Habang nakaupo sa mesa, pilit nag-iisip si Blair ng paraan kung paano sasabihin sa pamilya na kanselado na ang engagement. Kakampi parin niya ng mga kapatid niya, iyan ang sigurado. Ang hindi lang niya alam ay kung magugustuhan ni Sutton ang desisyon niya na lumipat kay Roman. Matindi ang pinagdaanan ni Sutton kay Luca doon sa Europe. Kung alam lang sana ni Blair ang buong pangalan ng gagong lalaki na iyon, tatawagan niya ito ang pagbabantaan na huwag sasaktan ang kapatid niya. Pero bukod sa pangalan ni Luca, wala ng ibang binanggit si Sutton tungkol dito. Siya at ang isa pa niyang kapatid na si Keira ay hindi narin nangulit pa para sa ibang detalye. Ang alam lang nila ay kung gaanong kabigat ang sakit sa mga mata ni Sutton sa tuwing nababanggit ang ama ng anak niya. Sa gitna ng m

