chapter nineteen

1759 Words
[ JAYCELLE ] Nang pagbuksan ako ni Archie ng pinto ay maingat niya akong inilabas mula sa sasakyan at pinaupo niya ako sa wheel chair. Ngumiti ako sa kaniya habang ang isang braso ko ay karga ang anak namin si Aaron. Marahang itinulak ng asawa ko ang wheel chair. Hindi mawala ang pag-iingat sa akin ng asawa ko na agad din kaming dinumog ng mga pinsan para salubungin at batiin kami. "Welcome home, Jaycelle!" sabay-sabay nilang bati na may ngiti sa kanilang mga labi. Ramdam ko ang kagalakan sa kanilang mga boses nang tuluyan na akong nakabalik dito mula sa Ospital. Sa loob ng dalawang linggo na pananatili ko sa Ospital dahil kailangan kong bawiin ang lakas ko lalo na't cs section ang panganganak ko kay Aaron ay sa wakas ay pinayagan na kami ng doktor na mailabas na ako. Pupwede din daw na sa bahay akong magpahinga pa. Kahit ako ay isang malaking milagro ang nangyari sa buhay ko. Hindi ko kasi akalain na makakabalik na ako. Siguro dahil sa determinado ko na manatili na kasama pa ang pinakamamahal ko pati na din ang mga anak namin. Marami pa akong gustong gawin na kasama sila. Gusto kong makita kung papaano sila lumalaki. Ituturo ko sa kanila ang lahat ng mga nalalaman ko. Gusto ko din na maalagaan ko pa ang pamilyang ito. "Baka malula ang asawa ko. Layo muna!" suway sa kanila ni Archie. Natawa naman kami. Napapansin ko na mas lumalala pa ang pagiging protective niya sa akin. "Aww, hello, baby Aaron!" bulalas ni Tarrah habang nilalaro-laro niya ang maliit nitong kamay. "Ang mabuti pa, pumunta muna tayo sa bakuran, naghihintay na sila." wika ni Suther sa amin. "Pabuhat ako kay Aaron, Jay." nakikiusap si Laraya na kasama pang pagpapakyut. Ngumiti ako at maingat kong ipinasa sa kaniya ang anak ko. Muling itinulak ni Archie ang wheel chair. Sabay kaming tumungo sa gazebo na nasa likuran lang ng mansyon dito sa Hacienda Esmeralda. Kahit malayo pa ay tanaw na namin ang mga magulang ng magpipinsan, si Lloyd, kahit si Madame Eufemia na nakangiti habang hinihintay ang pagdating namin. May mga maid din na abala sa paglalabas ng mga pagkain para sa handaan na ito. "Here they are!" bulalas ni tita Caelia, ang nanay nina Archie at Fae. Nilapitan niya kami at niyakap niya ako. "Welcome back, iha." "T-thank you po, tita—" Kumalas siya ng yakap sa akin saka yumuko nang kaunti para maging kalebel kami. "Anak naman, hindi ba, sinabi ko na sa iyo noong nakaraan na mama na ang itawag mo sa akin? Asawa ka na ni Archie kaya dapat mama at papa na ang itawag mo sa amin." malumanay niyang sabi. Hilaw akong ngumiti. "Opo, m-mama..." "Halika na, kanina pa kami naghihintay sa pagdating ninyo. Sakto din na kakaluto lang ng mga pagkain." sinabayan na din niya kami hanggang sa nrating namin ang mga picnic table. Itinigil ni Archie ang wheelchair na nasa harap na ako ng hapag. Ramdam ko na may humawak sa aking kamay. Agad kong tiningnan ang nasa gilid ko. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Nell. Nakaukit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. "Namiss ka ni mommy, baby." "Mas miss ka po namin ni Maisie, mommy!" bulalas niya. Napatingala ako nang lumapit sa akin si Madame Eufemia. She do a lower squats, she hold my hand. I can read in her face that her smile is so genuine. "Jaycelle, apo..." malumanay niyang tawag sa akin. Malumanay na dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. "I'm so sorry... Kung sa tingin mo ay dinidiktahan na kita... Na iyon pala ay mahal mo na pala si Archilles." Napayuko ako. "Sorry din po kung hindi ko nasunod ang kagustuhuan mo..." Tumango siya at ngumiti. "I understand. I will keep my promise to my grandsons and granddaughters." "Salamat po, Madame..." "You should call me ahma, iha." "O-opo... A-ahma..." "Eh... Madame Eufemia, may bisita po si Ma'm Jaycelle..." Sabay kaming napatingin sa isa sa mga kasambahay na nagsalita. Natigilan kaming lahat na hindi lang siya ang naroon, kasama niya ang hindi inaasahan na bisita. Agad na lumapit sina Laraya at Tarrah para humarang na nais makalapit nito sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ko akalain na gate crasher ka din." bakas sa boses ni Laraya ang iritasyon. "Narito ka pala gantihan ang nanay mo, ha?" segunda pa ni Tarrah na galit na galit din. Agad siyang umiling. "Pasensya sa istorbo pero... Wala akong intensyon na manggulo. N-narito ako para kay Jaycelle... Gusto ko siyang makausap..." Lahat ay natigilan sa kaniyang sinabi. Si Archie naman ang humarang na tipong ayaw niyang makapalapit ang pinsan ko sa akin na agad ko din pinigilan. "Ayos lang, Archie." malumanay kong sambit. Napaamang siya. "H-huh?" "Gusto ko din siya makausap." saka ngumiti ako. "Jaycelle, baka ano naman ang gawin sa iyo ng babaeng iyan. Tandaan mo, anak iyan ang tiyahin mo na gusto kang patayin—" giit pa ni Tarrah sabay turo niya sa pinsan ko. "Magpapasama ako kay Archie para hindi kayo masyado mag-alala." pangungumbinsi ko sa kanila. Natahimik sila. Ang iba naman sa kanila ay napabuntong-hininga. Lumapit sa akin si tita Caelia. "Archilles, kahit doon nalang sila sa man-made river mag-usap. Atleast, matatanaw pa rin namin kayo mula dito." _ "I just wanted to say sorry for everything, Jaycelle." basag ang boses ni Alisha nang nakatunghay kami sa ilog. Tumingin ako sa kaniya pero sa malayo siya nakatingin. "Siguro nabulag lang ako... Or, pinalaki lang akong spoiled ni mama." "Alisha..." Huminga siya ng malalim. Bumaling na siya sa akin at ngumiti nang mapait. "Nang nalaman ko tungkol sa kalagayan mo, kahit hindi man ako ang may gawa n'on, nakaramdam ako ng guilt, Jaycelle. Kasi, kapamilya mo kami... Na dapat kami ang pumoprotekta sa iyo." Yumuko siya. "My mom will be rot in jail with her whole life there. Maybe, this is the time to leave with dad." "S-saan kayo pupunta?" Muli siyang tumingin sa akin. "Titira na kami sa New York, pursuing my dreams to be a model. I know that'll be too hard for me, makakakaya ko din ito. Si dad naman, babalik siya bilang empleyado doon. Alam kong pagsubok lang sa amin ito. I admit, nasaktan pa rin ako dahil nakulong si mommy, especially dad..." "You don't need to leave, Alisha." sabi ko. "But I have to. I want to heal myself, Jay." kusang tumulo ang luha at marahas iyon umagos sa kaniyang pisngi. "Ang paglayo ko nalang ang tanging paraan ko. Para na din hindi lumaki ang galit ninyo sa akin na meron din akong kasalanan sa inyo..." Marahan kong inabot ang kaniyang kamay. "Balewala sa akin ang mga ari-arian na ipinamana sa akin ni lolo. Hindi ko kailangan 'yon, Alisha. Kahit kailan, hindi ko pinapangarap bilang tagapagmana. Katarungan lang ang tanging hinahangad ko noong bata palang ako... Ililipat ko sa pangalan ni tito ang Hacienda." Bakas sa mukha niya ang gulat sa sinabi ko. "P-pero iyon nalang ang ipinamana ni lolo Igor sa iyo... Malaking bagay iyon—" "Kapamilya ko kayo, Alisha. Balewala sa akin ang lahat ng mga iyon kung iiwan ninyo ako. Oo, masaya ako sa piling ni Archie. Pero mas masaya ako kung kasama ko pa rin kayo." Pumikit siya ng mariin at yumuko. "Bakit ka ganyan? Ang dami na namin ginawang masama sa iyo pero bakit mabait ka pa rin sa amin?" humihikbi niyang tanong. "Dahil hindi ako 'yung tipo ng tao na nagbabaon ng galit. Ayoko n'on. Mahirap mabuhay kapag may galit sa puso, Alisha." inilapit ko ang sarili ko sa kaniya at niyakap ko siya. Sige pa rin ang iyak niya kahit na hinahagod ko ang kaniyang likod. "Aalis pa rin ba kayo? Iiwan ninyo pa ako?" Ramdam ko ang pag-iling niya. "Salamat, Jaycelle... Salamat..." garagal niyang tugon. Inangat ko ang tingin ko sa direksyon ni Archie. Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Parang nakahinga siya nang maluwag sa hitsura niyang 'yon. Ako na ang kumalas mula sa pagkayakap ko sa kaniya. "Can you celebrate with us, my dear cousin?" "C-celebrate?" Tumango ako. "Hmm-hmm... Please invite over tito here. I want to share my blessings with my family. Gusto kong pagpalasamat na... Buo na ang pamilya ko, sa wakas." Tumango siya. "I will. Hindi rin kita iiwan, Jay. Narito pa kami ni dad bilang pamilya mo." _ Pagkabalik namin sa mga Hochengco, ay sinabi ko agad sa kanila na maayos na ang ugnayan namin ni Alisha. Naging welcome na si Alisha sa pamilya. Kahit na diretsahan pang sinabi nina Tarrrah at Laraya na inis pa rin sila sa pinsan ko, agad naman humingi ng pasensya ito dahil sa pangit na ugali na ipinakit aniya. Nangangako pa nga siyang hindi siya makikipagplastikan. "Happy?" malambing na bulong sa akin ni Archie habang kasalukuyan kaming nakain at nagkakasiyahan. Bumaling ako sa kaniya na nakangiti. "Sobra." He kissed me on my forehead. "I love you so much, sexy." "Mahal na mahal din kita, Archie. Marami akong gustong ipagpapasalamat sa iyo. Lalo na't hindi ka sumuko na mahalin ako." "In that case is..." aniya na bigla siyang tumayo. Humakbang siya hanggang nasa harap ko siya. May dinukot siya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Rinig ko ang tili sa paligid. Napasinghap ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko! "Will you marry me, once again, my Mrs. Jaycelle Hochengco?" Kinagat ko ang aking labi. "Archie..." "I realized something. A day without you in my existence is like that was my last day of my life. Pero hindi ako sumuko, Jay. Ayokong panghinaan ng loob lalo na't may mga anak na tayo. Hindi lang ikaw ang lakas ko, pati na din sila. They give me a reason to life for you." binuksan niya ang kahon. Tumambad sa akin ang diamond ring, hugis korona ang bato ng dyamante! "Times have changed but my love for you will be remained the same since I realized that I am inlove with you, sexy." Kinagat ko ang aking labi. "Say yes, Jay!" rinig kong tili ni Alisha sa hindi kalayuan. Bago man ako sumagot ay biglang muli nagtilian ang mga kababaihan. Dumako ang tingin ko sa pinsan ko na gulat na gulat, sapo-sapo niya ang kaniyang bibig nang may lumuhod sa kaniyang harap! Si Lloyd! "Life becomes romantic when my eyes start to looking at you, so... Can you be my Mrs. Resendes in the future?" Bumaling ako kay Archie na natatawa at naiiling. Ikinulong ko ang aking mga palad sa kaniyang mukha. "Oo, Archie. Kasal na kasal na nga ako sa iyo. Kahit ilang ulit pa, papakasal pa rin kita." hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapangiti ng sobra. Kinagat niya ang kaniyang labi. Ipinasuot niya sa akin ang singsing. "Finally!" aniya saka sinunggaban niya ng halik ang aking mga labi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Rinig namin ang tilian, siguro ay sinagot ni Alisha si Lloyd. Pero hindi na kami nag-abala pang tingnan iyon dahil busy na kami ng asawa ko sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD