“Hindi ka lang asshole. Tanga ka rin, alam mo ba ‘yon?” lasing na sambit ni Blair sa boss.
Hindi niya dapat sinasabi ang mga ito. Subalit dahil sa alak, wala na siyang preno sa pagsasalita.
Sa kabilang banda, tumawa lamang si Roman imbes na magalit. Nag-alok pa nga ito ng:
“Ipagtitimpla kita ng kape.”
Pero winagayway ni Blair ang kamay na para bang nagtataboy ng lamok sa hangin. “Ayoko ng
kape. Ang gusto ko ay lalaking hindi nanloloko.”
Dumulas ang tingin ni Blair sa mukha at pangangatawan ng boss. Ayaw man niyang aminin pero
talaga ngang kaakit-akit si Roman. Sigurado maraming babae ang naglaway sa pangangatawan
nito.
“Ikaw ba…” biglang sambit ni Blair habang tinititigan ang boss. “Niloko mo ba ang ex-wife mo
kaya kayo naghiwalay?”
Minsan nang nakilala ni Blair ang ex-wife ng boss na si Jessica. At talagang hindi naging
maganda ang una nitong impresyon sa kaniya.
“Hindi lahat ng lalaki, manloloko,” sagot ni Roman. Nanatili ang ekspresyon nito subalit may
maliit na pagbabago sa kaniyang boses.
“Bakit ka iniwan?” pag-uusisang muli ng lasing na si Blair.
“Hindi naman lahat tungkol sa panloloko ng lalaki,” sagot ni Roman habang hinihilamusan ang
mukha ng mga tuyong palad. “Maraming dahilan kung bakit nasisira ang pagsasama ng mag-
asawa.”
Ilang segundo ng katahimikan ang namayani. Nang biglang nanlaki ang mga mata ni Blair sabay
bulong, “Niloko ka niya no? Ang bobo naman niya.””
Hindi lubos maisip ni Blair kung bakit lolokohin ni Jessica si Roman. Una sa lahat, guwapo ang
boss niya. He has dark hair, sharp eyes and well-shaped jaws. At ang katawan? Base sa nakikita
niya ngayon, fit na fit ang katawan ni Roman. Siguro nga’t ngayon lang niya napapansin ang
mga ito dahil buong buhay niya, kay Dan siya nakatutok ng pansin.
‘Noon ‘yon. Hindi na ngayon,’ bulong ni Blair sa sarili bago bahagyang yumuko.
Kaya naman, iniangat ni Roman ang kaniyang baba gamit ang dalawang daliri at pilit itong
iniharap sa kaniya.
“I worked so hard. Ang sabi ng iba, baka dahil sa pagiging workaholic ko kaya iniwan ako ng ex-
wife ko.”
Kumurap si Blair bago umiling, na siyang nagpatindi ng kaniyang hilo. “Nope. No. No. Hindi iyon
excuse.” Ibinalik niya ang ulo sa sofa at bumuntong hininga. “Should get a divorce before that...
cheaters... all of "em..."
Tinitigan lang siya ni Roman na parang naaaliw sa napapanood. “Alam mo, ngayon lang kita
nakita na ganito ka-relaxed sa harap ko.”
Tamad na itinaas ni Blair ang kamay. “Ang hirap mo kasing pakisamah… hirap pakisamahan.
So… hard.” Halos hindi na niya mabigkas ng buo ang mga sinasabi dahil sa kalasingan.
Kumibot ang labi ni Roman. “I won’t say sorry for that. I always expect for the best. Kaya nga ba
mataas ang kalidad ng kumpanya ko.”
Napatawa si Blair sa narinig. “Well, siguro nga.” Hindi na niya nagawang makipagtalo dahil
sobrang bigat narin ng ulo niya.
Hinayaan siya ni Roman na tumawa, hanggang sa bigla nalang itong seryosong nagtanong.
“What happened to you?”
Blair gathered her strength as she looked back. “I think… I am so stupid.”
“Why? Dahit nagtiwala ka sa maling tao?”
Nanginginig na hininga ang lumabas sa bibig ni Blair. “Dan and I grew up together. Do you know
that.”
“No.”
Hindi pinansin ni Blair ang sagot ng boss at nagpatuloy. “I... I was always going home... back
home, all the time, when I moved to th" city for this job. Sobrang saya ko pa nga nang
makakuha siya ng trabaho sa Kingston. Ngayon, ang tanging hiling ko nalang, sana hindi na siya
napunta rito.”
Mukhang iiyak na naman siya. Pero pinigilan niya ang sarili. She would never cry for Dan again.
Never.
“So, kanselado na ba ang kasal?” tanong ni Roman bago bahagyang itinuro ang daliri ni Blair.
Itinaas ni Blair ang kamay, tinitigan itong sandali bago pabagsak na ibinalik sa kaniyang mga
hita.
“Yup, it’s cancelled. Huh, wala pa nga kaming date na napagkasunduan.”
“Who was holding it up?”
Tinitigan ni Blair ang boss.
Bakit parang ang dami niya yatang tanong ngayon? Isa pa, bakit ang bait niya?
“It’s me,” sagot ni Blair. “Gusto na sana niyang magpakasal last year. Kaso, hindi pa ko ready
that time.”
Sumingkit ang mga mata ni Roman bago muling nag-usisa. “Kung talagang mahal mo siya, bakit
ginusto mong maghintay ng matagal?”
Nagkibit-balikat si Blair. “Kasi, ngayong araw… nakita ko na…”
Pero natigilan siya.
Kaya ba hindi niya nais ikasal kay Dan ay dahil lamang sa nakita niya ngayong araw?
O baka noon pa man, alam niyang may mali na sa relasyon nila?
Mahal niya si Dan, oo. But there was no passion or fire between them. Ngayong unti-unting
naliliwanagan si Blair tungkol sa nararamdaman niya sa dating nobyo, nawala na ang lungkot na
kaniyang nararamdaman. Sa halip, poot at galit na lamang ang nanalaytay sa kaniyang puso.
“Ano bang nangyari?” tanong ni Roman, gamit ang mabait na pananalita.
Napangiwi si Blair dahil naalala niya ang pangyayari kanina lamang. “Nahuli ko… He was having
like… f*****g with… Ah shit.”
Ayaw na niyang tapusin ang sasabihin kaya umiling nalang ito at nagwagaywag ng kamay.
“I got it,” tugon ni Roman, tumigas ang panga nito bago huminga ng malalim.
“Kung base sa nakita ko ngayong araw…” Natigilan siya, nakakunot ang noo. Siguro… siguro
Lumingon si Blair sa kaniyang boss. Dahil sa dami ng iniisip, hindi niya napansin ang sarili na
inaabot ang kurbata ni Roman at hinila ito sa pagitan ng kaniyang mga daliri!
Napatigil si Roman sa nangyari. Pinanood niya si Blair habang hinahaplos nito ang kaniyang
kurbata.
“Bakit ko ba ginagawa ito?” tanong ni Blair sa sarili.
Wala siyang kasagutan. Marahil dahil uhaw siya sa init na matagal na niyang inaasam mula kay
Dan. Kaya’t bigla niyang hinila ang kurbata ni Roman at ipinagdikit ang kanilang mga labi.
Sandaling natigilan Roman. Ngunit pagdaka’y sumabog ang init sa kaniyang bibig. Para itong
apoy na tumutupok hindi lang sa balat kundi pati sa kaluluwa!
Napasinghap si Blair sa bibig niya, at tila may dumaloy na kuryenteng gumapang sa bawat
himaymay ng kaniyang laman.
Kumapit siya sa balikat ni Roman, at halos mapunit pa nito ang tela sa lakas ng pagkakahawak!
Para bang desperado siyang may makapitan. Kahit sino. Kahit ito pa ang boss niya.
‘This is different. So different,’ Blair thought.
Mabilis na kumawala si Roman mula kay Blair. Hinihingal na hinanap ng kaniyang mga abong
mata ang aandap-andap na mga mat ani Blair.
“Blair,” aniya, paos at mahina. “We shouldn’t…”
Pero hindi na niya naituloy ang sasabihin. Dahil sinunggaban siyang mula ng dalaga at binigyan
ng mapusok at madiin na halik.
“Please,” pagsumamo ng kaniyang sekretarya.
Kailangan niyang makalimot.
Kailangan niyang maramdaman ang init ng katawan ni Roman.