Nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Roman si Blair. Nakatanaw siya sa labas ng bintana, iniisip-isip ang mga nangyari kagabi. Lahat ng init, malalalim na paghinga at haplos ay sariwa parin sa kaniyang-alaala, na para bang kanina lang ito nangyari. Nasa kaniya parin ang bakas – ang mga labi ni Roman, ang bigat ng katawan at ang init ng pag-angkin nito sa buo niyang pagkatao. Sa totoo lang, nananatili parin ang kirot sa kaniyang gitna. Pero ang kirot na ito ay dulot ng sarap: ng mariin at sabik na hawak. Kagabi kasi nang makauwi, agad siyang sinunggaban ni Roman. Hanggang sa madaling araw ay inaangkin siya nito! Parang walang pagod, parang walang kasawaan. Hindi makapaniwala si Blair kung paano sila ganito katugma pagdating sa s*x. Para bang nilikha sila para sa isa’t-isa. Kahit w

