Dumating si Peters para sunduin si Blair mula sa apartment ni Roman. “This isn’t necessary,” reklamo ni Blair kay Roman, na siyang nag-utos kay Peters. “P’wede naman akong tumawag muna sa bahay para malaman kung pumasok na ba si Dan sa trabaho. If I am safe, e ‘di tatakbo ako pauwi para kuhanin ang mga gamit ko,” dagdag nito, nakatayo at hindi mapakali sa sala ng apartment ng boss. Suot-suot niya ang damit kahapon, ngunit walang underwear sa loob. Hindi niya magagawang magsuot ng maruming underwear, o kaya naman ay magsuot ng basa at bagong laba. Isinuot ni Roman ang kanyang suit jacket at saka sinabing, “Hindi kita hahayaang pumuntang mag-isa, Blair. End of discussion.” ‘Arroganteng gago,’ ang tahimik na sambit ni Blair sa isipan. Pero ang nakakainis, hindi niya maitanggi na kin

