"...Vera Cepeda-Tamayo, you should consummated to be penalized by Reclusion Perpetua to Death!" the judge announced as he handed the gavel. Iyon ang naging hatol sa kaniya ng batas dahil sa patong-patong na kaso. Civil plus criminal case.
Nagsitayuan ang mga tao, maliban sa akin. Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kampo nina Vera Cepeda-Tamayo, kitang kita ko kung papaano siya umiyak pati si Alisha. Nilapitan na siya ng dalawang babaeng pulis para akayain siya palabas ng korte. Kulang pa ang iyak at panlulumo na natatanggap nila kaysa sa sinapit ng asawa ko. I wasn't even satisfied what I'm watching.
Saka na ako tumayo. Doon ay niyakap ako ng mga pinsan ko para batiin ako para sa pagkapanalo ng kaso laban sa tiyahin ni Jaycelle. Bumaling ako kay Naya at nagpasalamat sa kaniya sa tulong at suporta na ibinigay niya para malutas ang suliranin kong ito.
"Paniguradong matutuwa si Jaycelle sa ibabalita mo sa oras na magising na siya, ahia!" bulalas ni Fae nang niyakap niya ako.
Hindi ako sigurado kung matutuwa nga siya sa balitang ito. May parte na matutuwa siya dahil sa wakas ay nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang lolo, may parte din na hindi dahil mismong kadugo niya ang pumaslang sa taong malapit sa buhay niya. Pero kahit na ganoon ay ginawa ko din ang karapatan ko bilang asawa ni Jaycelle. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay masasaktan ang pinakamamahal ko. Ipinangako ko sa sarili ko na walang sinuman ang mananakit sinuman sa pamilya ko.
Nagpasya na kaming dumiretso sa Ospital. Naghihintay na din doon ang mga kamag-anakan namin dahil magse-celebrate kami sa pagkapanalo namin. Advance gift ko na rin siguro ito para sa kaniya dahil bukas na bukas ay birthday na niya.
Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa amin ang mga magulang namin. Napatingin sila sa direksyon namin na may ngiti sa kanilang mga labi. Dinaluhan kami ni mama. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. "Congratulations, anak. Sa wakas, nakamit mo din ang hustisya na gusto mo para kay Jaycelle."
Niyakap ko si mama, gayundin si baba. Pati na din ang mga tiyuhin at tiyahin ko. Binabati din nila sa ako sa selebrasyon na ito. Kahit sila ay nagpakita ng suporta para sa aming mag-asawa. Dinaluhan naman ako ni Nell. Niyakap ko siya at binuhat. Hinalikan ko ito sa sentido. "Congrats, daddy! Ang galing po ninyo ni tita Naya!" bulalas niya.
"Thank you, my little girl."
Lumapit ang yaya nila. Ipinasa sa akin si Maisie na nakangiti. Hinalikan ko ito sa pisngi bilang pagbati. "How's my another angel?"
Tili lang ang tanging naisagot niya sa akin. Natawa naman kami dahil nakakahawa talaga ang batang ito lalo na kapag tumatawa siya. Kay mama ko naman siya ipinasa. Nilapitan ko si Jaycelle. Dinampian ko siya ng halik sa kaniyang noo. "I'm back, sexy." malambing kong bati sa kaniya. "Ako ang nagkamit ng hinihiling mo, noon pa."
Dahil ganito kita kamahal, Jay. Lahat gagawin ko para mapasaya lang kita. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na masaktan ng sobra.
Dumapo ang palad ko sa kaniyang tiyan. Malaki na ang umbok nito. Kabuwanan na niya kaya mas lalo namin siya binabantayan maigi dahil ang sabi ng doktor niya ay anytime ay pwede na siya manganak sa oras na pumutok na ang palatubigan niya at ceasarean section ang isasagawa sa kaniya.
Bakas sa mukha niya ang kapayatan at nananatili pa rin siyang maputla.
It's been nine months, Jay, hinding hindi akong mapapagod na mahalin ka.
Ramdam ko na may humawak sa aking kamay. Bumaling ako kung sino 'yon. Si Nell. "Daddy, bukas na birthday ni mommy, bakit ayaw niyang gumising? Ayaw ba niyang icelebrate ang birthday niya kasama tayo?"
Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Itinukod ko ang isang binti ko para maging kalebel ko siya. "Do you believe in mommy, right?"
Tumango siya na may lungkot sa kaniyang mga mata.
"She will wake up, soon. Napagod lang si mommy, kailangan lang niya ng pahinga. Babalikan niya tayo."
__
Nagising nalang ako nang may tumatapik at may yumuyugyog sa akin. Nagpupungas-pungas pa ako habang inaangat ko ang aking tingin.
"Ahia, pumutok na ang waterbag ni Jaycelle!" natatarantang sabi ni Fae.
Nanumbalik ang ulirat ko nang marinig ko iyon. Agad kong tiningnan ang natutulog na si Jay. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kuwarto para sabihan ang mga nurse sa nangyayari sa asawa ko. Nagsikilos sila. Ang isa naman ay tinawag ang OB na nagchecheck sa pagbubuntis ng asawa ko.
Sumunod ako sa mga nurse habang papunta na sila sa private room. Pagpasok ko ay nadatnan ko silang inaayos nila ang mga aparato na nakakabit sa katawan ni Jaycelle. Maingat nilang inilabas ang asawa ko mula sa silid. May isang nurse naman na hawak-hawak ang dextose.
Isusugod namin siya sa Delivery Room.
"Sir, hanggang dito nalang po kayo." pigil sa akin ng isang nurse.
Gusto ko man suwayin ang sinabi niya pero nagawa ko pa rin kontrolin ang aking sarili. Hindi maalis ang tingin ko habang ipinapasok nila sa Delivery Room ang asawa ko. Napahilamos ako ng mukha at sinasabunutan ang aking buhok. Hindi na ako mapakali sa isang tabi. Rinig ko naman na tinatawagan na ni Fae sina mama at baba.
"She will be alright, kuya." rinig ko kong sabi ni Fae nang matapos niyang tawagan ang mga magulang namin.
__
Kahit kulang man ako sa tulog ay hindi pa rin ako madalaw ng antok. Ilang beses na akong pumaparito't pumaparoon. Dumating na din sina mama at papa. Pareho silang nakaupo sa waiting area, sinasamahan nila akong maghintay.
Ilang beses na din ako nagdadasal sa pamamagitan ng aking isipan na wala sanang mangyayaring masama sa mag-ina ko. Isa sa kanila ay ayokong mawala. Hinding hindi ako mapapayagan iyon. Hinding hindi ko matatanggap kapag mangyayari man ang kinakatakutan ko.
"Believe in her, she can do it, son." wika ni baba habang tinatapik-tapik niya ang isang balikat ko.
"Thanks, baba."
Alam kong makakaya niya ito. Alam kong lalaban siya para sa amin...
Ilang oras pa ang lumipas ay kita ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ang OB ang lumabas. Tila may hinahanap siya. Nang nakatuon na sa akin ang tingin niya sa akin ay pinapalapit niya ako. Hindi ako nagdalawang-isip na daluhan siya. Bigla ako ginapangan ng kaba.
"Pinapatawag po kayo ni doktora, sir." aniya.
Tahimik akong tumango. Sumunod ako sa loob ng Delivery Room. Pinasuot niya muna ako ng operating scrub pati na din ng hairdress.
Nang tuluyan na akong nakapasok ay lahat ng mga mata ay nakatuon na sa akin. Nagtataka ako kung bakit. Natigilan ako nang may narinig akong iyak ng sanggol na umalingawngaw sa buong silid na ito. Bumilis ang kabog ng aking dibdib.
May isang nurse na lumapit sa akin. Nasa mga braso niya ang sanggol na pinakahinihintay namin... Ang anak namin ni Jaycelle.
"Congratulations, Mr. Ho. It's a healthy baby boy!" wika ng OB.
Maingat na ipinasa sa akin ng nurse ang sanggol. Pinagmasdan ko itong mabuti. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa kaligayahan. Tumingin ako kay Jaycelle. Nilapitan ko siya at ipinakita ko sa kaniya ang baby namin kahit alam kong bigo na maipakita sa kaniya iyon.
"Look, Jay. Lalaki ang anak natin." humihikbi kong sabi. I lean my forehead to her's. "Ikaw ang may birthday pero ako ang niregaluhan mo."
Ibinalik ko ang tingin ko sa sanggol na nasa aking braso. Pumikit ako ng mariin at hinalikan ko ito sa noo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. "Hey, big boy. I'm your father... I am proud you are my son." Kinagat ko ang aking labi. "Happy birthday, son..." bumaling ako kay Jaycelle. "Happy birthday, Jay..."
May lumapit na nurse sa akin. "Sir, ilalagay po namin siya sa sa nursery. Ano pong ipapangalan natin sa kaniya?"
"Aaron Thaddeus." kusang lumabas iyon sa aking bibig. "It means miracle."
__
It's been a week since Aaron and Jaycelle's birthday. Kahit na hindi pa rin nagigising si Jaycelle, I'm willing to wait. Hindi ako magsasawang maghintay hanggang sa dumilat ulit ang mga mata niya. Araw-araw ay naging gawain na namin ni Nell na magdasal, kahit sa gabi bago man kami matulog.
Lalo na't binigyan ako ng kumpiyansa na magsumikap. Hindi lang para sa asawa ko. Para na din kay Aaron na nadagdagan sa pamilya ko... Sa pamilya namin. Tuwang tuwa si Nell dahil may bago siyang kapatid. Palagi niyang sinasabi sa akin na promise niya na magiging mabuting ate siya kina Maisee at Aaron. Nakakatuwa lang dahil hindi siya nakaramdam ng selos para sa bagong kapatid.
Pero isang araw ay halos mayanig ang mundo ko nang natanggap ko ang tawag ni Fae. Kailangan ko daw pumunta ng Ospital kahit nasa kalagitnaan ako ng trabaho. Hindi ko tinapos ang trabaho ko. Tinalikuran ko iyon dahil mas importante sa akin ang mag-ina ko.
Pagdating ko ay nadatnan ko silang lahat na nakatayo sa hallway. Ang iba sa kanila ay nagsiiyakan. Namataan ko pa si mama na sapo-sapo sa kaniyang dibdib habang natingin sa akin, umiiyak din siya.
Dahan-dahan akong naglakad. Kita ko din ang iilang nurse at doktor na nakatayo sa loob. Kumunot ang noo ko, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Nagkahalo-halo na ang emosyon ko. Takot at kaba ang mas nangingibabaw sa mga iyon.
Hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. Halos manigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang pinakamamahal kong nakatingin nang malayo sa bintana na malapit lang sa kaniya. Parang naging slowmo ang nasa paligid ko. Naging blurred na din ang iba at nakafocus lang sa kaniya.
Nang maramdaman niya ang presensya ko ay bumaling siya sa akin. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Huminga siya ng malalim. "I'm back..." malumanay niyang sabi.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan siya't sinunggaban siya ng isang mahigpit na yakap. Ginantihan niya iyon. Hinalikan ko ang sentido niya. Ikinulong ko ng mga palad ko ang mukha niya. Isinandal ko ang aking noo sa noo niya. Parang hindi ako makapaniwala, siya, nasa harap ko ngayon... Ang pinakamamahal ko... Buhay na buhay at kinakausap na niya ako...
Kahit siya ay naiiyak.
"Narinig ko ang lahat, Archie... Lahat ng mga sinasabi mo, narinig ko... Sorry kung ngayon lang ako nakabalik... Namiss din kita... Pati ang mga anak natin...." humahagulhol niyang sabi.
Umiling ako. Marahan na dumapo ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. Hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Bakas parin sa mukha ko na hindi makapaniwala. Isinasaisip ko na hindi ito isang panaginip. "No... It's alright... Ang importante, nakabalik ka na... Gising ka na..." I answered softly though my voice cracked. "Finally, Aaron will be able to see her mother everyday..."
Napatingin kami sa aming gilid nang lumapit ang nurse sa amin. Karga niya ang anak namin. Ibinigay niya iyon kay Jaycelle. Bakas sa mukha ni Jaycelle ang pagkamangha nang makita niya sa unang pagkakataon ang bunga ng pagmamahalan namin. Mas lalo siya naiyak nang nasa piling na niya ito. Agad siyang bumaling sa akin.
"Kamukha mo siya, Archie..."
Hinawi ko ang takas niyang buhok, isinabit ko iyon sa kaniyang tainga. Ngumiti ako. "Thank you, Jay. Thank you for fighting. You won't leave us empty."
"Dahil binigyan mo ako ng dahilan para lumaban, Archie."
Hinawakan ko ang ulo niya at muli ay dinampian ko ng halik ang kaniyang sentido.