Nagulat si Blair nang makita kung anong oras na. Alas-singko kuwarenta’y singko na ng hapon at hindi niya namalayan kung gaano kabilis tumakbo ang oras dahil abala siya sa pag-aayos ng mga meeting notes para sa mga papeles ni Roman at sa pagpapadala ng mga emails na kailangan agad asikasuhin sa lalong madaling panahon. Umupo siya nang diretso sa upuan at sinubukang kumalma. Alam niyang kailangan niyang tawagan ang kapatid niya para ipaalam ang mga nangyari. Ayos lang naman siguro na tawagan niya ito ngayon dahil sarado naman ang pintuan na nagdudugtong sa opisina niya at ni Roman. Kaya naman, kinuha niya ang cellpphone at tinawagan ang kapatid na si Sutton. “Hi hon.” Malambing na boses agad ang sumalubong sa kaniya. “Kamusta ang pamangkin ko? O pamangkin kong magiging future inaan

