LAVINIA
Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin akong mensahe na natatangap mula kay Cong.
Busy ba syang talaga? Hmm..Baka nga busy lang sa Session. Pero hindi rin, di naman uubos ng oras yung isang text man lang, ano ba naman yung mag message sya kahit sandali.
Wala na akong nagawa kundi ako na naman ang gumawa ng Moves. Nag message ako sa kanya upang ipaalam na mula bukas ay tuloy na ulit ang pag gagawa. Ilang munuto ang nakalipas at may nag notif sa phone ko.
"Ex: Ok, sige lang, remind ko na lang si Mang Domeng, baka hindi ako makapunta bukas salamat..
Yan ang reply nya, Hindi na ako nag reply, bahala na sya kung ayaw nya sumama baka busy sya sa pakikipag landian sa ibat ibang babae.
Kinabukasan ay pumunta ako sa site bandang alas nuebe. Mahuhusay tumrabaho sila mang domeng at masisipag ang mga tao nya. Mabuti na lamang at maganda ang Panahon.
Oorderan ko dapat sila ng pang meryenda ngunit nakita kong meron na sila.
"Mang Domeng, May meryenda na po ba kayo?
"Ay opo Mam, meron na po. Dinala po ni Congressman kanina, dumaan po kasi sya dito bago pumasok, may mga binilin lang pong ilang bagay.
"Ah..Dumaan po si Cong kanina?
"Opo Doc"
Napaisip ako habang nag lilista., hmmm di daw sya pupunta dadaan din naman pala." Saad ko at napailing na lamang.
Mahusay talagang gumawa sila Mang Domeng talagang trabaho kung trabaho, Kaya talagang Dinadagdagan ko rin ang bayad sa kanila.
Mabilis na lumipas ang mag hapon.
Uwian na ng mga Trabahante, ngunit naiwan ako dahil kailangan ko pang bilangin ang mga materyales na ipinabibili ni Mang Domeng.
Aalis na sana ako mg biglang may humawak sa balikat ko na ikinagulat ko."
"Ahhhh..Tit*ng Gala" saad ko dahil sa pag kakagulat.
"f**k Doc Lavinia! Yung bibig mo talaga, Busy lang ako pero di Gala yung Hotdog ko"
Saad ng nakangiting Si Congressman, hindi ko alam bakit parang na miss ko ang taong ito.
"Oh..Ex..Ikaw pala, Aba malay ko ba, Pwede din naman yung sinabi ko ah Dahil gala ka din naman talaga." Ismid ko rito.
"Hmm..Sunget mo na naman, Pwede bang wag mo na ako pag sungitan, minsan na nga lang tayo magkita eh."
"Oo nga minsan na nga lang tayo magkita pero Di ka man lang mag reply ng maayos sa mga messages ko."
"Hmm..Nag react naman ako, means ok ako or sakin yung suggest mo yun yon Doc."
"Hmm..Simpleng reply nga lang di mo magawa, Nag hihintay kaya ako sa Message mo, pero Inabot na nang alas dose kakahintay pero wala." Saad ko saka umismid sa kanya.
"Woah..Talaga hinihintay mo ang message ko?"
Tanong sa akin ni Ex, don ko lang napagtanto ang mga nasabi ko.
"Huh? May sinabi ba ako?
"Oo sabi mo inabot ka ng 12 kakahintay sa message ko Lavz, hehe"
"Huh? Wala... I mean yung reply mong matino yun ang ibig kong sabihin no!" Saka wag ka ngang assumero Ex, bat ko naman hihintayin ang message mo aber? Boyfriend ba kita?
"Hmm..Oo diba alam ng Family ko na GF kita, Hinahanap ka nga Ni Mama eh."
"Tumigil ka na nga, Since andyan na ulit yung GF mo, sya na ang ipakilala mo, Ako na ang bahala magsabi kina Tita at kina lolo na Pinagpanggap mo lang ako, na ang Totoo mong Mahal ay Si Asia.
"Hmm..Ganon ba? Ayaw mo talaga akong maging BF no, pinagtutulakan mo ko sa iba."
"Naku Ex, May GF kang tao at ok naman, Bakit nagagawa mo pang magloko! Isusumbong kita kay Asia!
"Kung yan ang gusto mo Ok lang, Para hiwalayan nya na rin ako, Para ikaw na talaga magiging GF ko Lavz"
"Grabe ka talaga napaka wala mong puso kay Asia!" Patuloy ko pa.
"Tapos ka naba dyan sa ginagawa mo? Halika na sabay na tayo umuwi"
"Mauna ka na, kaya ko na ang sarili ko,"
"Weh, Talaga? Okay sige ka, sabi May Gumagala daw na Mga Naka Van dito pag alangang oras na, Bahala ka ikaw din." Saad nya at tila natakot naman ako.
"Woi..wag kang ganyan!
"Haha e ayaw mo pa kumilos eh, Tara na"
"Oo na, Napakagaling mo Talaga Ex no, Babaero ka pa!
"Ako Babaero? San mo naman nakuha yang balita na yan Lavz? Daig mo pa si Mike Enriquez, Lakas mong maka IMBESTIGADOR!"
"Eh Diba totoo naman, May ASIA kana, Tapos nung bumisita ka sa Hospital, Yung P.A naman ni Mavee yung Dinidigahan mo, Binigyan mo pa ng Bulaklak! Napaka Pervert mo talaga!" Inis na wika ko sa kanya sabay tampal sa braso nya at Tawang tawa pa si Gago.
"Hahaha, Yun ba.. Actually binigay ko talaga yon Dun sa Dalagita. Hehe Para sayo sana yon, Kaso wala eh, Mas Bongga yung Bigay Ni Mayor Mavz kaya di ko nalang binigay sayo. Eh sakto nakita ko yung dalagita na parang umiiyak kaya sa kanya ko nalang binigay." Saad nya tila natahimik naman ako.
"So para sa akin talaga yon?
"Oo nga, pero wala eh...Naunahan ako ni Yorme hehe, pero Oks lang." Saad nya na tila naging malungkot.
"Tara na Doc, Padilim na, Baka gabihin at abutan na naman tayo ng ulan.
Sabay kaming umalis ngunit magka iba kami ng sasakyan, nasa unahan ako at nasa likod naman sya, Kung kaninang tanghali ay maganda ang panahon ngayong pagabi naman ay tila babagsak na naman ang ulan dahil medyo kulimlim.
Kaya pumulagas din kami agad, mahirap na baka maabutan na naman kami sa zig zag na parte, may trauma pa naman ako sa lugar kung san ako nabangga.
Bago sumapit ang kabayanan ay huminto muna ako, meron kasing Masarap na kainan at Kapehan dito, pwede ka magpaluto, at may mga short order din, dito ako madalas tumatambay dahil hindi crowded saka presko ang hangin. Mababait din ang may ari nito na naging ka Close ko na, Sila aling Idang.
Tamang tama dahil umaambon na nga kaya sakt lamang na huminto muna ako rito.
Dahil kasunod ko si Cong ay Huminto rin sya ng makita ang sasakyan ko.
Medyo nagtataka pa sya sa paghinto ko."
"Bat ka huminto? May problema ba?
Seryosong tanong nya, Napaka seryoso talaga nito minsan, kaya nakaisip na naman ako
"Oo" seryosong sagot ko
"Bakit...May masakit ba sayo? Seryoso si Gago.
"Oo...NAGUGUTOM AKO" saad ko sabay Pisil sa Pisngi nya
"Tsk .Walanja naman Doc, Akala ko naman kung ano.
"Haha..Ang seryoso mo naman kasi, Tatanda ka nyan Lalo, haha Stress kana sa Kongreso, Palagi ka pang seryoso."
"Hmm..ikaw kasi eh." Saad nito
"Halika na nga, Gutom na talaga ako, gusto kong kumain ng masarap."
"Okay, Tara...Libre ko."
"Weh? Treat mo?
"Yes...ayaw mo ba?
"Gusto syempre... Halika na." Saad ko sabay hila sa kanya ngunit saglit nya akong pinahinto.
"Lavz wait!"
"Bakit?
"Pikit ka muna" utos nya sa akin habang nakangiti
"Pikit? Bakit? Takang tanong ko sa kanya.
"Hehe Sabi mo kasi HALIKA NA" eh ayon hahalikan na kita, hehehe" saad nya habang nakangiti labas ang kanyang mga dimple.
"Hahaha...Joke Yarn? Jusko, mapaghahalataan ka sa edad mo Ex.
"Oo na, Corny na..hehe tara na nga."
Sa pag kakataong ito ay sya na ang humila sa akin.
Pagkakita sa akin ni Aling Idang ay binati agad ako nito, Nagulat pa sila ng makita na kasama ko si Cong.
"Magandang Gabi po Congressman, Kayo po pala iyan, welcome po sa aming Munting kainan." Saad ni aling Idang.
"Magandang gabi din po Nay, Opo dito po kasi nag aya si Doc Lavinia, masarap daw po ang mga pagkain nyo rito."
"Hehe Ganon ba, naku salamat Doc Lavinia sa pag refer mo sa amin."
"Totoo naman po aling Idang masarap ang mga pagkain nyo rito. Kakamis."
"Naku salamat, Oh sya pumili na kayo ng order, Papasok lamang ako sa loob." Anya ng matanda.
Umupo kami Ni Cong sa pang dalawahang mesa. Ibinigay ko sa kanya ang Menu at pinapili sya ng pagkain nya.
"EX, Ano yung Sayo?
"Bat mo tinatanong yung Sakin? Gusto mo makita? Baka magulat ka haha" Saad ni Gago sabay tawa, Doon lang nag sink in sa akin ang lahat.
"Gagi! Ang ibig ko sabihin Anong Order mo?! Napaka Maniac mo talaga!
"Hehe...Ikaw talaga Lavz, ang hirap mo spellingin. Kapag Seryoso ako, sasabihin mo ang seryoso ko, Kapag naman nag Jo joke ako sasabihan mo ko ng Pervert, hahaa wala na talaga akong puntahan sayo."
"Eh Sira ka naman kasi, Sablay yungga pasok mo ng Jokes."
"Hehe..Wag kana magalit, Mawawala yung ganda mo nyan, Ayiee..Ngingiti na yan, Ngingiti na yan." Saad ng loko sa akin, Dahil sa itsura nya ay napatawa na rin ako.
"Oo na, Hmmm..Ano na nakapili ka na ba ng sayo, I mean order mo."
"Yep, Ahm Brewed Coffee saka Tapsilog at Daing na bangus."
"Ok, Akin na Oorderin ko na," saad ko sabay kindat sa kanya.
Lumapit ako sa Counter saka inorder ang mga pagkain namin. Natawa ako bigla kasi gabi pero parang oang breakfast ung pagkaing inorder namin, hehe wala eh mag cre crave talaga ako, umorder din ako ng Caramel Macchiato at Brewed naman ang Kay Cong.
Habang nag hihintay kami ng order ay lumapit ako sa may veranda kita doon ang mga ilaw, medyo mataas pa kasi doon kaya tanaw ang bahayan sa kabayanan.
Pag lingon ko sa Table namin ay wala si Ex, Baka nag CR muna.
Naulan na noon at Maginaw na, kaya nag sisimula na akong lamigin, nakalimutan ko pa naman mag dala ng Blazer. Habang nakatanaw sa mga ilaw ay Nagulat na lamang ako ng May Bagay na dumampi sa aking balikat, Isa itong itim na jacket. Kumuha pala siya ng Jacket sa kanyang sasakyan, na appreciate ko naman ang ginawa nya kaya nag Thank you ako.
"Salamat Ex, Nakalimutan ko pala bit itin yung blazer ko."
"Oo nga eh, pansin kong parang giniginaw ka kaya kinuha ko na muna sa kotse, tara na sa table malamig dito, lalao kang giginawin." Aya nya sa akin at inakay ako pabalik sa table.
Nang makaupo na kami ay isa isa nang ibinababa ang mga Order namin. Amoy pa lang ng sinangag ay talagang nakakagutom na. Samahan pa ng kape amoy na amoy mo ang aroma.
Nailapag na ang mga order namin.
Pumunta naman ako sa lababo saka nag hugas ng kamay.
Nasa lamesa na lahat ng order namin. umorder ako ng Hotsilog at kape, kay Ex naman ay Tapsilog,Daing na bangus at Brewed Coffee.
Kakain na sana sya ng mapansin nya na tila may hinihintay pa ako. Nagtataka rin sya bakit nakakamay ako.
"Hmm..Lavz, ano pang order ang hinihintay mo? I thought kompleto na? Saka Kakamayin mo yang Hotdog at Egg?" tanong nya sa akin na may Halo na namang Kaberdehan.
Hmm..talagang kanina pa ako sinusubukan ng Lalaking To, Hmm sige pag bibigyan kita, sasakyan natin yang kapilyuhan mo Banderas!" Saad ko sa aking isip habang nangingiti.
"Ano? Lavz..kakamayin mo?
"Oo, wala naman sinabi na Bawal kamayin ang Hotdog at Egg kapag kinakain ah." Saad ko saka ko binasa ng bahagya ang aking labi, kita ko naman ang biglang pag lunok nya sabay higop sa kape, Haha ano ka sisimulan mo ko tas tatablan ka? Anya ko sa aking isip
"Kumain kana kung gutom ka na Ex."
"Sige kakain na ako Babagalan ko na lang, Ano ba kasi yang Order mo Lavz at parang takam na takam ka di mo magawang kumain hangat wala yon.?"
Tanong nya sa akin sakto namang parating na ang order ko at kasalukuyang inaabot sa akin, Malayo pa lamang ay pansin ko ng napa punas ng Ilong Si Ex.
"Tinatanong mo kung anong order ko diba? Heto oh UNWASHED v****a hahaha"
saad ko sabay Taas ng hawak kong tuyong danggit sa Kanya.
Natameme naman si Gago habang sumusubo ng pagkain. Habang ako naman ay Nagsimula na ring kumain, isinawsaw ko ito sa sukang may sili.
"Ano Ex? Bat natahimik ka dyan? Hindi kaba kumakain nitong Unwashed Vig!n@ hehe masarap kaya to." Saad ko na inaasar asar pa sya.
"Hmm..Kumakain naman ako nyan pero di ko alam na Unwashed Vag!n@ pala tawag dyan, Hahaha." Saad ni Ex
"Hmm..So Nakakain kana pala ng UNWASHED Vig!n@ Cong."
"Sa Daing Oo, pero sa Totoong Buhay Hindi pa.. Hmm..Ganan ba yung smell Doc Lavz?
"Hmm..Oo haha ilang mga Customer na yung winax ko at may mga customer na medyo alam mo na."
"Hmm..na curious tuloy ako"
"Saan? Sa Customer?
"Hindi...Sa Unwashed Vig!n@ penge nga makatikim man lang ng Unwashed na Tuyo." Saad ni Ex saka kumuha ng Danggit at sinaluhan ako.
Habang kumakain ay tawa kami ng tawa,
Hangang sa Matapos kami.
Nag huhugas kami ng Kamay ngunit di parin matangal ang amoy ng tuyo sa mga kamay namin.
"f**k! Ayaw matangal ng Amoy Lavz!
"Haha...Buti sakin nawala na!
"Anong Ginawa mo sa kamay mo?
"Haha nilagyan ko ng Lotion"
"Penge akong Lotion Lavz, Sa bahay pa naman ako uuwi baka pag Bless ko kay Mama maamoy nya, Baka tanungin ako san ko inihawak yung kamay ko."
"Haha..E di sabihin mo kay Tita hinawak mo sa UNWASHED v****a"
tawang tawang wika ko.
"Hmm..Tawa ka jan lavz, Bibigyan mo ako ng Lotion oh sasabihin kong Magkasama tayo at hinawak ko to sayo? Haha ano ano..
"Hoy! Grabe ka, eto na nga!" Saad ko at inabot na sa kanya ang lotion.
Nag tatawanan naming nilisan ang Kainam ni nanay Idang.
"Salamat sa inyo, Balik kayo ha"
"Opo nay, Thank you po." Saad namin
Habang pasakay na ng Kanya kanya naming sasakyan ay nag paalaman na kami, syempre nag thank you ako.
"Salamat sa Libre Cong.Ex."
"Welcome Doc. Lavz, Je T'Aime" saad nya sabay kindat.
Syempre kinilig ng very light ang Doc Lavinia nyo, pero syempre may Naisip akong kalokohan.
"Congressman Ex...SaranghaE.."
Saad ko with Korean Accent, Ngiting Ngiti naman si Gago, Syempre may twist yorn.
"Re .Really? SARANGHAE? tanong nya sa akin habang nakangiti.
"Yeah...SARANGHAE-UT" Saad ko sabay tawang tawang pasok sa sasakyan."
Napailing na lamang sya at pati sya ay hagalpak ng tawa sa sinabi ko.
Bago ako umalis ay nilapitan nya pa ako at kinatok ang bintana.
Binuksan ko naman ito.
"f**k! Ang lupet mo talaga Lavz, Saranghaeut ka jan, pag ikaw na saranghaeut ko di ka makakabangon kinabukasan."
"Tse hahha manyakis. alis na dyan uuwi na ako haha"
"Sige na..Ingat ka, umalis ka na nga baka ma saranghaeut pa kita kung di ka pa aalis."
"Tse Babush Mr.Pervert hahaha!
"Bye, Ingat Ka Lavz"
EXODUS
Nasa kanya na ata ang halo halong ugali ng isang babae, Minsan Masungit, Minsan Malambing,Minsan Mataray, Minsan Mahinhin, Minsan Masaya, Minsan mas gustong mapag isa, at minsan naman masyadong Bulgar ang bibig. Pero kahit ganon sya, parang mas lalo akong napapalapit sa kanya. Alam kong sa ugali nyang yan ay may mabuti parin syang puso. At di ako matatakot at magsasawang tuklasin iyon. Maaring ang pagiging Masungit at mataray nya ang ginagamit nyang depensa sa kahinaan nya. Kung ano man yon ay di ko pa alam, pero handa akong alamin at tuklasin iyon. Ramdam kong sa Pagiging Tigre nya ay isang Maamong Tupa ang nag kukubli.
Sana lang hayaan nya akong pumasok sa buhay nya, ramdam kong kahit nasa kanya na ang lahat ay tila may kulang rito. Sana ay hayaan nya akong Buuin kung ano mang piraso ang nawawala dito.
"Mahal na Kita Lavinia." Turan ko habang nakatingin sa sasakyan nyang papalayo.