Handa si Blair sa anumang laban na haharapin. Pero darating si Dan? Baka hindi laban ang mangyari kung hindi digmaan! Talagang hindi siya makapaniwala sa ginawa ng tiyahin. Bakit niya inimbitahan si Dan nang hindi man lang siya sinasabihan? Sa harap ng hapag-kainan ay humalimuyak ang amoy ng bagong lutong tupa at tinapay. Ngunit kahit gaano kasarap, hindi nito kayang pagaanin ang bigat ng tensyon sa paligid. Nakaupo si Viv at Peter sa magkabilang dulo ng mahabang mesang gawa sa mamahaling kahoy. Pareho silang kalmado ang ekspresyon, animo’y parang walang alam sa nangyayari. Si Paula naman ay nakatayo sa gilid habang mahigpit na magkakapit ang mga kamay. At sa kabilang bahagi ng mesa, naroon si Dan, nakasandal ang isang braso sa likod ng upuan na para bang siya ang may- ari sa luga

