CHAPTER 4 "SAGUPAAN SA DILIM" WARNING hahah

2425 Words
LAVINIA Kabado ako habang papalapit sa mga kamag anak nya, Nakatingin silang lahat sa amin. Di ko maiwasang mapakapit ng husto sa kanya. Hinawakan nya naman ang kamay ko na tila lamig na lamig. "Ang Cold ng kamay mo Lavz." "Ex, Ki..kinakabahan ako." "Relax, Mababait ang Pamilya ko," saad nya sa akin. Hangang sa makalapit kami sa Pamilya nya. "Good Morning Family! I would like you to meet Doc. Lavinia Munji My Girlfriend. Lavz, Meet My Family. "Hello, Good Afternoon po, Nice to meet you po" Simpleng wika ko saka ako ngumiti sa kanila na may halong kaba. "Wow...Nice To meet you Hija, Buti na lamang sa wakas ay Sinama ka nitong pamangkin namin." Saad ng mga Tita Nya saka nakipag beso sa akin. "Welcome Hija, napaka malihim talaga nitong anak ko, hindi man lang nagsabi sa akin na meron pala syang napaka gandang Nobya." Saad naman ng Mama ni Exodus. "Aba, Welcome to the Family Hija, Napakahusay talagang Pumili ng Apo ko, Manang mana sa akin., Hija Wag kang mahihiya ha, Lahat kami rito ay Wine welcome ka." Saad naman ng Lolo ni Exodus. Nanatili akong nakakapit sa kamay ni Exodus, Ang kaninang malamig kong kamay ay unti unti nang nagiging mainit. Iginiya nya ako sa upuan kung saan naka pwesto ang buong pamilya. Magkasama sa table ako Ang mama at papa nya saka sya pero kalapit lang din namin ang mga tito at Tita nya. Syempre may program pa, May mga message ang mga Anak ni Lolo, Pati ang mga Apo. Ngunit hindi ko inaasahan ang mangyayari sa Huli. "Salamat sa Pag punta nyo sa aking Kaarawan, Alam kong Busy ang iba sa inyo, pero salamat sa Pag lalaan nyo ng oras upang makadalo, Syempre salamat sa Pamilya ko na nananatiling Matatag at Buo, kahit na May mga Anak at Apo na ay nagagawa paring ma Kompleto kapag sapit ng Aking Kaarawan. Matanda na ako at konting sandali na lamang ang ilalagi sa Mundo, pero ang panalangin ko sa aking kaarawan ay para sa inyo. Na bago Ako Umalis sa mundong ito ay sana ay nasa TAMANG TAO na kayo, para di na ako gaanong mag aalala. At sya nga pala, Nais kong batiin ang aking apo, Walang iba kundi ang ating Congressman Exodus,sa sobrang pihikan ay ngayon lamang may ipinakilalang Nobya. Welcome Hija, Doc.Lavinia Munji. Hindi natin alam na baka sa Susunod na Punta nyo ay para na sa Kasal na nila, hehe., Pero ayon nga Dalangin ko, na maging matatag ang relasyon nyong dalawa, Salamat muli sa inyong lahat, Enjoy and Party Party." Saad ni lolo sa kanyang Mensahe. Halos pawisan naman ako sa sinabi sa speech ni lolo. Hinawakan naman ni Exodus ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Ipinaglagay ako ni Exodus ng pagkain, Bakit alam nya kung anong pagkain ang gusto kong kainin? Mga light meal lamang iyon, more on vegies, napangiti naman ako. "Bat natatawa ka Lavz? "Wala, tama ang mga nilagay mong pagkain hehe" "Syempre, ako pa...Ibahin mo ko Lavz, Saad nito sabay kagat sa labi at kindat. Walanja talaga to, Nang aakit na naman, Kelangan talaga Kindat sabay kagat labi? Hmm .deadma ko na lamang sta at nag focus na lamang ako sa pagkain. Lumapit sa mesa namin ang ibang bisita at nakipag beso sa mama ni Congressman habang nakain kami ay umupo rin roon si Lolo at ibangga tita. "Napakaganda mo Hija, kaya pala ayaw ka ipakilala nitong pamangkin namin, gusto e solohin ka, hehe." "Hehe..Naku pag pa sensyahan nyo na po yan si Ex." "Ex? Sabay sabay na Tanong Nila. "Ah..Eh..Opo Ex for Exodus hehe" "Ah, akala ko kung ano, san pala kayo nagkakilala nitong pamangkin namin . "Tumingin ako kay Exodus at tumingin din sya sa akin, naramdaman ko ang pag Pisil nya sa Palad ko, hudyat na ako na lamang ang mag imbento kung san kami nagkakilala. Mabuti na lamang talaga at nag research ako about dito kay Exodus kaya kahit papano ay may masasabi ako. "Ahm.Nagkakilala po kami sa New York, Doon po kasi Ako nag Aral, at that time po eh May isang event po syang dinaluhan at naroon din po ako. Alam nyo na po, nung malaman namin na pareho kaming pinoy eh doon na po nag start yung conversation namin hangang sa getting to know then ayun na po." Nakangiting wika ko sa kanila. Buti na lamang at kumbinsido sila. Habang kumakain at nag kwe kwentuhan kami ay lumapit sa amin ang isang pamilya, May kasama din itong Babae na sa wari ko ay Di kami nagkakalayo ng edad. Panay ang titig nito kay Exodus. Hangang sa ipakilala ito sa amin ng Tita Elena ni Ex. "Ahm.. Exodus Eto nga pala Si Kendal yung sinasabi ko sayo, Kendal Si Exodus pala ang pamangkin ko, At Si Lavinia pala ang Nobya ni Exodus. "Hi Miss, And Hi Congressman Exodus, Sayang naman Naunahan na pala ako, Hindi kasi agad sinabi sakin ni Tita Elena, E di sana ako ang nasa Tabi mo ngayon hehe, Joke lang." Saad ng Haliparot na Kendal habang nakikipag shake hands kay Exodus at halos ipagduldulan pa ang Dibdib nya, at Aba may gana pang Mag Joke sa Harap ko pa talaga? Di man lang kilabutan. "Joke lang Yon Ms.LABINYA hehe.." "It's okay Ms.Kendal and Correction It's LAVINIA "Ah, Okay I see, hehe..Masyado palang perpeksyonista ang GF mo Congressman hehe" "Hehe Nope Ms.Kendal Depende sa tao" "Ah..Talaga? Pasalamat ka Nauna Ka Ms.Lavinia, Sa tingin ko eh pareho lang naman tayong maganda at Sexy pareho lang tayong pwedeng iharap sa madla, nagkataon lang na mas nauna ka hehe." "Haha..Hmm Di mo sure Ms.Kendal kahit ikaw ang mauna i don't think so kung piliin ka Ni Ex. Sa pagkakaalam ko kasi Aside sa Ganda ay hinahanap nya rin yung Matalino, at Hindi ko iyon nakikita sa iyo, hehe sorry Honest lang." Anyway Honey, Mag C Cr lang ako, Wait me here okay?" Saad ko Kay Exodus sabay halik sa kanyang labi, Smack lamang yon pero dama ko ang tila kuryente na parang dumaloy sa akin, Kung di ko kasi gagawin yon ay baka di tumigil tong si Kendal na higad sa pang aakit kay Ex. Matapos iyon ay nagtungo na ako sa Cr At nag retouch, Lakas naman ng loob ng Kendal na iyon na sabihin na mag Kasing Ganda kami? Hey... Lamang ako ng Maraming Paligo sa kanya. Saka Royal ang Tema ng birthday ni Lolo Hugo pero yung suot nya mukang pang Cabaret, Oh sinadya nya talaga para maakit nya si Exodus. Hmm kakagigik ka Kendal, nahalikan ko tuloy nang wala sa Oras si Ex. Minabuti ko na lamang mag retouch at siguraduhing Fresh ang sarili alams na, Jowa ako for Todays Video. Samantala EXODUS Hindi ko Akalain na Hahalikan ako ni Doc Lavinia, Nagkaka initan na kasi Sila ni Kendal, buti na lamang at di nahahalata nila Mama at nila Tita, Iba talaga mag kapasaringan ang mga babae. Girian with Class, Haha akala ng iba nag uusap nang masaya di nila alam na nag papasaringan na yung dalwa kanina. Hangang sa Halikan ako Ni Lavz ng biglaan. Smack lamang iyon ngunit tila nabuhay ang boltaheng kuryente sa aking katawan. Ilang sandali na ngunit di pa sya bumabalik sa pwesto namin, sinubukan ko syang hanapin, Nag punta ako sa Wash room ngunit hindi ko sya natagpuan roon. Naglakad pa ako patungo sa hardin pero bihira na pumunta ang tao roon dahil nasa medyo madilim na iyon na parte. Nakita ko sya roon na tila malayo ang iniisip, Kalmado lamang ang kanyang mukha, wala sa itsura nya ang pagiging isang babaeng Tigre, Napakaamo noon, ang mata nya na tila nangungusap, Ang labi nyang mapula na tila kay sarap halikan. Madilim man sa parteng iyon ngunit kaya ko iyong i describe sa tulong nang liwanag na nagmumula sa buwan. Nakatago lamang ako sa madilim na bahagi at akmang aalis na sya at tila babalik na sa pwesto namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nang bigla ko syang Hablutin pag tapat nya sa akin. Dahil madilim iyon ay hindi nya agad ako nakilala, Sisigaw sana sya para humingi ng tulong ngunit bago pa sya makasigaw at Sinelyuhan na ng aking labi ang kanyang labi. I Kissed her, noong una ay nais nya pa akong itulak ngunit pansin kong lumuluwag ang pagkaka hawak nya sa akin. Kung kanina ay nag pupumiglas sya sa aking halik ngayon ay tinatangap nya na ito, kusang bumuka ang kanyang labi dahilan upang maipasok at magalugad ito ng aking Dila. Isinandal ko sya sa Dingding saka patuloy sya na hinahalikan, Tiwala akong walang makakakita sa amin rito dahil bandang dulo na ito. Hindi ako nakontento ay inakay ko sya patungo sa Hardin nila lolo na puno ng mga halaman, sa may tagong gazebo ko sya dinala. Doon ay muli ko syang hinalikan. I kissed her, I touched her,. Hindi ko alam bakit napapasunod ko ang babaeng ito, Hindi naman sya lasing pero tahimik lamang sya. Not Until i caress her thighs, tila doon sya natauhan. "Wait Sandali, Teka ...Enough" saad nya, naka kandong sya sa akin pero dali dali syang bumaba. Inayos nya ang kanyang damit na nakalilis at itinali ang ribbon na naumpisahan ko ng tangalin. Napabuntong hininga sya, rinig ko pa ang pag mura nya. "s**t Lavinia, Hindi ka na naman nag iisip" pabulong iyon ngunit dinig ko Parang napahiya naman ako sa inasalnko sa kanya kaya napayuko na lamang ako. "I'm sorry Lavinia, Hindi ko dapat ginawa." Saad ko saka ako tumingin sa kanya. "Hwag mo ng isipin, Kalimutan nalang natin, Halika na, Baka hinahanap na tayo nila Tita." Saad nya sa akin tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Nang malapit na kami sa madla ay hinawakan ko ang kanyang kamay. At dinala iyon patingo sa aking labi. "Im Sorry Lavz" saad ko habang nakatingin sa kanya, tumingin din sya sa akin at bahagya ring napayuko. Pagbalik namin sa pwesto ay tinanong kami ni Mama kung saan kami galing. Sinabi ko na sunundo ko lamang si Lavinia Sa Cr. Maya maya ay nagsimula na ang party at tumugtog ang kantang I FALL ALL OVER AGAIN NI DAN HILL Nung una ay marami ang nagsasayaw hangang sa kami na lamang pala ang Natira sa Gitna, Mukang napagkaisahan kami ng Angkan ko. Nakatapat sa amin ang spotlight at Panay Click ng camera ang aking naririnig, Sabay pa ang sigawan nila na animoy kinikilig. "Hala, Ex...bat may ganito.? "Di ko rin alam Lavz, Pakana na naman to ng angkan ko, Im sorry Lavz, baka bukas laman ka na ng news paper. "Luhhh...Nahihiya ako" saad nya saka sumubsob sa aking dibdib, natawa naman ako ng bahagya kaya Niyakap ko sya habang patuloy sa Pagsayaw, di ko akalain na ang Babaeng Tigre ay tila maamong Pusa sa mga Oras na ito. Matapos ang kanta ay umupo na kami pareho, tahimik lamang kami. Bandang 11 ng gabi ay pansin kong nahihikab na sya. "Anak uuwi ka paba? Gusto mo na dito kana muna mag stay, Doon na kayo ni Exodus sa kabilang kwarto." Saad ng mama ni Exodus "Hindi na po tita, next time nalang po, may kailangan pa po kasi akong asikasuhin bukas. "Opo nga Mama, Ihahatid ko na lang po muna sya." "Oh sige, Mag iingat kayo ha, Hija bumalik ka sa bahay ha, next time mag kwentuhan tayo ng matagal. "Opo tita, Bibisita po ako sa susunod." "Okay, Saka Call me Mama Everly Hija." "Si..sige po Mama Everly" nakangiting wika ni Lavinia. Nagbihis lamang ako saglit saka ko sya inihatid. Tahimik lamang kami sa Sasakyan, "Lavz, Ok ka lang ba? Nag enjoy ka naman ba sa party? "Hmmm..Oo naman nag enjoy naman ako, Mababait ang pinsan at Buong angkan nyo. Hahaa ang ayoko lang kanina is yung si Kendal, Halatang may Pagtingin sayo Ex." "Haha? Paano mo naman nasabi? "Naku, obvious kaya, Halos ipagduldulan na yung Boobs nya sayo." "Haha Hindi ko naman tiningnan ah" saad ko rito na natatawa. "Hindi mo tiningnan pero halos idinikit nya sayo." Siguro tuwang tuwa ka dumampi yung Dibdib nya sa braso mo. "Hoyy..grabe sya sakin oh, haha ganan ba tingin mo sa akin?" "Oo pervert! "Luhh..grabe ka naman, Kung may ikinatuwa man ako na Dumampi sa akin yun ay nung DUMAMPI ANG LABI MO SA LABI KO, NUNG HINALIKAN MO AKO, Yun ang gusto ko hehe" wika ko habang nag dra drive "Smack lang yon noh" "Oo smack lang yon, Pero yung ginawa natin sa May hardin at Gazebo? Hindi lang smack yon Lavz" saad ko at natahimik naman sya bigla. "Gusto ko yung Ginawa natin, Wala akong pinag sisisihan, Ang pinag sisisihan ko lang ay naging agresibo yata ako masyado kaya sorry Lavz." "Sorry Din, Nadala lang ako, Buti nga natauhan ako eh, Gusto ko lang naman malaman yung pakiramdam ng Momol, so ganon pala, Buti nalang talaga natauhan ako Ex, Kung hindi naku, Baka naka Home Run ka ng walang kahirap hirap ang swerte mo naman sa akin kung nagkataon no" saad nia na nasa tono na naman ng pagmamaldita haha bumabalik na naman sya sa katauhan nyang tigre. "Haha ganon ba, Bakit? Di ka naman Lugi sa akin Lavz, Matino naman ako, May trabaho, Responsable din naman. At Sigurado akong magaling din ako. "Hmm..Diba sabi ko Gusto kong Asawa ko ang makakauna sa akin, Bakit asawa ba kita? Swerte mo naman kung Ikaw ang magpapa sasa sa Sarili kong inihahanda para sa lalaking magiging asawa ko." "E di Be My Wife, Wala ka na rin namang talo sa akin ano." Sagot ko na ayaw magpatalo sa kanya. "Hmm..Ayoko, Ayaw kita maging asawa, at hindi ko papangarapin na maging asawa mo! Never." Saad nya saka ngumiti ng mapakla. Hindi ko alam kung biro lamang iyon o ano, Ngunit nakaramdam ako ng sakit sa sinabi nya. Natahimik ba lamang ako at tinuon ang mata sa pag dra drive. Hangang sa maihatid ko sya ay nanatili akong tahimik. Ganon ba sya kagalit sa akin? Halos kasukalam nya naman ata ako na kahit sa pangarap ay ayaw nya sa akin. "Salamat sa Pag punta, Ingat ka, Tipid na wika ko. sya nga pala, ipadala mo nalang ang papel na pipirmahan para ma lagdaan ko, Salamat." Saad ko saka bahgyang ngumiti. Kumaway pa sya pagkasakay nya ng sasakyan saka umalis. Nang matiyak ko naman na nakalayo na sya ay saka naman ako umalis, ang ending ay sa condo ko ako dumiretso at doon ay nag shot ako mag isa. Hindi ko parin makalimutan ang Sinabi ni Lavinia. Ganon naba talaga ako kahirap mahalin? Tanong ko sa aking sarili hangang sa makatulugan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD