"Inumin ko rin daw po ang mga gamot ko " Sagot ko ulit. "Ano pa ba ang mga sinabi ni Dr. Mendez?" tanong ko tuloy sa aking isipan. Nakatitig sa akin si Sir Damian. Titig na para na naman akong pinag-aaralan. Hindi ko tuloy alam kung titingin ba ako sa kanya o ano. "Tinanong niya rin po ako kung magka anu-ano po tayong dalawa," sabi ko ng maalala ang tanong ni Dr. Mendez. "Sagot ko na lang po, ako po ang nag-aalaga kay Doña Dorina." Agad kong dugtong baka kasi isipin ni Sir Damian na nagsumbong ako kay Dr. Mendez. Baka kaya niya ko tinatanong ay dahil iniisip niya na nagkwento ko sa doktor. Hindi ko naman gagawin ang bagay na 'yun. Naka-kontarata yata ako bilang habang-buhay na alipin na kabayaran sa sampung milyong utang ng Tiyuhin ko, kaya naman hindi ko magagawang magkwento sa iba.

