Tumigil ang sasakyan sa mansyon ng mga Cepeda. Si Lloyd ang nagmamaneho ng sasakyang ito. Ang iba ko pang pinsan at mga pulis ay nakasunod lang sa amin. Ang iba ko ding pinsan ay nagpaiwan sa Ospital para bantayan ang asawa ko. Binaba ko ang salamin ng bintana. Matalim na tingin ang iginawad ko sa naturang bahay. Ito na ang huling oras para matikman nila ang mana na dapat ay sa asawa ko. Ito na din ang huling araw nila para maging masaya.
Bumaba ako sa sasakyan. Rinig ko ang pagsara ng mga pinto ng mga sasakyan. Umakyat ako't nagdoorbell. Ilang saglit pa ay nagbuksan din iyon. Hindi isa sa mga Cepeda ang sumalubong sa akin. Isa sa mga kasambahay ng mansyon na ito.
"Sino po sila?" maagap na tanong ng kasambahay nang makita ko.
"I need to see Mrs. Vera Tamayo." I answered, trying to be cool. "Archilles Hochengco."
"Mayla, sino 'yan?" speaking of the devil, her she comes. Hindi lang siya, kasama ang kaniyang anak na si Alisha.
Bumaling sa kaniya ang kasambahay. She give them a way. Nang makita ako ni Vera Tamayo ay natigilan siya. Kitang kita ko kung papaano siya namutla. Gayunpaman, sinikap pa rin niyang lapitan ako't umaktong normal sa harap ko.
"Oh, Mr. Hochengco. What a surprise visit! Ano bang maipaglilingkod ko? Is this about the engagement?"
Bago man ako nagsalita, hinubad ko ang suot kong aviator. I step backward and the police comes forward. They present a paper before in their eyes. "Mrs. Vera Cepeda-Tamayo, narito kami para arestuhin ka sa salang pagnanakaw at pagpatay mo kay Don Igor Cepeda at Frustrated Murder kay Mrs. Jaycelle Cepeda-Hochengco."
Umaawang ang kaniyang bibig. Magsasalita sana siya para manlaban pero inunahan na siya ng mga pulis. Tagumpay siyang naposasan.
"A-anong... You can't do this to me!" asik pa niya.
"I can, Mrs. Tamayo." mariin kong sabi. "I'm here not for a justice for my wife, also her wish to give justice for her late grandfather."
"Wala kang patunay na ako nga ang may gawa!" bulyaw niya sa akin.
Bago ulit ako nagsalita, may inilabas akong bagay mula sa aking coat. Natigilan siya nang makita niya ang hawak ko. "Malaki ang laban ko sa iyo. Ang ito ang bagay na ito ang magtuturo na ikaw nga ang pumatay sa mismong tatay mo pati na din sa intensyon na pagpatay mo sa asawa ko." I smirked. "Baka nakalimutan mo, dating detective ang asawa ko, pagdating sa mga ganito bagay, palagi siyang nakahanda. Nakarecord sa cellphone niya ang lahat ng pag-uusap nila ng dating pulis na humawak sa kaso ni Don Igor."
Kinagat niya ang kaniyang labi sabay umiwas ng tingin sa akin. Nanlalaki ang kaniyang mga mata. Sinyales na nabuko na siya sa lahat ng katarantaduhan niyang ginawa.
Humakbang ako palapit sa kaniya. "Babawiin ko din ang lahat ng mga ninakaw mo na dapat ay para sa asawa ko. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Kahit maubos pa ang pera ko, balewala lang sa akin iyon basta makikita ng mismong mga mata ko na maghihirap ka."
Agad siyang bumaling sa akin na may takot sa kaniyang mukha. Umiiling-iling siya. Agad siyang lumuhod sa harap ko. "Huwag... Huwag mo akong ipakulong... Nakikusap ako sa iyo... K-kaya ko lang naman ginawa iyon dahil..."
"Because you're a drug addict. And also a drug dealer." wika ni Naya na nasa tabi ko. "Nakausap na namin ang dating pulis na nakausap ni Jaycelle. Palagi niyang sinasabi, para malinis na ang kaniyang konsensya, kumanta siya pati na din ang nakausap mong lalaki para patayin si Jaycelle. Wala ka nang kawala dahil inilaglag ka na. Hindi lang siya ang magiging testigo sa kasong ito dahil nakakuntsaba mo din ang iilang pulis ng probinsiyang ito para pagtakpan mo ang totoong nangyari."
Doon ay tumangis na si Vera Cepeda. Pinatayo siya ng mga pulis para akayin papunta sa police mobile. Naghihiyaw na si Alisha para bitawan ng mga pulis ang kaniyang ina pero hindi nagpatinag. Napatingin ako sa loob. Malungkot na nakatingin sa akin si Mr. Tamayo habang siya ay nakatayo sa hagdan. Tumango siya na tila ibig niyang iparating na tama lang ang aking ginawa. Naiitindihan ko din naman siya. Labis lang din siguro ang pagmamahal niya sa asawa niya kaya hindi niya magawang suwayin ang mga masasamang gawain nito.
_
It's been a month and half buhat nang ipinakulong na si Vera Cepeda. Si Naya na din ang nag-aasikaso ng kaso na isasampa sa kaniya at ako ang haharap bilang complainant sa oras na maproseso iyon sa DOJ. Hindi pa rin nagigising si Jaycelle. Inilipat na din siya sa private room.Walang araw na hindi ko siya binibisita. Galing sa trabaho, sa Ospital na ang diretso ko. Pinapasalubungan ko siya ng mga bulaklak at tsokolate na paborito niya. Minsan pa nga ay sinasamahan ako ng mga pinsan ko para bantayan siya at kwentuhan siya nang kung anu-ano.
Tahimik akong pumasok sa Opisina ni ahma dahil gusto daw niya akong makausap. Importante daw iyon.
"Archie..." garagal ang boses niya nang makita niya ako dito.
Nanatili lang akong tahimik. I couldn't say anything, even a single word.
Nilapitan niya ako. Sinubukan niya akong hawakan sa aking kamay. Hinayaan ko lang siya. Kita ko ang pagdiin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata ng ilang segundo. Tumingin siya sa akin na may lungkot sa kaniyang mga mata. "I'm so sorry..." aniya. Kumawala ang iilang butil ng luha sa kaniyang mga mata at marahas iyon umagos sa kaniyang mga pinsgi. "Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang kalagayan ninyo ni Jaycelle... Pasensya na kung hindi ko man lang pinakinggan ang gusto ninyong magpipinsan..."
Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. Pero ramdam ko ang pagpiga sa aking puso. Kahit na sabihin nating masama ang ipinapakita niya sa amin ay hindi pa rin namin kayang magalit sa kaniya nang tuluyan. Siya pa rin ang ahma namin kahit bali-baliktarin ang mundo. Isa din siya sa mga rason kung bakit buhay pa kaming magpipinsan sa mundong ito.
"Archie... Bumalik ka na... Sa pagiging Hochengco... Pangako, hinding hindi ko na gagambalain pa ang mga buhay pag-ibig ninyo. Ayokong mapunta sa punto na itatakwil mo ako bilang kapamilya mo..."
Yumuko ako't huminga ng malalim. "Sa ngayon ay hustisya ng asawa ko ang kailangan ko, ahma."
"Tutulungan kita, apo... Tutulungan kita na makamit mo ang hustisya na inaasam mo."
Tumango ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin si ahma.
"Pakatatag ka, apo. Pagsubok lang ito para sa iyo."
_
Nalaman din ni Nell kung ano talaga ang nangyari sa kaniyang mommy. Kahit na natatakot ako ay nagawa ko pa rin sabihin sa kaniya ang totoo. It's normal na umiiyak siya sa akin. Ramdam ko ang hinagpis niya. Alam kong natatakot din siya dahil sa pangalawang pagkakataon, mawawalan na naman siya ng ina.
"Daddy, gusto ko kita si mommy." bigla niyang sabi habang nasa gitna ako ng pagbabasa para sa kaniya. Gawain kasi ni Jaycelle ito. Nagbabasa siya ng mga istorya pambata para kay Nell.
Tumigil ako. Tiningnan ko siya saka marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. "Sigurado ka ba?" tanong ko.
Tumingala siya sa akin at tumango bilang tugon. "Miss ko na mommy. Miss na din siya Maisie."
Kinagat ko ang aking labi dahil muli ko naramdaman ang pagpiga sa aking puso. Malalim akong huminga, hinalikan ko ang buhok niya. "We will, baby. Kikitain natin si mommy tomorrow. Ayos ba iyon? But, promise me to be behave, okay?
Ngumiti siya. "Yes, daddy."
Ngumiti na din ako at muli kong hinalikan ang kaniyang buhok. "You should sleep now, baby. Maaga tayong bibisita kay mommy."
"Opo, daddy."
Before I leave, I plant a kiss on her forehead and we're exchanging goodnights hanggang sa napatay ko na ang ilaw ng kaniyang kuwarto.
Tulad ng pinag-usapan namin ni Nell, maaga kaming bumisita sa Ospital. Dahil sa excited siyang makita ang kaniyang mommy, mas maaga siyang nagising kaysa sa akin. Kasama ko si Fae. Naiwan naman sa bahay si Maisie sa kaniyang yaya.
Sa pagbukas ng pinto ng silid ni Jaycelle ay bumungad sa amin si mama na abala sa pag-aasikaso sa asawa ko. Tumigil lang siya nang maramdaman niya ang presensya namin. Ngumiti siya sa amin at nilapitan kami. Isa-isa niya kaming niyakap kahit si Nell ay niyakap at hinalikan niya. Ipinakilala ko sila sa isa't isa. Gumaan agad ang loob ni Nell para kay mama.
Binaba ko siya at naglakad siya papunta sa kaniyang mommy Jaycelle na mahimbing pa rin natutulog.
"Mommy! Dito na Nell! May dala akong flowers for you! Kami ni daddy bumili niyan! Ang ganda at ang bango pa!" malakas na sabi ni Nell nang tumuntong siya sa upuan na katabi lang ng hospital bed. "Sabi na sa akin ni daddy na nandito ka daw, natutulog."
Pinapanood lang namin siya kung papaano niyang kausapin ang kaniyang mommy.
Hinawakan ni Nell ang isang kamay ni Jaycelle. "Mommy, miss ka na namin ni Maisie. Wait din siya na umuwi ka. Balik ka na, mommy para kompleto na tayo... Para happy na tayo..." sa huling kataga na sinabi niya ay nabasag ang boses niya. "Para hindi na umiyak si daddy sa gabi, mommy..."
Rinig ko ang hikbi nina Fae at mama sa gilid ko. Yumuko lang ako. Hindi ko akalain na masasabi ni Nell ang mga bagay na ito. Sa edad niyang iyan ay nakikitaan talaga na magaling siyang magbasa ng sitwasyon. Lalo na't nalalaman niya ang nangyayari sa akin. Nilapitan ko ang anak namin at niyakap ko siya. Pinipigilan ko ang sarili kong maluha.
Bglang may kumatok sa pinto. Napalingon kaming lahat doon. Kusang nagbukas iyon at tumambad sa amin ang doktor ni Jaycelle.
"Mr. Ho, can I talk to you? It's a serious matter."
Nagkatingnan kami nina mama at Fae. Bumaling si mama kay Fae. "Take Nell with you, iha. Sasamahan ko ang ahia mo."
Pinunasan ni Fae ang kaniyang mukha at tumango. Dinaluhan niya si Nell at binuhat. Good thing, hindi nagwala ang anak ko o nagprotesta man lang.
_
"Ninety days." diretsahang sambit ng doktor sa amin nang narito kami sa kaniyang Opisina.
Kumunot ang noo ko sa aking nairinig. "And where'd you get that number?"
"Medical case studies."
"Well, that's just words on paper. It's statistics." wika ko pa. I'm an allied/medical student before!
"It's well-documented, Mr. Ho. After ninety days, the percentage of tauma patients who regain conciousness decreases to less than one percent. It's a quite quantifiable fact." then he sighs then he hand me a paper. "I'm sorry, Mr. Ho."
Binasa ko ang nakasulat sa papel—DO NOT RESUSCITATE ORDER. What the hell...
"If we reach that mark, we need to know you're prepared to carry out her wishes.. This is her voice." he added.
Nakatinginan kami ni mama. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa anuman ang magiging desisyon ko, pero binigyan ko siya ng isang determinadong tingin. Ibinalik ko sa doktor ang papel. "No... it's not. That is something you do to prepare for the future. You know, you cover, "what ifs." No, I won't sign it."
"Anak..."
Umiling ako. "Tapos na ang usapang ito." tumayo na ako't lumabas. Bumalik ako sa silid ni Jaycelle.
_
Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Dinampian ko iyon ng halik at tumigtig sa kaniyang maamong mukha. Isang mapait na ngiti ang umukit sa aking mga labi. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha sa harap niya kahit hindi niya nakikita iyon.
"Kahit ako nalang ang humihinga para sa iyo, Jay." basag ang boses ko. Umiiling-iling ako kahit na patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. Tumayo ako't humiga ako sa kaniyang tabi. Ipinatong ko aking palad sa kaniyang tyan. Hinalikan ko ang kaniyang sentido saka itinutok ko ang aking bibig sa kaniyang tainga. "I love you, Jay. I miss you in so many ways... Please, don't leave me... Marami pa kaming naghihintay sa iyo... Lalo na ang mga anak natin... Miss ka na nila... Please fight for me... Come back to me, Jay... Come home... I love you..."
Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong kumakatok. Maingat akong bumangon para wala akong masagi na kung ano na aparato na nag-uugnay sa katawan ng asawa ko. Nagbukas iyon. Unang pumasok si mama na tila nagmamadali at hindi makapaghintay na may ibabalita. Nakasunod sa kaniya ang doktor na dahilan para kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Anak..." tawag sa akin ni mama. "May gusto daw sabihin sa iyo ang doktor..."
Inilipat ko ang aking tingin sa doktor. "What is it?"
Bago man siya nagsalita ay humakbang siya palapit sa akin. "Lumabas ang isa sa mga result habang nasa under observation ang asawa mo, Mr. Ho."
Mabagal akong umiling. "What do you mean?"
"We found out that you're wife is pregnant. Five weeks..."
Parang tumigil ang ikot ng mundo nang marinig ko iyon. Sinisink in ko pa ang lahat. Dahan-dahan akong bumaling kay Jaycelle. Agad ko siyang dinaluhan. Hinalikan ko ang kaniyang kamay. "Jay... You're pregnant.." mahina kong sambit habang hinahaplos ko ang kaniyang buhok. "We still have a reason to fight... Don't dare to give up, please... Fight for us, sexy..."
I want to take care of you and our little angel... I want to feel you again, sexy.