CHAPTER 6 "PLATONIC LOVE"

2136 Words
LAVINIA Pag mulat ng aking Mata ay nasa pauting lugar na ako, Dahan dahan kong minulat muli at doon ko napagtanto na ako ay nasa Hospital? Tama Hospital nga napabalikwas ako ng bangon, Doon ko napansin na naka benda ang aking ulo at naka dextrose din ako. Bigla ko inalala ang lahat, Doon ko naalala at napagtanto na naaksidente ako, pero sa pagkaka alam ko ay mild lamang iyon, pero bakit naman may pa Dextrose pa sa akin. Pumasok ang Isang nurse at tinanong ko kung sino ang nagdala sa akin, Ang sabi nya ay si Cong.Exodus raw, may kausap lamang daw ito sa labas. Tumango lamang ako sabay labas na rin ng Nurse. May naisip na naman akong Kalokohan. Humanda ka sakin Exodus Banderas. Dinig kong bumukas ang pinto hudyat na may pumasok. Rinig ko ang paglapit nya sa akin. Kunwari naman akong patay malisya. "Lavz, Kumusta salamat at nagising ka na, May gusto kabang kainin? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo ha? "Wait...Si..Sino ka? Anong ginagawa mo rito? "Huh? Lavz, ako to Si Exodus,. Di mo ba ako maaalala? "Huh? Hindi kita kilala? Nasan ang anak ko? Ilabas mo ang anak ko? Ikaw ang kumuha sa Anak ko! "Lavz! Anong anak ang sinasabi mo? Di mo ba ako matandaan? Wala tayong anak..Di nga natuloy yung Pag Toyian natin sa Hardin tapos mag hahanap ka ng Anak?" "Lumayas ka! Ayokong makita ang pag mumuka mo! Hindi kita kilala! Saad ko na sumisigaw rito. Pinipilit kong maging seryoso at Di matawa kahit tawang tawa na talaga ako. "Yun ba ang gusto mo? Sayang naman ang clinic na ipinapagawa mo, Sige sasabihin ko na lamang kina mang Domeng na itigil na muna ang pag gagawa hangang di ka nakakaalala" anya sabay akmang lalabas. Dahil sa sinabi nya ay Agad akong Nawindang.. "Hoy..Ex...Kalma Joke lang! Gago paniwalang paniwala agad. "Tsk...Pinakaba mo ako Lavz! Kakainis ka naman eh! "Aba, at ako pa ang nakakainis? Ako na nga tomg naaksidente! "Eh kasi naaksidente ka na nakuha mo pang mag joke." "Ok, Saka teka bat ba naka dextrose ako, sa pag kakaalam ko kasi di naman malala ang tama ko, pero bat may pa ganito? "Sinigurado ko lang na maayos ka kaya ganyan." "Weh? Nag alala kaba Sa akin? Ang landi mo rin eh no? May Gf kana pala eh mas pinili mo pang mag Stay dito! Umalis ka na nga, Iwan mo na ako rito. Kaya ko na ang sarili ko, Nakakahiya na kay Asia, sya ang GF mo tapos narito ka, Sobrang guilty ko na alam mo ba? Dahil napakabait ng GF mo, kung alam nya lang na Nakipag LAPLAPAN ka sa akin naku! "Eh mas Masarap yung Labi mo Eh, anong magagawa ko? Saad nya na ikinapula ng Mukha ko. "Abat talagang Proud ka pa? Lumayas ka na nga nakakainis ka na! "Sige aalis na ako, Mag ingat ka! Ay hindi pala sila pala ang ingat sayo, Tigre ka pa naman." Saad nya akmang babatuhin ko sya ng unan ng dali dali na syang tumakbo. Sira ulo talaga. Hay naku Exodus. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Pag bukas ko ay nakita ko ang isang request message. Euphrasia Smith message request Binuksan ko iyon at nakita ko ang mensahe ni Asia, Kinukumusta nya ako. Ni replyan ko naman sya na ayos lamang naman ako. Nakailang palitan din kami ng mensahe at pagkatapos noon ay nag paalaman na rin kami. Kinabukasan ay nag pa discharge na rin ako dahil ok na naman talaga ako. Akmang aalis na ako sa aking kwartong inuukopa upang mag bayad nang biglang Pumasok ang Alalang alala na Si Mayor Mavee sa kwarto ko sa hospital. Nagulat pa ako ng Bigla nya akong Niyakap. "Vin are you Okay? I'm sorry wala ako, I'm sorry hindi kita nadamayan agad." Saad nya habang nakayakap sa akin, Nanibago naman ako kaya Yumakap rin ako sa kanya umiiyak ba sya? Nag crack kasi ang boses nya. Doon ko napagtanto na umiiyak nga sya. Yumakap din ako sa kanya at pati ako ay naluha na rin. "It's okay Mavz.. I'm fine..Ayos lang ako" di mo kailangang mag Sorry sa akin. "Pero wala ako sa tabi mo.. Nag promise ako kina tito at tita na pro protektahan kita sa muling pagbabalik mo dito sa poder ko pero di ko nagawa. I'm so sorry Vin." Dagdag pa nito. Nananatili parin kaming magka yakap at nag iiyakan pansin ko ang Dalagitang Kasama ni Mavee? Hindi ko alam kung sino sya, pero maganda ang babaeng kasama nya, sa tingin ko ay parang Halos wala pang bente anyos. Nakita ko itong tila malamlam ang mata na nakatingin sa amin, Sunod naman na nakita ko ang Pagdating ng Isang tao na nakatayo sa may Pinto na tulad ng Dalagita ay nakamasid din sa amin ni Mavee habang magkayakap kami. Walang iba kundi Si Exodus. Nang magbangga ang aming mga mata ay tila ibang aura ng Exodus ang nakita ko. Malamlam iyon at malungkot, nabaling ang tingin ko sa kanyang kamay na may Hawak pang paper bag at Bulaklak. Biglang may pumasok na Nurse kaya Nag agwat kami ni Mayor Mavee. Pinahid nya pa ang kanyang mata, Maging ako ay ganon din, bahagya pa akong napasinghot dahil sa pag iiyakan namin. Nag batian naman si Mayor Mavee at Si Congressman. "Mayor, narito ka na pala, Dumaan ako rito para kumustahin si Doc." "Oo Cong, Salamat sa pagdadala mo sa kanya rito., ako yung dapat na pro protekta pero ako yung wala. Salamat pre. "Wala yon, Alam kong nasa meeting ka hindi mo naman kasalanan yon" Habang nag uusap ang dalawa ay pansin ko naman ang dalagita na kasama ni Mavee kaya binati ko ito. "Hi, Sino ka pala? Kasama ka ni Mavee? "O..Opo...kasama nya po ako Doc." "Ah, Ngayon lang kasi kita nakita" "Ahm..Opo kapapasok ko lang po kasi sa Kanya. Bilang P.A nya po. Mag 2 months palang po ako. "Ah..Ganon ba .kaya pala .Ano nga ulit ang Name mo? "Xe...Xelca Lynzi po ang pangalan ko " "Ah..Okay So Pwede kitang tawaging Xelyn? "Pwede po kayo po ang bahala Doc Lavinia." Mukang mabait naman ang P.A ni Mavee pero sigurado akong bata pa nga ito. Simple lamang din sya. Makikita mo sa kanya ang isang Tipikal na Probinsyana. Pero magandang bata ito. Matapos mag usap ay Akmang Tatayo na ako muli nang may Iaabot sa akin si Mavee na isang Bouquet ng pulang rosas na pinakuha nya pa sa babaeng kasama nya. Pagkaabot naman sa akin ni Mavee ng Bulaklak ay malungkot na lumabas ang dalagita kanina, "Para sakin to Mavee? Grabe ka naman " "Hayaan mo na pambawi man lang, hehe" anya habang nakaharap sa akin. "Oo na , Salamat huh! Saad ko rito Nabaling naman ang tingin ko kay Exodus na nakatingin parin pala sa amin ni Mavee. Tangan din nito ang bulaklak na kulay pink naman. "Ahm..Pano Mayor Mavee..Doc Lavinia. Mauuna na rin ako, Dumalaw lang naman ako para kumustahin ka, ngayong ok kana eh panatag na ako."anya nito. "Sa..Salamat Exodus." "Welcome, Sige pre, Ingat kayo pauwi " "Ikaw din pre, Ingat" saad ni Mavee habang akay akay ako. Samantala . EXODUS Excited akong pumunta sa hospital para bisitahin si Lavinia, Binilhan ko pa sya ng Siopao at ng Bulaklak, pambawi man lamang sa Pang iinis ko sa kanya. Ngunit di ko inaasahan ang aking madadatnan. Pagtapak ko sa pinto ay nakita ko silang magka Yakap ni Mavee at Nag iiyakan sa gilid ay nakita ko ang Bouquet of Red Roses na nasa tabi ng isang dalagita. Nagkatinginan kami ni Lavinia, tila nagulat pa sya ng makita ako, Saktong dating ng nurse kaya ngkalas sila sa pag kakayakap. Nag batian naman kami Ni Mavee at nag usap sandali ganon din si Lavinia at ang dalagita. Inutusan pa ni Mavee ang dalaga na Iabot ang bouquet na para kay Lavinia. Kita ko ang Ngiti sa Mukha ni Lavinia. Ngiti na para kay Mavee ko lang nakikita. Napayuko na lamang ako, pag kaabot ng dalaga ay umalis na rin ito sa loob, ako naman ay nag paalam na rin dahil di ko ata kakayanin pa nang matagal na makita silang dalawa na masaya na nanonood lamang ako. Sa laki ng aking hakbang ay naabutan ko ang dalagitang kasama nila sa kwarto kanina. Tahimik lamang ito nalampasan ko pa sya at kita ko pa na nagpunas sya ng luha. Pagkalampas ko ay binalikan ko sya. "Miss? Okay ka lang ba? Tanong ko, ngunit bago nya ako sagutin ay tumingin pa sya sa paligid. "Po? Ako po ba? "Yes..Ikaw nga." "Ahm..Opo ok lang po ako, napuwing lang po ako" saad nito sa akin pero di nya ako maloloko, Alam kong lumuluha sya kanina, bakas pa nga sa mata nya ang pag iyak. "Great Pretender huh, Here Sayo na ito Miss, Kainin mo yan ha, Pati itong Bulaklak sa iyo na rin" di ko alam ang pinag dadaanan mo, Pero sana di tulad ng sa akin. Bata ka pa Miss. sana maging masaya ka, At Piliin mo palaging Maging masaya." Saad ko sa kanya saka bahagyang ginulo kanyang buhok. "Sa..Salamat Sir..." "Call me Kuya...Kuya Exodus" saad ko saka ako ngumiti ng bahagya at nag paalam na ng Tuluyan. Pagdating ko sa sasakyan ay doon bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ang emotional ko naman ata. Isang hingang malalim tapos laban na ulit. Ganon naman ang buhay eh. Pinaandar ko na ang Sasakyan nakita ko pa silang papalapit sa Parking. Napansin ko pang Nakatingin si Lavinia sa Paper Bag at Bulaklak na Dala ng Dalagita, Maging si Mavee ay nakatingin din dito. Samantalang Nakita ko namang nakangiti ang Dalagita ngunit di parin maikukubli ang lungkot sa kanyang mga mata. 3RD PERSON POV Habang naglalakad ay Naabutan ni Lavinia at Mavee ang dalagita malapit sa Parking. Nakita nila itong may Dalang paper bag at Bulaklak. "Oh, Xelyn..nariyan ka na pala ano yang Dala mo? Tanong ni Mayor mAvee sa dalaga. Napatingin naman si Lavinia sa Paper Bag at Bulaklak na hawak ni Xelyn. Yun ang bagay na hawak ni Exodus kanina. "Ah, Mayor Mavee Bigay po ito sa akin nung lalaki kanina na kasama natin sa loob ng Hospital, Si Kuya Exodus po. Kaalis nya lang po kasi, Ang Sabi nya po, Sa akin na lang daw po ito at sana daw po maging masaya ako palagi,." Habang sinasabi iyon ni Xelyn ay tila maluluha naman si Lavinia. Dala iyon ni Exodus kanina, Wala namang nakakaalam na darating sila Mavee, Possible kaya na para sa akin iyong bulaklak na dala nya?" Tanong ng dalaga sa kanyang isip. Pero bat nya ako bibigyan ng Bulaklak may Nobya na sya." Medyo naguguluhan ang dalaga kaya minabuti nyang magpahinga na lamang at wag na masyadong mag isip. Nang makarating na sila ay tiniyak lamang ni Mavee na okay sya at sinabing tawagan lamang sya pag may kailangan. Umoo naman sya, busy na tao rin si Mavee at ayaw nya ring makagulo rito. Ayaw nya isipin ang Binatang Kongresista ngunit heto sya at tila inaabangan ang mensahe nito. Ngunit natapos ang araw ay wala ni isa syang natangap na Mensahe mula rito. Samantala sa mga oras naman na iyon ay Nasa Condo lamang si Exodus at nag lalasing. Pinuntahan ito ni Asia dahil timawag ang kanyang Kuya Exodus at ramdam nyang may problema ito kaya agad nya itong dinaluhan. "Tama na yan Kuya, Lasing ka na, bakit kasi ayaw mo na lang sabihin kay ate Lavinia ang totoo mong nararamdaman kesa nag kakaganyan ka." Saad ni Asia habang nililikom ang mga bote na wala ng laman. "Haha .para ano Bunso? Mas ok na sarilinin ko na lang to, Kasi Yung Saya na nakikita ko sa kanya kapag kasama nya si Mavee hindi ko yon kayang ibigay. Yung ngiti nya, Si Mavee lang nag nakakapag bigay non. Ako? Ano bang naibibigay ko sa kanya? Wala..Palagi syang naiinis, naiirita. Siguro magiging Casual na lamang ako sa kanya,. "Woah kaya mo ba Kuya? Eh marupok ka rin eh Im sure pag nakita mo na naman si Ate Lavinia eh Back to Kilig ka na naman." "Oo na bunso, marupok na ako, hehe wala eh...Ganito ang Kuya mo kay wala kang magagawa." "Ok na kuya, Tama na ha Lasing ka na matulog ka na dahil baka sa susunod magkita na naman kayo ni ate lavinia. Ang alalahanin mo ay May pasok ka bukas sa Kongreso kaya bawal kang ma late." Saad ng dalaga sa lasing na Kongresista at maya maya nga lamang ay nakatulog na rin ito. "Hayy, Ang hirap ma In love ng ganito, bat kasi ayaw pang magsi amin sa isat isa, pareho lang din naman silang nahihirapan. Hayy Naku, Lintek na Pag Ibig Dapat Theme song nitong Si Kuya Exodus eh Ang Tatanda na mga Pabebe pa, Hahay, Pag ibig nga naman" Anya ng dalaga, at tinuloy na ang pagliligpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD