Kabanata 30

1449 Words

Sakto lamang ang dating ng magkakapatid. May panahon pa nga silang i-lock ang kotse bago dumiretso sa loob ng simbahan. Hindi narin sila nag-abalang hanapin ang tiyuhin at tiyahin. Bagkus, umupo na sila sa pinakahuling upuan sa bandang likuran. Pagkaupo, sunod-sunod na tumingin sa kanila ang mga naroroon. Ang padre na si Johnson, napakunot pa ng noo dahil sa lumalaking tiyan ni Sutton. Ilang minuto pa, napansin ni Blair na tila pinapatamaan ni Father Johnson itong si Sutton sa pamamagitan ng kaniyang sermon. Sadyang waring naiwan na sa nakaraan ang mga maliit na simbahan sa bayan. Handa na sana siyang tumayo at hatakin ang mga kapatid papalabas. Mabuti na lamang ay napigilan siya ni Sutton. “Ayos lang, dito ka lang,” kalmadong sambit ng panganay nilang kapatid. “Matagal na nating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD