Pagdating nila sa garahe na may tatlong kotse, pinindot ni Roman ang remote para buksan ang pinto at pagkatapos ay iginarahe ang sasakyan sa bakanteng puwesto. Bukod pa sa mga kotse niyang nakatago sa pribadong garahe sa opisina, mayroon siyang dalawang kotse rito. Hindi talaga maintindihan ni Blair kung bakit gustong-gusto ng mga lalaki ng maraming kotse. Siya nga, may lisensiya pero kakayaning mabuhay ng walang kotse. Kumpara kasi sa estate ni Roman na nasa labas ng siyudad, nakatira noon si Blair sa lungsod. Pero dahil makikitira na siya sa bahay ng boss, baka magbago na ang kalagayan. Pinagmasdan ni Blair ang lugar kung saan nakatira si Roman. Una siyang nakabisita rito noong nag-host ng party ang boss para sa mga kaalyado sa negosyo. Nang panahon na iyon, kasama pa niya ang d

