Sabado ng hapon. Nakaupo si Blair sa sala habang nagbabasa ng libro, nang biglang tumunog ang doorbell. Napatingin siya sa paligid, hinahanap ang may-ari ng bahay. Kanina lang magkasama sila pero nakatanggap ng tawag si Roman kaya’t lumayo ito upang makapagbasa siya ng tahimik. Nasaan na kaya ito? Sumilip si Blair sa labas, doon sa salaming pintuan. Nasa labas parin si Roman at may kinakausap sa cellphone. Kung ganoon, siya nalang talaga ang titingin kung sino ang dumating. Tumayo siya papunta sa pintuan. Nang tignan ang side glass panel, nakita niya ang gwapong lalaki na nakatayo. Matangkad ito—mas matangkad pa kay Roman—may makapal na buhok na kasing-itim ng hatinggabi at malalalim na mata. ‘Siguro ito yung kaibigan ni Roman sa university,’ ang hula ni Blair. Naalala niya ang b

