EXODUS
Matapos namin kumain ni Lavinia ay Sa Bahay ako dumiretso. Nangako kasi ako kay Mama na doon ako uuwi. Ipinagluto nya raw ako ng Tinolang manok.
Kaya kahit kumain na kami ni Lavinia at Kakain ulit ako, syempre ayoko mag tampo si Mama.
Bago ako pumasok ay sinigurado ko na muna na mabango na ang kamay ko, buti nalang at may lotion si Lavz kanina. Nang matiyak ko na okay naman ay Nagmano ako kay Mama.
"Oh anak,nariyan kana pala, kumusta naman?
"Ok naman po ma, medyo daming ginagawa sa Kongreso pero ok naman."
"Good, Si Lavinia pala? Kelan mo sya dadalhin dito?
"Di ko pa po sure ma, medyo busy po kasi sya magpatayo ng clinic nya eh.
"Ah ganon ba anak, Ano nga ba ulit ang propesyon nya.
"Ah..Isa po syang Aesthetician, at Isa din pong Dermatologist." Saad ko rito.
"Ah..Ganon ba, abay bagay sa kanya ang propesyon nya.
Kumain kaming Tatlo nila Mama at Papa habang kumakain ay nag kwe kwentuhan rin kami.
"Anak, 35 years old kana, hehe Kita mo naman itong bahay natin, Napaka tahimik. Baka lang naman gusto mo nang Mag asawa at bigyan kami ng Apo, para naman umingay na itong bahay natin." Saad ni Mama.
"Oo nga anak, Nakakatuwa siguro kungay mga Batang nag tatakbuhan rito para masaya.
"Hehe Darating din po Tayo dyan ma, pa. kapag po ready na so Lavinia." Saad ko sa kanila, mabuti na lamang at di na rin naman nila ako kinulit.
Matapos kumain ay umakyat na rin agad ako sa kwarto at nag shower.
Saka ako ng suot ng boxer short ngunit wala ng pangtaas, sanay kasi akong matulog ng naka hubad.
Nakahiga na ako sa aking kama, Kinuha ko ang phone ko at chineck ang mga Email. Nang ma replyan ko ay saka ako nag tungo sa i********:. Online si Lavz.
Naisip kong kulitin ito.
Ilang ring lamang ay sumagot din ito agad.
"Hoyyy..Ex .anong kailangan mo? Bakit pag tumatawag ka lagi na lang timing sa pag na night routine ko" saad nya.
Nakatapis lamang sya ng towel, ganon din ang kanyang buhok na nakabalot din sa tuwalya, Kasalukuyan syang nag papahid ng cream sa mukha.
"Nagkataon lang Lavz, Wala lang gusto ko lang matiyak na safe kang nakauwi hehe"
"Oh heto na safe naman ako nakauwi Ex,"
Saad nya habang patuloy sa pag lalagay ng cream sa mukha pati sa katawan.
Napamaang naman ako sa kanya.
Napaka kinis nyang sadya pati ang kanyang kili kili ay napaka puti.
Napalunok naman ako ng bahagya, dahil nakatapis lamang sya ay medyo hapit ang pagkakaikot noon sa dibdib nya.
Tila may nabubuhay na tulog sa loob ng aking boxer.
"Hoyy, Mr.Pervert! Kahit di ako nakatingin sa screen alam kong nakatitig ka sa tuwalya ko.
"Haha, Sorry na Lavz, Oh sige na, Magbihis kana at magpahinga after, Wag kana mag puyat."
"Hahaa, Naman bat naman ako mag pupuyat"
"Hmm..wala lang baka kasi isipin mo pa ako, hehe"
"Wow ha, Tindi mo talaga Cong. Hahhaa"
"Basta pag di ako nakatulog baka ikaw ang nag isip sa akin., matulog ka na rin Ex, Baka naman mag imagine ka pa dyan.
"Hahays..Lakas mo talaga Lavz, pwede din naman, Imagine me and You, hehe"
"Sige na..Goodnight na, Isusumbong na kita kay Asia..
"Haha..E di isumbong mo, para hiwalayan nya na ako" saad ko rito.
"Sira ulo, sige na Goodnight na."
Kinabukasan ay mas naging busy ako sa trabaho. Gusto kong tapusin lamang ang termino ko at Hwag nang lumaban sa mga susunod. Tulad nga ng sabi ko pwede naman akong tumulong sa kapwa kahit wala ako sa posisyon.
May naipasa na rin naman akong batas kahit papano.
Matapos ang maghapong trabaho sa Kongreso ay naka received ako ng mensahe mula kay Astro isa sa aking kaibigan na Kasamahan ko sa larangan ng racing. Inaaya nya ako mamaya dahil may karera daw. Syempre isa yan sa paborito ko kaya mag jo join ako mamaya.
Kaya dali dali akong umuwi. Nag bihis lamang ako saka ko kinuha ang aking sasakyan na gagamitin sa race.
Pagdating ko sa venue ay naroroon na sila Astro kasama ang iba naming Kaibigan. May mga Babae rin silang mga kasama ang iba ay mga Nobya ng naroroon at ang iba naman ay barkada.
Laking gulat ko ng may babaeng biglang umakbay sa akin.
"Hi Congressman, Andito ka rin pala? Mukang pinaglalapit tayo ng tadhana ah?
Remember me? It's me Kendal."
Saad nya sa akin, saka ko lang naalala na sya yung babaeng pinakilala ni Tita Elena nung birthday ni Lolo.
"Ah..i see Yeah .naalala ko na." Saad ko sa kanya saka ako bahagyang dimistansya.
"Hmm..Asan yung GF mong Doctora na masyadong perfect di mo ata kasama?
"Huh? Medyo busy kasi sya, kaya di ko na kinulit"
"Ganon ba? Ok don't worry, andito naman ako, pwede mo akong maging Gf for the meantime Congressman hehe." Saad nya saka bahagya lumapit sa akin.
Puro kantyaw naman ang mga kasama ko, Dahil patuka na raw ang lumalapit sa akin, pero wala eh, di naman ako ganong klase ng lalaki.
Samantala...
LAVINIA
Halos kadarating ko lamang sa bahay ng mga oras na iyon. Ilang minutes palang akong nakakapag pahinga ng biglang tumunog ang phone ko.
Naka received ako ng message mula sa kaibigan kong si Elliana, Kasama daw kasi sya ng kanyang Nobyo sa isang race at Nakita nya raw si Cong na naroroon at may umaaligid daw na babae.
Nang i send nya ang larawan sa akin ay nakita kong walang iba kundi si Kendal.
Kaya dali dali kong tinawagan si Elliana.
"Hello, Elliana, kanina pa ba yan?"
"Hindi Besh, halos kakasimula lang , hindi pa nga nag sisimula ang karera pero yung Kendal nag sisimula ng Harutin si Cong hehe., Kaya kung ako sayo sumunod kana rito."
"Hmm..Sige pupunta ako dyan, " saad ko saka mabilis na kumilos, Hindi ko alam bakit gusto kong sumunod, Kung tutuusin dapat wala akong pake dahil di ko naman Jowa si Congressman, pero ewan ba, may parte ng puso at isip ko na gustong pumunta roon, marahil alam ng madla na ako ang GF, ayokong ma issue si cong, baka mamaya gumawa pa ng eksena tong si kendal, baka mamaya pikutin si Cong.
NO! hindi pwede, ok lang na si Asia ang GF ni Cong na tunay wag lang sa tulad ni Kendal.
Nag suot lamang ako ng Skirt at ng Blouse syempre naaayon sa event. Nang masigurado kong Ayos na ako ay nagtungo na ako sa La Vida Racing Circuit.
Halos 30 mins lang ay nakarating agad ako sa nasabing Venue.
Huli ko pa Sa akto ang pag lalandi ni Kendal kay Cong.
Halos magulat naman si Cong nang makita ako.
"Hi Hon, Sorry late na ata ako." Saad ko sabay lapit kay Ex at niyakap sya sinagi ko talaga ang braso ni Kendal.
"Uhm..Ohh..Hon, buti nakarating ka, akala ko di kana makakapunta, Salamat Hon"
"Pwede ba naman yon hon, syempre susuportahan kita. Saka baka may mga aali aligid na higad sa paligid, baka madikitan ka, makati pa naman yon." Wika ko saka ko bahagyang inaayos kuno ang kwelyo ng kanyang damit."
Rinig ko naman ang pagka inis ni Kendal.
Magkahawak kamay kaming dalawa habang di pa nagsisimula. Hindi ko alam ngunit tila panatag ako sa kanya. Habang busy ang lahat ay binulungan ko sya.
"Ayos ah, Kung di ako dumating nalingkis kana ni Kendal haha"
"Oo nga Lavz, buti dumating ka, pano mo nalaman na andito ako? Sinusundan mo ko no?
"Luhh..Asa..Haha hindi no may nagsabi lang sa akin na may umaaligid sayo."
"Weh..anyway thanks lavz, you Save me"
"Hmm..Sige na, baka kung di ako dumating nag enjoy kapa."
"Hmm..Grabe ah .hindi no, halika na mag sisimula na., Pwedeng sayo muna tong phone at relo ko lavz.?
"Sure, akin na ako ng hahawak." Saad ko rito.
Maya maya nga lamang ay nagsimula na ang karera nila. Katabi ko ang kaibigan kong si Elliana habang sinusuportahan namin ang mga jowa jowa namin, Ayy..jowa jowaan ko lang pala.
"Maganda ang flow ng racing halos kasabayin nya na nangunguna ang kaibigan nyang si Astro, kasunod naman nila ay ang bf ni Elliana. Nakakaaliw din pala manood nito.
"Go Congressman Ex! Galingan mo! " Rinig kong sigaw ni Kendal. Aba talaga palang matindi ang babaeng ito, di man lang tinablan ng hiya? Ok lang sana kung may ibang nag chi cheer, kaso sya lang ang bukod tanging agaw Eksena, panay parin ang sigaw nya.
Sa sobrang inis ko ay lumapit ako sa may fences at Doon ay Sumigaw rin ako.
"Go Honey! Kaya mo yan last Lap nalang, May Premyo ka sakin mamaya after ng Game!
Saad ko habang sinisigaw. Natahimik naman si Kendal sabay Irap sa akin.
Hahaha aba..ang bwakang inang to! Sya pa may ganang umirap, Sarap Burahin ng Kilay nyang Drawing, Hahaha.
Matapos ang huling laps ay panalo si Ex, magkasunod lang sila ni Astro na kaibigan nya.
Nakangiti akong sumalubong sa kanya sya naman ay nakangiti ding bumaba ng kotse at sumalubong sa akin.
"Panalo tayo Lavz,
Hehe..Thank you Sa support ha."
"Congrats, hehe Si Higad nakatingin rito Ex." Saad ko pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa ng Kabigin at yakapin nya ako, kaya walang nagawa ang ate nyo lavinia kundi yumakap pabalik.
Pero ang sarap humilig sa malapad na dibdib ni Cong.
Ilang sandali lamang ay other set pa ng karera, sa ikalawang pagkakataon ay panalo na naman si Ex.
Nang matapos ang game
Ay nagka ayaan din na mag happy happy muna dahil minsan lang sila magka tagpo tagpo, dahil busy din sa mga kanya kanyang buhay.
Sumama kami ni Ex, kasama din ang kaibigan kong si Elliana at ang Nobyo nito, Sa isang bar sa Makati kami tumuloy. Dahil nga grupohan ay sa isang malaking table kami pinapwesto.
At doon ko lamang napansin na kasama parin pala si Higad. Akala ko kasi uuwi na ito after ng game.
Habang nag hihintay ng order namin ay nag comfort room muna ako, need to retouch syempre.
Maganda parin naman ako, pero syempre gusto ko lagi akong fresh.
At isa pa na wiwiwi rin ako. At syempre di lang dapat mukha ang fresh, Dapat din yung Pearl of the Orient down there din palaging Fresh and Clean.
Pag labas ko ng Cubicle ay nakita ko si Higad na nakaharap sa salamin at nag re-retouch din.
"Hi Doc, Akala ko di ka makakapunta eh, ako muna sana ang GF for todays Video hehe "
"Ganon? Sorry na lang dumating ako eh"
"Kaya nga eh, What if ikulong kita rito tapos ako yung makakasama ni Ex hehe" saad nya pa sa akin na tila nanunuya.
"Ganon? Ikukulong mo ako rito? What if kung kalbuhin kita ngayon para hindi ka lumabas rito? Saad ko sabay abot ng razor kong dala sa bag." Sa takot ni Gaga ay namulagat ang mata nito at dali daling lumabas.
"Sira ulo, Tonta! Ako pa ang tatakutin!" Saad ko sa hangin, Saka ko ibinalik ang razor sa bag ko, Haha di ko pala natangal, Sample Razor kasi yun na bigay sa akin galing sa Exhibit na dinaluhan ko kanina.
After ko gumamit ng CR ay bumalik na ako sa pwesto. Nakatingin si Cong sa akin at nakangiti. Inalalayan nya naman ako sa pwesto ko. Ang sweet ng gagong to, nakakaasar.
Maya maya nga ay simula na ng party party, inaya ako ni Elliana sumayaw, ayaw ko ng una pero napilit din ako. Kaya party to the max ang ate mo Lavinia.
Sa kabilang grupo naman ay Bida bida si Higad mukang tanga lang sa Step nya! Pero anyway wala naman ako pake don nakakatawa lang talaga ang step nya.
Dahil naka ilang shot na ako at dala ko pa ang Wine Glass sa Dance floor ay tila ramdam ko na ang tama, pero okay lang minsan lang naman to, na mis ko ang ganito, Ganito kasi ako noong nasa Tate pa ako kasama ang ibang friends ko.
Pagbalik ko sa Table namin ay medyo ekis na ang lakad ko.Ang lakas naman ng tama nito nakaka lasing agad.
Paglapit ko ay Salubong na Kilay ni Cong ang sumalubong sa akin.
"Lavz, Dito ka na, tama na Okay?
"Ha? Bakit minsan lang to Ex, sinusulit ko lang."
"Di pa ba okay? Ang dami mo na nainom lavz!
"Gusto ko pa Please? Saad ko na tila nag papaawa pa."
"Last shot at wag kana bumalik sa dance floor madami ng lasing, mamaya ma manyak ka pa doon" saad nya sa akin.
"Ok e di dito nalang ako sa tabi mo hehe" saad ko saka tinungga ang alak sa Wine glass. Matapos kong inumin yon ay mas nadagdagan ang tama ko.
Lumapit sa akin si Elliana at nagpaalam na.
"lavin, una na kami ha, ingat ka, grabe tinamaan ka hehe, Cong. Ikaw na bahala sa kanya ah, lasing na."
"Sige, Don't worry ihahatid ko sya." Rinig kong saad ni Cong. Maya maya ay nagpaalam narin sya sa mga kaibigan nya saka nya ako inakay palabas dahil nga Ekis na yung lakad ko.
Maya maya ay Isinakay nya na ako sa Car nya, sinigurado nyang naka Seatbelt ako saka nya pinasibad ang sasakyan.
Samantala..
EXODUS
Nasobrahan ata sa alak Si Lavz dahil tinamaan sya ng Husto, Ekis na ang lakad nya at sa pananalita nya ay halatang lasing na, Pinipigilan ko naman sya kanina kaso mukang na miss nya ata ang ganito, saka isama na na may pagka pasaway rin ang isang ito.
Kaya tinawagan ko si Mang Pido isa sa mga driver namin at sinabihan kong i drive ang sasakyan ni Lavinia at dalhin sa Condo ko.
Habang nag dra drive kami kahit lasing na ay nag mu murmur parin itong si Lavinia.
"Ex, bakit hinatid mo pa ako, Kaya ko pa naman mag drive eh" saad nito sa akin.
"Haha, patawa ka Lavz? Sigurado ka kaya mo itsura mong yan, hirap mo malasing di ka nagtitira ng pang uwi.
"Hahaha..naiinis ka ba sa akin kasi naglashing ako? Sowi na mish ko lang kashi." Saad nya habang namumungay ang mga mata." Bigla syang tumahimik kaya napanatag ako. Akala ko tulog na pero nagsalita na naman sya.
"Cong, Stop the car..kaya ko i drive ang car ko."
"No, hindi mo kaya. Lasing kana kaya pina drive ko na lang sa Driver ko."
"What..Hahay..pala desisyon ka Cong. I can drive..at kaya ko pang umuwi haha, kaya Stop the Car saka ang init init dito sa Car mo."
"No! Di ko ihihinto! Malamig ang car ko, sadyang mainit lang ang pakiramdam mo dahil sa dami ng alak na ininom mo,"
"I told you to stop the Car Ex! Haha, bat ayaw mo akong sundin ang init nga sabi eh!
"No, hindi kita susundin wala na ang car mo pina drive ko na nga diba?
"Hmm.. sige ka pag di mo ako binaba iihian ko tong Car mo!" Saan nya sa akin.
Di ko nalang sya pinansin, nag focus na lamang ako sa pag dra drive, naka lock naman ang pinto kaya di sya makakagawa ng kalokohan na biglang lalabas.
Pero nagulat ako sa ginawa nya.
"Okay, Ayawo ako pababain mag huhubad nalang ako dito ang init kaya!"
Saad nya saka Hinubad ang kanyang Panty? Oo tama hinubad nya ang kanyang panty saka inihagis sa akin."
Pagkagawa nya ng bagay na yon saka sya tumawa, pero napansin ko na lamang na nakaidlip na sya.
"f**k Lavinia! Sinasagad mo talaga ang pasensya ko, Kung alam mo lang yung Pag pipigil na Ginagawa ko, bulong ko na tanging ako lamang ang makakarinig.
After 5 minutes ay nakarating na kami sa Condo. Binuhat ko na sya na parang sako ng bigas.
Isinilid ko ang hinubad nyang panty sa aking bulsa. Buti na lamang at wala akong kasabay sa elevator.
Inilapag ko muna sya sa sofa.
Nag pakulo ako ng tubig balak ko syang punasan para mahimas masan.
Nang maligamgam na ang tubig ay saka ako muling bumalik sa tabi nya, Pikit sya pero salita parin ng salita.
"Ex.."
"Hmmm"
"What if..."
"What if Ano?
"What if...What if BUKO AKO?
BIBIYAKIN MO BA AKO? "
Saad nya sakin na ikinagulat ko ngunit nakapikit parin, saka tumawa pero maya maya ay tulog na ito ulit, mukang mas malalim na ang tulog dahil meron ng munting hilik.
"Hayyy Lavz, Kahit nga Di ka BUKO handa akong BIYAKIN ka, pero not now Honey, may tamang panahon para Dyan. Gusto ko Pag ginawa ko yon sayo eh Nasa tamang pag iisip ka, Ginusto ko, Ginusto mo, Ginusto nating dalawa. Ayokong samantalahin ang kalasingan mo, kung hindi kita iginagalang pwede kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin sayo. Pero di ako ganong klase ng Tao Lavz.
Pero dahil pasaway ka, Bibigyan muna kita ng leskyon. Hindi pwedeng hindi ka nagtitira ng pang uwi. Paano na lang kung wala ako, at may masamang gawin sayo ang ibang tao. Kaya humanda ka sa gagawin kong leksyon." Saad ko sa aking isip.
Pinunasan ko sya para maginhawaan sya sa braso at hita lamang iyon. Pero dahil nga wala syang saplot pang ibaba ay bahagya ko na rin pinunasan iyon, pero syempre di ko tiningnan dahil kinumutan ko sya.
Nang mailipag ko sya sa kama ay saka ko sya hinubaran ng damit dahil pawis na pawis sya. Syempre di din ako tumingin. Pinatay ko ang ilaw ng hinuhubaran ko sya ng damit, at skirt. Nang hubad na sya ay saka ko sya binalot sa Comforter upang maginhawa ang pakiramdam nya saka ko binuhay ang aircon.
Binuhay kong muli ang ilaw saka ko sya hinalikan sa Noo. Saka ako pumwesto at humiga sa Sofa. Oo, sa Sofa ako matutulog hindi ko sya tatabihan. Pero bahala sya pag gising nya bukas haha,. Basta bukas maaga akong gigising para ipagluto sya ng mainit na sopas para sa Hang over nya dahil paniguradong masakit ang ulo nya bukas.
Kaya Good Luck Lavinia My Loves, haha mag tatanda kana siguro kapag nagising ka bukas haha." Wika ko saka pumikit.
Samantala
LAVINIA
Sobrang sakit ng Aking Ulo. Kaya Sinapo ko ito ng aking kamay.
Hindi agad ako makamulat , tumatama sa mukha ko ang sikat ng araw. Anong oras na kaya mukang umaga na ah.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nang maimulat ko ito ay laking gulat ko ng mapagtantong hindi ko ito Kwarto. Tumingin ako sa bed side table at nakita kong 9am na. Ang hindi ko inaasahan ay nang tingnan ko ang paligid ay larawan ni Cong.Ex ang mga nakasabit. Dun lang ako parang natauhan. s**t! So Kama ito ni Cong.
Akmang tatayo ako ng mapansin kong wala akong Suot na Kahit ano. Maliban sa balot na balot ako ng Comforter.
"f**k, Wala akong kahit na anong saplot! Ipinabiyak ko na ba ang Buko ko kay Ex?
Agad kong kinapa ang gitna ko, pero wala namang kahit anong masakit sa part na iyon, baka naman ako ang gumawa ng kalokohan.
Sa Isiping iyon ay Bigla akong napasigaw nang bahagya kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto iniluwa si Cong na may dalang Tray ng pagkain.
Naka Topless sya, kita ko ang Malapad at balbon myang dibdib, sa baba ay ang animo pandesal na kahit tubig ang kapares ay mabubusog ka.
Ako pa ang nahiya magsalita sya, nahuli nya pa akong nakatingin sa Abs nya.
"Good morning Lavz! Breakfast in Bed" saad nya in a husky tone.
"Ahm..Ex..Bat nakahubad ako? Na..nasaan ang mga damit ko?
"Mamaya mo na itanong, kumain kana muna". Saad nya sakin.
"Pero Ex, Wala naman nangyari sa atin diba?"
"Pano pag sinabi kong meron?
"So anong ginamit mo kung may nangyari satin? Wala namang masakit sa akin malamang Hindi mo ginamit yang Sword mo pang Biyak dito sa Buko pie ko."
"Hahaha...alam mo naman pala eh, pero eto ha, hwag ma huwag mo na uulitin maglasing ha, pano kung ibang tao ako? E di wala na nabiyak kana ng wala sa oras. Hayss Lavz.
"Sorry na, Sorry na! Pero where's my Panty?
"Aba ewan ko, Baka nasa Expressway, naghubad ka lang naman kasi ng panty dahil feeling mo mainit tapos hinagis mo sa bintana kaya ayon, wala kang panty."
"What! Ginawa ko yon?
gulat kong sabi sabay hawak sa aking bibig dahil sa ginawa kong kahibangan.
"Kumain kana muna mamaya mo na muna isipin ang mga Bagay, pero yun nga Don't worry di kita biniyak, binigyan lang kita ng leskyon para di ka na uulit, kumain ka lang muna at ako naman ay mag Sho shower muna dahil kagabi pa ako nag iinit! Pinipigilan ko lang." Saad nya sa akin.
Naiwan naman ako mag isa habang hinihigop ang niluto nyang sopas at iniisip parin ang kagagahang ginawa ko kagabi, pero humanga ako kay Cong. Kung tutuusin pwede nya akong lapastanganin, pero nagawa nyang pigilan ang sarili nya at di ako ginawan ng kahalayan..