LAVINIA
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa Kwarto ko. Hinubad ko ang aking damit saka nag Shower. Sobrang antok na ako kaya mabilisang shower lamang ang ginawa ko.
Nakabihis na ako ng pantulog at nagpa patuyo na lamang ng buhok.
Pansin kong nakailaw ang phone ko Hudyat na may Notif ito. Dinampot ko ito at ng basahin koy mensahe pala ni Exodus.
Ex: Maraming salamat sa Pag dalo sa birthday ni Lolo Hugo. Saan tayo pwede magkita para sa Documents,? Para mapirmaham ko na agad bago ako pumasok." Mensahe mula kay Exodus.
Nagtipa ako ng mensahe saka ko ito i sinend sa kanya.
Me: Tomorrow morning 7am sa may 7-11.
Ex: Noted thank you
Matapos ang reply nya na yon ay di na ako nagreply pa, papikit na sana ako ng maalala ko ang mainit na tagpo namin ni Exodus kanina. Nag halikan kami, hinayaan ko syang galugarin ng dila nya ang bibig ko. Hinayaan kong hawakan nya ako. Paano kaya kung hindi ako nag react. Siguro ay Naka wheel chair na akong uuwi. Matikas pa naman si Cong.
Pero ganon pala ang pakiramdam ng nakikipag halikan, First time kong makipag Laplapan, Walanja..May naka kiss narin naman ako ng smack sa State, parang don kasi normal sa kaibigan saka babae yon. Pero yung Laplapan to the max si Ex lang ang nagparanas sa akin.
Kinabukasan ay maaga ako kumilos may mga kailangan din kasi akong lakarin. Tulad ng napag usapan ay nagkita kami ni Ex.
Napaka lakas ng Dating nya sa kanyang Formal attire.
Pansin ko naman ang tila pag ka seryoso nya.
"Good morning, Akin na yung pipirmahan ko, ilang copies pala?
"5 copies, lang naman"
"Ok Noted" saad nya saka isa isang pinirmaham ang mga dokumento.
Pansin ko ang pannahimik nya, Simula ng ibatid nya ako kagabi ay parang naging seryoso at tahimik sya, inisip ko kung may nagawa ba akong di nya gusto pero wala akong matandaan.
"Heto, Okay na, pirmado na lahat, Sabihan mo na lamang din ako kung kelan mo gustong patayuan ng clinic yung site. Sinimulan ko na rin yon ipagapas nung nakaraan kaya maarinoa ang magtayo kung kelan mo gugustuhin." Seryosong wika nya sa akin.
Hind ko talaga maintindihan, bakit parang ang seryoso nya na.
"Sige salamat, I message na lamang kita." Wika ko naman sa kanya.
"Okay, Sige mag ingat ka, Mauuna na ako." Malamig na sagot nya sa akin.
Naging palaisipan parin sa akin ang pagiging cold treatment nya, hindi ko na lamang iyon pinansin.
Makalipas pa ang mga araw ay nag focus ako sa pag aayos ko sa pag papatayo ng clinic, Ang mga Kailangan, Mga Gagamitin na inorder ko pa mula ibnag bansa,At syempre ang mga magiging Staff ko.
Nang ma kompleto ko na ang permit ay nag message ako kay Exodus.
Hindi sya nag reply kaya minessage ko sya sa messenger.
Hin-heart react nya lamang ang message ko.
Basta puro heart reaction lamang ang tugon nya. Wala man lang reply si Gago.
Nakakainis to Gabi na naman imposibleng nasa Kongreso pa to at di man lang ako replyan pero nakakapag react naman! Hangang sa magawi ang mata ko sa MY DAY.
Nakita ko si Exodus May Kayakap na Babae habang tila nasa isang resort sila, Maganda yung Babae, maputi, 3 MY day ang nakita kong naka post, Ang isa ay Nakasampa pa sa Likod ni Ex yung Girl, at pangatlo ay si Ex naman ang kunwaring naka baba kay Girl.
Hindi ko alam pero tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
"Buset Ka Exodus! May pa Be My Wife,Be My Wife kapang nalalaman na animal ka pero ibang Babae naman ang nakababa sayo, Kakainis ka! Humanda ka sakin talaga!" Saad ko habang nakatingin sa My day Nya. Kung Kanina ay 3 MY DAY lamang ngayon ay Naging 6 na, Ibat ibang mga Sweet Pose nilang dalawa ng babaeng kasama nya.
"Napaka Landi mo talaga Exodus, Buti na lang talaga di ko Hinayaang Mawarak mo ako nung Birthday ni Lolo."
Saad ko, wala naman kasing makakarinig dahil ako lang naman ang tao rito. m
Matapos ko panoorin ang My Day ay Inoff ko na ang Cellphone. Masyado na kasi silang masakit sa Mata, at Sa Puso" Charenggg..
Samantala
EXODUS
Sinundo ko ang isa sa paborito kong pinsan na si Euphrasia o mas kilala sa palayaw na Asia. Sa Norway kasi ito naka base at hindi na ito nakauwi noong birthday ni Lolo dahil nag positive ito sa COVID-19 at nagpapagaling kaya di sya nakasama nung birthday ni Lolo Hugo.
At ngayong nakauwi sya ay Napangakuan namin sya na mag gagala sa Siargao kaya Gorabels naman kaming mag pipinsan. Dahil nga isa sya sa paborito kong pinsan ay nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya. Sa kanya ko sinasabi ang mga nararamdaman ko, alam nya rin ang mga Problema ko at nakwento ko na rin sa kanya si Lavinia.
"Sayang Kuya, Di ko na meet Si Ate Lavinia, Saka wag ka na malungkot baka di nya naman intention yung sinabi nya baka biro lang.
"Hindi ko alam Asia, Hayaan mo next time ma me meet mo rin yon pag nag pagawa na sya ng Clinic isasama kita sa Site, Hayaan mo na, wala naman akong magagawa kung yon ang nararamdaman nya sa akin eh.
"Hmm..maaayos din yan, Okay Kuya Picture Picture muna" saad ni Asia saka kami nag picturan,.Matapos mag picture ay kinuha nya ang Cp ko saka ipinost ang picture sa MY DAY kaya sunod na nag My Day ang picture naming dalawa.
"Haha Nag My DAy ka pa talaga sa CP ko ah."
"Hehe...Abangan mo kuya"
"Ang alin?
"Haha Basta"..
Saad nya lumapit sya sa akin at nakatitig kami sa my day. At doon ay nakita ko ang mga nag view view ng kaka upload lang na My Day. At kita kong nag appear ang name ni Lavinia na Na view ang mga My Day ko.
Lahat ng nag View ay Pumuso at nag react maliban sa kanya., Natawa na lamang ako, mukang na ge gets ko ang sinasabi ng pinsam ko kanina.
Kaya nag picture pa
ulit kami at ako na mismo ang nag post sa My Day.
At nakita kong nag view ulit sya.
"Haha, Sorry Lavz, i never meant to hurt you" saad ko sa isip lamang.
After 3 days ay nagtungo ako sa site kung saan doon namin napagkasunduan ang simula ng pagtatayo ng clinic, Maaga ako dumating, Syempre kasama ko si Asia, dahil gusto nya raw makita ng personal si Lavinia, ibinida kasi ng mga Pinsan ko kay Asia na Maganda at Panalo si Lavinia.
Dahil maaga pa ay Binunot ko ang ibang damo sa paligid, Ganon din si Asia na tumulong sa akin mag bunot ng Damo.
Kahit na nasa norway ang pinsan kong ito ay hindi ito maarte.
Mabuti na lamang at wala rin kaming pasok.
Maya maya lamang ay Kita ko na ang pagdating ng Kotse ni Lavinia.
Napag usapan namin ni Asia na wala muna syang sasabihin na kahit ano, bahalang mag isip si Lavinia kung ano man ang gusto nyang isipin.
"Good Morning Lavz! Binunot lang namin ang ibang damo habang hinihintay ka" aking sabi habang pinupulot ang mga damo na aming binunot kanina.
"Morning , Salamat!" Mapaklang wika nya.
Eksakto namang kinuha ni Asia ang Tubig at Inabot sa akin, May dala din itong Towel saka ipinunas Sa mukha ko.
"May Pawis ka na, punasan ko nga" saad ni Asia napaka galing talaga ng pinsan kong to sa bagay myembro to ng Teatro.
Napagawi ang Tingin nya kay Lavinia at Nakuha naman nya ang attention nito.
"Hi...Ikaw si Doc Lavinia? Im Euphrasia.. Asia for short.
"Hello Nice to meet you" saad ni lavinia saka bahagyang ngumiti.
Nakamasid ako sa Pag Gagawa. Habang nakaupo naman si Asia at Lavz sa lilim ng puno.
Ibinababa ang ibang materyales, dahil madami ang mga ito ay Tumulong na rin ako sa pagbuhat.
Medyo mainit kaya Hinubad ko ang aking damit pang Itaas kaya tanging pantalon lamang ang aking Suot.
Kahit nasa malayo sila alam kong may mga matang naka masid sa akin. Dahil mainit ay nakaisip ako ng paraan. Bahagya akong lumagok ng tubig saka ibinuhos iyon sa aking mukha at ang iba ay umagos pa sa aking katawan.
3RD PERSON
Samantala sa Di kalayuan ay nakamasid ang mata ng Dalaga sa Magandang katawan ng binata. Na tumutulong sa pagbuhat ng materyales. Napalunok naman ang dalaga sa kanyang nakita.
"Doc Lavinia, Matagal na ba kayong Magkakilala ni Babe?
"Huh? Ahm..Hindi...nito lang din.
"Hmm..Ganon ba, Akala ko matagal na, itatanong ko sana sayo baka mamaya may ibang babae sya rito.
"Wala..Wala akong alam sa kanya Asia, Gusto ko lang mag rent sa pwesto nya kaya kami nagkakilala.
"Ahm..Ganon ba? Hmm..Okay, pero may tanong ako, Babae karin diba.. Palagay mo ba madaling magugustuhan ng ibang babae si Babe? Patuloy na tanong ng dalaga
"Huh? What do you mean Asia? Takang tanong nito
"I mean ikaw kunwari madali ka bang ma fa fall sa kanya?
"Kung sa Look siguro Oo, yun naman ang tinitingnan ng ibang babae diba ang looks, Bonus na lang ang ugali. Pero sa akin Mas tumitingin ako sa Ugali.
Ok lang naman kasi kung hindi sya Ganon ka Gwapo, as long as tangap nya ako kung ano ako, Mahal nya ako kung sino ako, Okay na ako roon." Nakangiting wika ni Lavinia kay Asia.
Abala sila sa pag hahanda ng pagkain dahil mag la lunch na. Nagpa order na lamang sya ng para sa trabahador. Ngunit meron syang sariling pagkain dahil nga sa kanyang Meal Plan.
Nang sakto alas Dose ay namahinga muna ang mga Trabahador, hinayaan nyang ipamigay ni Mang Domeng ang tanghalian ng mga ito. Si Mang Domeng kasi ang pinaka leader ng mga ito.
"Kumain na ho muna tayo Mang Domeng mamaya nyo na ho ituloy yan," saad ng dalaga habang iniaabot sa matanda ang Inorder na pagkain. Saka naman sya bumalik sa Lilim ng puno kung saan sila naka pwesto ni Asia, May dala ang mga itong Foldable table at doon nakahain ang mga Baon nitong pagkain.
Dahil malapit sya doon ay inaya sya nito.
Kita nya namang papalapit sa kanila si Exodus na katatapos lang maghugas ng kamay.
"Babe, Kain na..ready na ang Foods" saad nga dalaga na kumaway pa sa binata.
Napatingin naman si Lavinia kay Asia saka tumingin sa palalapit na si Exodus.
"Nang nasa tapat na ito ng mesa nila ay Umupo ito sa tapat nya. Samantalang Si Asia naman ay nasa Gitna na style referee.
"Ms.Lavinia, Tikman mo itong baon na dala namin, Masarap yan ,luto ni Babe, Kaya napakaswerte ko dito kay Babe, Maalaga, Mapagmahal, at masarap pa mag luto" anya ni Asia habang nag lalagay ng ulam na niluto ni Exodus sa pingan ni Lavinia.
"Thank you Asia." Wika ng dalaga, Hindi malaman ni Lavinia kung bakit Hindi sya makaramdam ng inis kay Asia.
Napakabait kasi nito. Iniisip nyang magagawa pa bang mag loko ni Exodus kung ganto na pala kabait ang nobya nito.
Samantala
LAVINIA
Wala akong maramdamang Inis kay Asia, malayo sa inis na naramdaman ko Kay Kendal noong birthday ni Lolo. Kita kong mabuting nobya ito kay Exodus. Ewan lang si Exodus kung mabuti itong Nobyo dito kay Asia. Dahil may Nobya na pala pero Nagawa oang Makipag LAPLAPAN sa akin sa may Hardin.
Nakaramdam tuloy ako ng Guilt. Alam kaya nyang Nakipag Laplapan at Nakipag Make out sa kanya ang Nobyo nya?" Tanong ko sa Sarili.
Napansin naman ni Asia ang pananahimik ko kaya nabalik ako sa wisyo.
"Ms.Lavinia, malalim ata ang iniisip mo?
"Huh? Hindi naman may naalala lang." Tugon ko habang sumusubo ng pagkain.
Tinuloy ko na lamang ang pagkain, ayoko na mag isip, Hindi ko rin naman alam na may Nobya sya dahil ang sabi nya ay wala.
Masarap ang pagkaing Gawa ni Ex, Infairness marunong pala mag luto ang Gago. Dami naman talent nito.
Matapos kumain ay nag paalam akong mag lalakad lakad upang bumaba ang kinain.
Nagulat akong Biglang tumakbo palapit sa akin si Asia saka umabre siete sa aking braso. Nagu guilty na naman tuloy ako. Sa tingin ko ay mas bata ito sa akin baka nasa 26 lang ito.
"Sama ako sayo Ms.Lavinia" anya saka yumuko at inayos ang sapatos na natangal ang sintas.
"Hindi kaba pagagalitan ng Nobyo mo? Baka hanapin ka ni Exodus.
"Hehe..Hindi yan, Saka ikaw naman ang kasama ko kaya di nya ako hahanapin." Dagdag nya pa saka humilig sa aking balikat habang nag lalakad kami. Hindi ko alam pero parang nakatagpo ako ng isang nakababatang kapatid sa katauhan ni Asia. Solong anak lamang kasi ako. Nakarating kami sa isang Lugar na napaka ganda ng View kinuha nya ang kanyang Cellphone at agad akong pinicturan. Sunod naman at sya ang nagpa picture.
"Wow, ang ganda natin Ms.Lavinia" papainggit ko to kay Babe mamaya" anya at biglang napawinang ngiti ko.
"Ahm..Asia tara na balik na tayo roon, baka hinahanap na rin tayo ni Exodus "
"Okay, Tara.." saad nya saka kami muling ngalakad pabalik.
Nang makarating kami ay tila kulimlim at babagsak ang napaka lakas na ulan.
Nag desisyon kaming bukas na lamang ipag patuloy kaya pinauwi na rin namin ang mga trabahador may service din kasi sila.
Nakasakay na rin si Exodus at Asia sa Sasakyan nila. Samantalang ako naman ay Nakasakay narin.
Kumaway pa sa akin Si Asia. Kumaway rin ako sa kanya pabalik, Pagtingin ko ay Nagka titigan pa kami ni Exodus. Malamlam ang tingin nya sa akin at di ko alam ang ibig sabihin, Bumusina ako hudyat na paalis na ako, Ganon din ang ginawa nila.
Una ako ng ilang minuto sa kanila pero nakita ko sila na halos nasa likod ko na rin. Biglang bagsak ng napaka lakas na ulan at sobrang dilim ng paligid, halos Zero visibility na sa lugar na iyon, dahil wala na akong maaninag at balak ko na ihinto nang biglang hindi agad kumagat ang preno ko ang Ending ay Bumanga ako sa isang puno, mabuti na lamang at nasa tabi na ako at hindi sobrang lakas ng pagkakabangga, pero may nakapa akong basa sa aking noo ng tingnan ko ay kulay pula ito at doon ko napagtanto na Dugo ito, Bigla akong nag black out ngunit bago ako pumikit ay nakita ko pa ang mukha ni Exodus na alalang ala at pinipilit buksan ang pinto ng kotse. Kasunod noon ay ang tuluyan ng pagkawala ng aking malay.