuan upang bigyan siya ng daan. "Lintek! Ana Joy! Ang halay ng isip mo!" nakangiwi kong sermon sa aking sarili. Ano bang pumasok sa isipan ko at naisipan kong hahawakan ako ni Sir Damian? At hahalikan? Nakakahiya!" sermon ko sa aking isipan. Sinilip lang naman ni Sir Damian ang kanyang Mama at hindi naman tuluyang pumasok sa silid. Kumbaga talagang kinamusta niya lang kung okay ito at kung nagpapahinga na rin. Mahal na mahal niya ang kanyang Ina. Naalala ko tuloy ang sarili kong Nanay. "Bakit nandito ka pa?" sita niya sa akin ng masara niya na ang pinto. Alam mo 'yung hindi naman siya nakatingin pero nakakakaba ang boses niya. "Ah-eh-baka po kasi may ipag-uutos po kayo, Sir?" Utal-utal kong tanong. "Alagaan mo lamang ng mabuti ang Mama ko," sabi niya at naglakad na patungo sa kanyang silid. "Opo, Sir. Goodnight po." Sagot ko lang. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang niyang buksan ang katabing silid at tuluyang pumasok sa loob at narinig ko ang pag click ng pinto indikasyon na nag lock na. Nagmamadali na rin akong pumasok sa aking silid. Excited na kasi akong ihiga ang pagal kung katawang lupa sa malambot at kumportableng kong bagong higaan. Ngunit bigla rin akong nalungkot ng maalala ang aking sitwasyon. "Kamusta na kaya sila Tito Hernan? Dinadalangin din kaya nila ang kaligtasan ko? Hinahanap kaya nila ako?" Napangiti ako ng mapait at tumingin sa labas ng bintana. Wala man lamang kahit isang bituin ang sumilip sa langit. Madilim. Napakadilim. Parang buhay ko lang. Madilim at hindi alam kung may liwanag pa ba sa mga susunod pang mga araw na darating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD