LAVINIA
Halos mangiyak ngiyak ako sa inis nang lisanin ko ang resto na aming pinuntahan. Paano ba naman Sa buong Buhay ko? Ni reject ako ng isang Lalaki? Nang isang Congressman?
Potek...nasa POLITIKO ANG TRAUMA!
Una si Mayor Mavie, Tapos ngayon ang Congressman na yon.
Hmm..may araw karin sa akin na congressman ka. Palalampasin ko ito ngayon pero kapag ako nakabawi yari ka sakin" saad ko sa aking isip.
Wala pang Hindi nakukuha Si Lavinia Munji, kaya humanda ka talaga sakin Cong.Exodus...Kuhang kuha mo...Kuhang kuha mo yung inis ko.
Wala pang Tumatanggi sa Isang Lavinia Munji.
Ako Pala si Lavinia Munji
Isa akong Aesthetician.
Sa ibang bansa ako nag aral at Nagsanay. Isa rin akong Dermatologist . Ang sabi nga ng mga kaibigan ko ay nasa akin na ang lahat, pero hindi eh, Wala pa, Dahil until now di ko parin nahahanap at natatagpuan ang Lalaking para sa akin, yung mag mamahal sa akin bilang ako. Minsan nang na inlove ako sa aking kaibigan. Pero wala, hangang Kaibigan at Kapatid lamang ang tingin nya sa akin, Mahirap namang ipilit ang sarili natin sa taong di tayo gusto. Pero kahit ganon, hindi ako nagtanim ng galit o nagdamdam sa kanya, Pero kailangan ko lang talaga umalis ng bansa para kahit papano ay makalimot sa kanya.
At Boom mukang tama naman ang desisyon ko, siguro nga di ganon kalalim ang pag tingin ko sa kanya kasi nakalimot ako agad, nag back to friendship ang feeling ko sa kanya kaya ko na ulit syang biru biruin dahil di na iyon masakit sa akin.
Ilang taon na rin ang nakalipas ng mag desisyon akong bumalik ng pilipinas with Flying colors.
Balita ko ay May Nagustuhang Babae si Mayor Mavee, Ang aking Best friend ngunit ang Sad Dahil may Asawa at Anak na pala ang babaeng kanyang Nagugustuhan, "Bawi ka nalang Next life Mayor Mavee, " wika ko sa aking isip.
Well isa rin sa dahilan ng pag uwi ko rito ay gusto ko nang dito na lamang sa pilipinas Mag tayo ng Sarili kong Clinic. Suportado naman ako nga mga magulang
Ko sa Desisyon kong iyan.
May nagustuhan na akong pwesto at yun talaga ang gusto ko, kaya nagpasama ako kay Mavee na baka pwedeng samahan nya ako since kakilala nya raw ang may ari ng lupang iyon.
Hindi ko naman akalain na ang may ari pala ng lupang iyon ay walang iba kundi ang Lalaking naka bardagulan ko sa parking, sya Pala si Congressman Exodus Banderas, Aba malay ko ba na sya yon, Akala ko kasi matanda na, Di ko naman akalain na bata pa pala.
Hay... Lavinia..Lavinia..Bat kasi padalos dalos ka minsan, Sana pala kinalmahan mo lang," wika ko sa aking sarili habang palakad lakad. Hinihintay ko kasi ang tawag ni Mavee. Sa kanya ko na kasi pinaubaya ang lahat, sana madaan nya sa hilot si Congressman.
Ilang sandali lamang ay tumunog ang aking phone at nang makita kong si Mavee ang natawag ay agad ko itong sinagot.
"Hello Mavee, ano any Good news?"
"Yes, Pasalamat ka talaga at nahilot ko pa si Cong. Sa susunod kasi ilalagay mo sa Lugar yang kamalditahan mo! Sa susunod bahala ka na, di na kita sasagutin" saad ni mavee
"Oo na Oo na..Sorry na..Di na mauulit, pero ano sabi? Pumayag ba?
"Yes, Pumayag pero kailangan mo syang kausapin ng personal, Ibibigay ko ang number nya sayo, ikaw ang Kumontak sa kanya tutal ikaw naman ang may kailangan,Saka payo lang alam kong suntok sa buwan mo tong gagawin, peroag apologize kana rin lahit sorry la g oh." Saad pa nito sa akin.
"Ok Copy, paki send nalang ng number nya at mag SO SORRY ako sa Congressman na yon."
"Wew? Talaga ba? Hahaha kelan kapa natutong mag sorry hehehe"
"Hoy Mayor Maverick Saldivar, tumigil ka dyan baka yung inis ko kay Cong eh malipag sayo!"
"Oo na eto naman di na mabiro, Akala ko ba mis mo ko at bat inaaway mo ako" saad ni mavee sa kabilang linya.
"Woah..Pa ganyan ganyan ka pa sa akin eh Ang hirap mong landiin! Magtigil ka nga Mavee.!
"Hahaha Oo na napaka Pikon mo talaga! Sige na, Magpahinga kana, Makikipag kita kapa ulit kay Cong Bukas.
"Sige Kopya, andito nako sa Bahay"
"Ok Noted"
Nang gabing iyon ay di agad ako nakatulog. Nagbasa basa muna ako tungkol kay Cong.Banderas. Naghahanap ako ng maibubutas sa kanya pero wala akong makita, puro papuri at parangal ang nabasa ko.
"Hmm..Nak nang tinapa din tong Si Banderas, Puro Award? Wala bang Maling maibabato rito.
Gwapo na, Hot, Matulungin, At ang Dami pang award? So ano ka perfect? Naniniwala ako na may weaknesses din tong Cong na to at yun ang aalamin ko.
Hmmm..Pero infairness Hot syang talaga, mahilig din pala to sa karera.
Hmm..pero Isinilang na pala syanay Gintong Kutsara kaya malabong sa Pangungurakot nya kinuha ang pinambibili nya ng mga mamahaling sasakyan.
Halos antukin na ako pero wala parin akong makitang kapintasan sa Tinamaan ng magaling na Congressman na ito.
Tinext ko sya kanina at nag reply na si Gago, Mag meeet kami bukas sa isang Coffee shop.
"Hmm..See you Tomorrow Cong. Sisiguraduhin kong Tutulonang lawat mo Bukas at mapapa OO ka na." Wika ko sa aking isip.
Samantala
EXODUS
Katatapos lang ng Race namin, dito ako dumiretso after ng usapan namin nila Mavee at Ni Doc Sunget.
Hmm speaking of Doc Sunget eh magkikita kami bukas. Sinabi kong sa Coffee shop kami magkita bukas para pag usapan ang tungkol parin sa pwesto na gusto nyang makuha.
Naalala ko na naman ang Malditang Babaeng yon pero infairness Maganda, Sexy, may Class sya, pero yung bibig ang ingay.
Natawa na lamang ako.
"Hmm..Tingnan natin kung hangang saan yang pag mamaldita mo sa Akin Doc Lavinia Munji, ikaw lang ang babaeng nakuha na sigaw sigawan ako.
Tingnan natin kung san ka dadalhin nang pagmamaldita mo sa akin."
May naisip ako, Kung maldita sya, Iinisin ko rin sya.hahaha" natatawa kong wika sa isip.
3RD PERSON POV
Kinabukasan ay Maagang Kumilos ang Dalaga, nagsuot sya ng isang White Fitted Dress, lalo lumabas ang kaputian nya. Nag apply din sya ng paborito nyang pabango at nagsuot ng 3 inches high heels. Tinungo nya ang lugar kung saan sila magkikita ng binatang Kongresista.
Pagdating nya ay nakita nya na agad ang magarang sasakyan nito. Bigla nya tuloy naalala ang parking.
Napailing na lamang sya.
Pumasok sya ng coffee shop at Dooy nakita nya ang nakatalikod na congressman.
"Hi Ex! " Bati nya.
Sabay Harap naman ng Gwapong Kongresista at bumati ito pabalik.
"Hello Lavz!
Nagkasalubong ang kanilang mga Mata. Imbes na Si Exodus ang aakitin nya ay tila ang Dalaga ang napanganga sa Lalaking kaharap.
"Hey Lavz! Ako lang to Hwag kang Matulala hehe" saad ng binata at tila natauhan naman ang Dalaga.
"Hahaha..Ang Lakas pala ng Aircon dito ano Ex kaya pala Dito mo ako dinala hehe!
"Oo naman Lavz masarap ang hangin dito!
"Hmm teka Anong Lavz ang sinasabi mo dyan aber!"
"Bakit masama bang tawagin kang LAVZ?
short for Lavinia, hahaa ano kayang nasa isip mo.
"Wala! May Sinabi ba ako?
"Wala nga, Eh Ako nga tinawag mong EX kahit di pa naman nagiging Tayo!
"Hahah.OO TALAGANG EX...dahil kahit Kelan Di Magiging Tayo kaya nga EX.. kasi ngayon palang EX kana sa akin." nakataas na kilay na wika ng dalaga.
"Hep hep hep...Baka nakakalimutan mo ang reason ng pagpunta mo rito Lavz."
"Ah..Ayy Oo nga pala no Hehee .Anyway Char char lang yon kaw naman Ex, di kana mabiro, Peace!" Saad ng dalaga saka ngumiti ng mapakla.
Natawa at napailing na lamang din ang binata.
Habang nag hihintah ng order ay agsimula na silang mag usap.
"Actually Doc Lavinia, Hindi ko talaga ipinagbibili ang property ko, I am sorry.
Seryosong wika ng Binata.
Bahagya namang nalungkot ang dalaga sa narinig, Seryoso ang mukha ng binata habang sinasabi ito, kata alam ng Dalaga na nagsasabi ito ng Totoo.
"Hmm..Ganon ba..Sayang naman, Anyway wala naman akong magagawa kung di ka papayag kung may sentimental value pala sayo ang lupang iyon." Seryosong wika rin mg dalaga.
Hindi alam ng binata ngunit tila parang may kumurot sa kanyang puso ng makitang tila nawalan ng pag asa ang dalaga.
Kaya after nila mag usap at aalis na ito ay bigla syang nagsalita.
"Wait Doc Munji, hindi ko alam kung Ok para sayo, another option is parerentahan ko, pero hindi ko ibebenta sayo. Yun ay kung gusto mo."
Sa sinabing iyon ng binata ay tila nabuhayan ang dalaga.
"Ta..Talaga? Papayag kang rentahan?
"Yes, Gagawa lang tayo ng kasunduan."
"Sige Sige Go ako dyan, "
"Ani nga ulit itatayo mo?
"Hmm.Clinic, Hwag ka mag alala, Di ako scam doctor, Graduate pa ko sa ibang bansa. Saka may mga sikat na tao narin na nagpa ayos sa akin saka winax ko.
Kaya Alam ko kung sinong Mga Celebrity ang may Makakapal Na Bu*Bo*"
Sa sinabing iyon ng Dalaga ay Naibuga ng binata ang iniinom na kape.
"f**k Lavz! Kailangan ba talagang I broadcast."
"Bakit? Hindi ko naman pinangalanan ah, bakit nagagalit ka?
"Hindi naman sa Ganon pero Whatta Word may makapal na ano talaga?
"Oo nga B*lB*l bakit ba na hihiya kang sabihin."
Napailing na lamang ang binata sa sinabi ng Dalaga.
"Okay Okay sabi mo eh, Fine"
"Hayaan mo Once na matayo ko ang clinic libre ka na magpa Shave at Facial"
Saad ng Dalaga sabay hawak sa Baba ng binata at tiningnan pa ang Bigote na bahagya palang natubo.
Nakaisip naman ng kapilyohan ang Binata.
"Talaga ba? Lugi ako Lavz, Hindi naman Makapal ang Balbas at Bigote ko."
Pero May Parte akong MABALAHIBO"
saad ng binata sabay pasada ng dila sa binasang labi at Kindat sa dalaga.
Tila namula at natahimik naman ang dalaga sa narinig.
"Oh, Bat natahimik ka, You're always Saying B*lb*l kanina pero ngayon natahimik ka?⁶
Haha bakit natakot ka ba?
Taning ng binata.
"Nope, ako matatakot? Wala akong kinatatakutan Cong.Ex.
"Yun naman pala eh, E di Goods."
"Hmm.pero bat namumula ka ha Doc Lavz." Patuloy na panunuya ng binata.
"Mestiza kasi ako Cong.EX , ganito talaga kami kapag medyo Naiinitan."
"Hmm..really...parang di naman, Wala namang araw dito sa loob ng Shop hehe?
"Hmm..Ganto ako pag Pag nainom ng Coffe.
"Woah..really Doc, I thought your blushing hehe" saad ng binata at idinikit pa ang muka sa Tenga ni Lavinia na lalo namang ikinapula ng dalaga.
"Teka nga Ex, ano babg gusto mong palabasin? Na kinikilig ako sa Kgwapuhan mo? Na Ang Hot mo tingnan sa suot mo? Na nakakaakit ang ngiti mo? Saad ng dalaga habang nakatingin sa binata.
"Haha..Woi ikaw ang nagsabi nyan not me., Anyway wala namang kaso sakin yon Doc, Its my Pleasure na hangaan mo ako."
"Huh? Duhh...Lakas talaga ng Aircom mo Cong. Buti binoto ka pa ng sambayanan kahit ganyan ka."
"Hmm..Hwag kang judgemental kasi, yan hirap sayo mapanghusga ka masyado."
"Okay okay, basta Deal sa napag usapan ha, mag re rent ako."
"Yes Lavz, basta i she Shave and Wax mo ako"
"Ok Copy Ex" wika ng dalaga saka ngumiti ng pilya.
"Hmmm..Humanda ka sakin Cong, Maaahit pati amg hindi dapat ahitin" saad ng dalaga sa sarili saka ngumiti ng nakakaloko sa binatang Kongresista.