Buntis si Laura. Natigilan si Blair sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang naramdaman matapos marinig ito. Nababaliw na ba siya? O sadyang nabigla lang? Ano pa man ito, hindi na napigilan ni Blair na matawa. “Stop laughing!” naiinis na reaksyon ni Laura. “Hindi ito nakakatawa.” Nakabusangot pa ito habang tawa naman ng tawa si Blair. “Nakakatawa naman talaga e,” sambit ni Blair sabay punas sa luha sa mga mata. Pagkatapos, napansin niya si Peter na lumitaw sa likuran ni Laura. Agad siyang umiling sa lalaki, senyales na okay lang naman siya. Naintindihan ni Peters ang nais niyang sabihin, kaya’t nanahimik siya sa likod ni Laura at nanatiling nakamasid. Sigurado si Blair na kung magtangkang muli si Laura na sumugod sa kanya, mabilis lang itong ididikit ni Peters sa pader. “Let me

