Nakaupo si Roman, nakasandal sa upuan habang nilalasap ang scotch sa baso niya. Busog pa rin siya mula sa kinain nila kanina—sobrang sarap kasi. Subalit imbes na kumain ng dessert, pareho na lang silang umorder ng vintage scotch on ice. Tahimik niyang pinagmasdan ang kaibigan. Para kasing may kakaiba kay Luca ngayon. Kita sa guhit ng noo at sa tiklop ng labi nito ang bigat ng iniisip, at halata ring pumayat siya. Hindi na nakatiis si Roman at nagtanong, “Dude, anong nangyayari sa’yo? Para kang lutang, at mukhang sobrang pagod.” Napahagod ng mukha si Luca bago sumagot. “Hindi lang business ang dahilan kaya nandito ako sa US. I am finding a woman.” Napaatras si Roman sa upuan, saka siya yumuko pasulong, nakapatong ang mga siko sa mesa. “What? Akala ko ba ikakasal ka sa anak ng Brun

