CHAPTER 3 "JOWA PEG"

2415 Words
EXODUS Isang buwan na ang nakakalipas simula nang maglingkod ako bilang bagong halal na Congressman. Lumaki kasi ako sa Pamilya ng mga Politiko. Mula sa Kalolo lolohan ko hangang sa akin ay ipinamana ang pagsali sa Politika. Nung una ay ayaw ko, Pwede naman kasi akong Maglingkod at tumulong sa BAYAN at sa TAO kahit walang TITULO, ngunit hindi iyon hinayaan ng aking mga Magulang lalo na nang aking Lolo, Bagkos ay nakiusap ang mga Ito na Sundan ko ang yapak nila sa paglilingkod sa bayan at Dala ang Apilyidong aming Iniingatan. Tapos ako sa Pagiging Piloto at nakapag palipad narin ako ng Eroplano ngunit dahil sa pakiusap nila Daddy ay isinantabi ko muna ito, dahil nga mas kailangan daw muna akong maglingkod sa Bayan at Mga Mamamayan. Pinagbigyan ko sila, Sinabi kong, Sige, Lalaban ako sa Pagka Politiko pero hangang sa akin na lang. Ayoko nang manahin pa ng mga it Edad na Sila. Masyadong Magulo sa Politika. Mas gusto ko ng Tahimik at Payapang Buhay. Tumulong ng Palihim. Bukod pala sa pagiging piloto ay Isa pala akong Racer. Nasa puso ko ang pag Kakarera, sumasali ako sa mga competition noong nasa college pa lamang ako. Syempre against doon ang aking Ama at Ina ngunit dahil nasa puso ko ito at hindi ko talaga ito naiwasan. Kaya hangang ngayon ay Hobby ko parin Ang pag Kakarera. Ako nga pala si Congressman EXODUS BANDERAS, CONGRESISTA SA UMAGA, KARERISTA SA GABI. Matapos namin Mag Usap ni Doc Lavinia ay Dimiretso ako sa Session namin. As usual talakayan na naman. Hindi madaling maging congressman. Ikaw yung takbuhan kapag may Financial aid. Taga gawa ng Batas, I checheck kung na e execute ba ng tama ang mga batas na pirmado na ng pangulo, Mag e evaluate at nag a approve ng National Budget Every year at Marami pang iba. Para sa akin mas Ok pa na tumulong ako mag isa, yung galing sa sarili kong bulsa para wala ng ganto. Pero hindi eh dahil nasa Kongreso na tayo. Habang nag se session ay naalala ko bigla si Ms.Sunget, natawa ako ng bahagya. Napakalakas talaga ng fighting spirit ng babaeng yon. Napapailing na lamang ako habang naiisip ko sya. Mabilis na natapos ang maghapon ay natapos din ang trabaho. Birthday ng Lolo namin sa Mother Side bukas. Dahil isa ako sa paboritong Apo at kahit bukas pa ay Pinapupunta na ako ngayon palang. Naroon na sila Mom and Dad, pero naisip kong dumaan muna sa bahay para kumuha ng damit at maligo rin muna. Andon na rin ang mga Tita at Tito ko, hindi naman sa Pag mamayabang eu isa ako sa Paboritong Tao sa Pamilya. Hindi lang ng mga Lolo at Lola kundi ng mga Tito at Tita rin, Isa kasi ako sa Pinaka Kuya ng aking mga Pinsan. Kaya madalas ako ma Bully ng mga Pinsan kong mas nakababata sa akin dahil sa edad kong 35 ay wala pa raw akong pinakikilalang Nobya sa Pamilya. Pagdating ko sa bahay ay agad akong naligo at Nagbihis, Dala ko na rin ang regalo ko para kay Lolo. Pagkatapos noon ay umalis na ako patungo sa bahay nila lolo, mga 40 minutes lang man ang byahe patungo roon. Habang nasa byahe ay tumawag sa akin si Mama hinahanap na raw ako. Tama nga Naririnig ko na ang bises ng mga tita ko. "Hijo, Dalian mo hinihintay kana namin haha, Saka sabi ng Lolo mo, ipakilala mo naman daw sa amin yung nobya mo." Saad ni Tita Gwen sa akin. "Haha naku Tita, patay tayo dyan wala akong maipakikilala haha." "Naku, ikaw pa, sa gwapo mong yan wala? Hahaha oh sya mag ingat ka hintayin ka namin. "Ok tita bye po, Bye ma see you." Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang tawag. Mukang magigisa na naman talaga ako bukas nyan. After ilang minuto ay nakarating ako sa Mansion nila Lolo, Naka ayos na ang pag darausan ng Birthday. Mukang isang malaking Piging ang magaganap. Ang tema pa ng birthday ng lolo ay Royal Family theme Kaya bukas ay nakasuot kami ng pang royal Family. Naihanda naman na ni Mommy ang susuotin ko kaya wala na akong problema. Pagdating ko pa nga lamang ay rinig ko na ang boses ng mga pinsan ko. Para silang mga batang nagsi salubong sa akin mga nasa Edad 18 to 28 sila bukod sa mga mas batang mga pinsan. "Kuya Exodus, Halika na, kanina kapa namin hinihintay" saad ng pinsan kong Si Atlas. "Hehe, Ganon ba Sorry na galing pa ako sa trabaho." "Woah..Wag kana mag trabaho mayaman kana naman eh, Akala mo naman may Sampung anak na binubuhay haha" "Haha Sira! Ikaw talaga." Pumasok na ako sa loob at doon nga ay sinalubong ako ng mga Tiyahin ko. Habang kumakain ay hindi talaga amo nakaligtas sa kanila. Lalo na ng bumaba si Lolo. "Hijo, Aasahan ko na may Inimbita kang espesyal na babae na kapares mo bukas ha, hehe wag ang wala" "Haha..Lolo talaga, kailangan po ba talaga na may kapares ako.? "Abay oo naman apo, lahat ng mga pinsan mo ay kasama ang mga Nobyo at nobya nila, abay papatalo ka ba? Ikaw ang Panganay kong Apo, naunahan kapa ngga mas bata sa iyo hehe." "Eh lo, hehe wala pa naman po kasi sa isip ko ang..." "Apo sige na, minsan lamangg ito, Kaya inaasahan kong may ipakikilala ka. Matanda na ako Apo, kung maaari gusto ko pang maabutan ang mga magiging apo ko sa tuhod sa inyo." Saad pa ni lolo. "Ahmm..Okay po Lo, Sige po subukan ko po syang i invite kung di po sya busy. "Hayy..sa wakas, Ok apo asahan namin yan ah." Matapos namin mag usap ni Lolo ay naiwan ako mag isa. Bigla akong pinag pawisan. Hanapan ba naman ako ng GF, haha e nililigawan nga wala hahay, napailing na lamang ako. Kailangan ko gumawa ng paraan na may makuha g partner para bukas. Sino naman kaya, Eh halos kilala naman nila ang mga kaibigan ko, at alam nilang may mga Nobyo at asawa na rin ang mga ito. Nasa ganong pag iisip ako ng biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may nag text. Pag open ko ay bumungad ang text ni Ms.Sunget. Sunget My Lavz: Good Pm Cong Ex, sorry sa abala pero may kailangan akong papirmahan sayo by tomorrow. Thank you. Wika nya sa text, Natawa ako, Himala at Kalmado ang Dragon, Ganito sana sya palagi., Hmmm may naisip ako, kung sya nalang kaya ang isama ko? Tama kakausapin ko sta at aayain maging patner tama ganon nga. Agad kong i denial ang kanyang numero at tinawagan ko sya. Ang tagal bago nya nasagot ang tawag. "Oh, Hello Cong EX! Napatawag ka? Anong masamang hangin ang nag udyok sayo para tawagan ako." Saad nya sa kabilang linya, nailing na naman ako may tama talaga to, ang bait sa text talos ngayon kaka Hello lang ang dami agad sinabi. "Hi Lavz, Kalma, Ang tagal mo namang sumagot." "Pakialam mo ba Ex, Nagsusuot ako ng Panty alangan unahin ko pang sagutin ang tawag mo? Masungit na wika nya sa kabilang linya. "Hmm..So Nag papanty ka pala?" Pang iinis ko sa kanya "Depende Sa Panahon Ex, Teka nga bat pati pag Papanty ko eh pino problema mo, mabalik tayo bat ka tumawag? May kailangan ka no? Di ka tatawag kung wala." "Hmm..Haha parang ganon na nga, Ikaw din naman diba may kailangan ka din sakin." " Oo kailangan ko ang pirma mo Ex" "Walang problema pipirmahan ko, Kahit nga Gamitin mo ang Apilyido ko okay lang hehe" "Tse! Mag tigil ka! Pirma mo lang ang need ko, hindi ang apilyido mo" "Hmm..Talaga ba? Okay pero syempre bago ako pumirma may pabor din sana ako." "Kung HIHINGIN MO ANG PURI ko kapalit ng pirma mo I'm sorry, Sa lalaking magiging asawa ko lamang ito ibibigay" saad nya sa akin sa kabilang linya na syang Ikina samid ko. Haha napaka advance talaga mag isip ng babaeng to,. "Haha Don't worry, Di ko hihingin yang Puring Sinasabi mo, pero kung Ibibigay mo syempre tatangapin ko haha" "Asa ka Ex, hindi mo ako Matitikman no! So ano ulit kailangan mo? "Ok heto kasi talaga ang sadya ko. Birthday ni Grandpa bukas, Royal Family ang theme, wala namang kaso doon. My problem is hinahanapan nila ako ng babae na ipakikilala sa kanila." "So anong kinalaman ko dyan Ex.?" "Hmm..Baka pwede ka bukas, mag pangap ka lang na gf ko, yun kasi ang hiling ni lolo na magsama ako. Eh wala naman ako maipakita dahil wala naman talaga, pero dahil birthday nya ay gusto ko syang pagbigyan, makita man lang nya na may kasama ako. Don't worry ako bahala sa susuotin mo. "Hmm..Pag papayag ba ako bibilisan mo ba ang proseso sa pagtatayo ng Clinic sa uupahan kong pwesto mo? "Ahm..Oo sige pa aaprove ban natin agad." "Okay, Sure yan ah ..Panghahawakan jo yang sinabi mo." "Oo naman basta Panindigan mo rin na kasama kita as Gf bukas" "Okay ako na bahala, Royal ang tema diba? Okay wag kana gumastos sa susuotin may damit na ako rito gagawan ko na lamang ng paraan." "Ok, noted on dat Lavz and Thank you." "Hwag ka mag Thank you dahil may kapalit to Ex." "Ok, Copy on ,Pano, baba ko na tong Phone." "Ok, ibaba mo na at maysado mo na akong na iistorbo para sa night routine ko." "Haha..hmm.k bye, see you tomorrow ipapasundi kita sa driver sa may Gasoline station, iwan no na lang ang car mo roon. "Okay Okay..Bye na" saad nya sabay busy tone na ang kasunod. Buti na lamang napakiusapan ko ang Sunget na to. Hmmm See you Tomorrow Ms.Sunget. saad ko sa aking isip. Matapos kong kausapin si Doc Lavinia ay bumalik ako sa umpukan ng aking mga pinsan. Tama nga si Lolo lahat ay may Kasamang mga Nobyo at Nobya kaya ako na naman ang naging tampulan ng tukso. "Haha ano ka ngayon Exodus, Abay naunahan kapa ng mga pinsan mo, ikaw lamang ang walang kapareha." "Hahaha, Oo nga Pamangkin may I rereto ako sayo, Maganda pasok naman sa standard mo tamang tama at Pupunta sila Bukas kasama si Kendal yung dalagang i rereto ko." Saad naman ni Tita Elena. "Wow, Kuya Ex...Kendal daw pangalan palang MOWDEL na haha " "Naku tita hindi na po kailangan, hehe" "Yon naman pala may irereto ang Tita Elena mo Apo, bat di mo kilalanin." Singit ni Lolo sa Usapan. "Hindi na po Lo, Don't worry po bukas may makikilala po kayo." "Wow, totoo ba yan apo? Sige ba, ipakilala mo, dahil kung hindi eh i rereto namin sayo yung sinasabi ng Tita Elena mo. Matapos ang usapan at kulitan ay nagpunta na kami sa kanya kanyang kwarto na naka Alot sa amin. Dahil partner partner ang mga loko ay sila sila ang magkakasama. Ako naman ay natulog na lamang sa Kwarto na kinaroroonan ni Mom and Dad, may Sofa naman doon na pwedeng gawing Bed. Matutulog na ako dahil bukas ay Busy at ipasusundo ko pa si Doc Lavinia. Samantala LAVINIA Mukang napasubo ako sa Favor para kay Congressman, Birthday nga pala iyon ng Lolo nya, I'm sure maraming tao at Malalaking tao ang mga bisita. Dali Dali akong bumangon at ginawa ang aking Morning Routine, Kailangan kong mas Mukang maging Maganda pero confident akong Maganda na ako. Woke up like this na walang kahit ano but I'm still pretty, Ang hirap maging maganda, kahit kakagising mo lang ang ganda mo na agad. Pumunta muna ako sa Mall para bumili ng regalo para sa Lolo ni Ex. Pahapon pa naman ang start ng Party kaya may time pa para mamili. After ko mag mall ay umuwi rin ako agad. Bandang Hapon ay At nag simula na rin mag ayos ng aking susuotin. Matapos kong gawin ang pag aayos sa sarili ay isinuot ko na ang aking damit. Alas Syete kasi ang usapan sa Gasoline station. Kaya mga 6:20 ay kailangan ko na umalis. Nagsuot ako ng Dress na katulad ng sabi ni Exodus na Royal family ang Tema. Kulay Grey iyon na kulay white ang sleeve, ang buhok ko naman ay nakalugay lamang na medyo curl ang dulo. Nang matiyak kong ayos na ang aking postura ay umalis na ako. Dahil walang Traffic ay nakarating agad ako sa gasoline station. Pagdating ko roon ay nandoon na ang Driver na inutusan ni Exodus na susundinsa akin. Ipinark ko mina ng maayos ang aking dalang sasakyan at saka ako sumakay sa isang magarang sasakyan. "Grabe talaga tong si Ex, Kung magpalit ng Sasakyan parang nagpapalit lang ng Panty." Saad ko sa aking isip anyway nabasa ko na isa rin pala syang Racer kaya madami syang sasakyan. Mabilis lamang kaming nakarating sa Mansion nila. Sa labas pa lamang ay kita mo na, na may sinabi silang tao. Pagpasok palang ng gate ay makikita mo na ang mga bisita. Mga nakasuot rin ng Royal Family theme dahil yon nga ang theme ng birthday ng lolo nya. Sa may bandang Stage ay naroroon ang isang Matanda na Animo hari ang Costume, Marahil ito ang Lolo nya. Naroon din ang mga Ginang at Ginoo na sa wari ko naman ay mga Tito at Tito nya, may pictorial kasing ginagawa. Inikot ko pa ang aking Mata, Halos mapa Nganga naman ako ng Makita ko sya sa Bandang Unahan, papalapit sya sa akin. Tao ba talaga to? Bakit ang Pogi nya naman lalo today? Nakasuot sya ng tila isang Prinsipe sa isang kaharian, Naalala ko tuloy si Prince William at Prince Harry. Nang makalapit sya sa akin ay Inilahad nya ang kanyang kamay. Medyo nagulat pa ako noon dahil nakatingin lamang ako roon, Hangang sa kinuha nya na ito. "Hi Doc, Salamat sa Pag punta." "Welcome, Ex...hehe Pupunta talaga ako remember yung Deal natin." "Oo naman, basta galingan mo ang Performance mo ngayon?" "Performance saan? gulat kong tanong. "Performance bilang isang GF ko, hmm..may ibang performance ka yatang iniisip ha doctora..hmmm" "Baliw, Akala ko kung ano" "Hahaa..Pwede din naman Doc, after ng birthday ni lolo,humm...what do you think? " Saad ni Ex sa akin, ramdam ko naman ang pamumula ko, apaka walang hiya talaga nito.. Nang aakit ang walangya, pag di ko to sinopla eh baka bumigay ako. "Sira Ulo...Pervert! "Hahaha..Chareeng lang..Napaka HB mo talaga sa akin eh no. palagi ka na lang G na G. Halika na nga humawak ka sa braso ko, Come Closer Lavz, para ma kumbinsi natin sila. "Okay Ganito ba huh?" Saad ko sabay abresiete sa kanyang braso. Saka kami lumapit sa mga Kamag Anak nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD