Pagkalabas na pagkalabas ng gusali ay saktong tumunog ang cellphone ni Blair. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, nakita niya ang pangalan ni Roman, kaya naman sinagot niya ito. “I am fine,” ang bungad ni Blair habang papunta ng bus stop, ang lugar kung saan nila napagkasunduang magkita. “Stay put. Susunduin kita,” sagot ni Roman. “No. Magkikita tayo sa bus stop katulad ng sinabi ko. Okay?” “Blair…” ang nasambit ni Roman gamit ang nagtitimping tono. “Sinundan ka niya palabas ng building.” “Roman, kilala kita. For sure sinisigurado na ni Peters si Dan ngayon para siguraduhin na hindi niya ako sinusundan. Kaya safe ako. Just calm down and wait for me.” Nang hindi kumontra si Roman, alam ni Blair na tama siya ng hinala kung may kinalaman kay Peters. “Fine, but I don’t like t

