Mula sa kaniyang labi ay bumaba ang halik ni Roman papunta sa kaniyang leeg. Marahan niya itong kinagat; ninanamnam ang bawat segundo na dumadampi ang kaniyang dila sa mainit na sulot ng kaniyang balat. Dumulas ang kaniyang mga kamay sa tagiliran, doon sa balakang, hanggang sa hita kung saan mariin niyang hinawakan si Blair at binuhat papaangat mula sa sahig. Walang salitang iniyakap ni Blair ang mga binti sa bewang ng boss, hanggang sa makarating sila sa kama. At kahit pa inihihiga siya sa malambot na kama ay walang tigil si Roman sa paglakbay sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Sa leeg, braso, dibdib at kamay. Nang tuluyang makahiga si Blair, pinasadahan siya ni Roman ng tingin. “Don’t move,” he said. Buong pusong tumango si Blair. Halos pinipigilan niya ang hininga habang pina

