chapter sixteen

1840 Words
[ ARCHIE ] "Congratulations, Mr. Resendes, Mr. Ho... I'm looking forward to work with you." nakangiting nakipagkamay sa amin ang isa sa mga magiging investor. "Thank you sir," sabi ko nang tanggapin ko ang kaniyang kamay. "Thank you for trusting in our company." "No problem. So, I gotta go, I have few meeting coming right up. See you soon." then he left with his secretary. Nakahinga na ako nang maluwag dahil tagumpay ang meeting na ito. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay Jaycelle ang magandang balitang ito. Hindi na rin ako makapaghintay na makauwi sa bahay para makasama ang mag-iina ko. Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya na lalabas siya saglit at uuwi din agad kaya paniguradong naroon na siya sa unit bago man ako dumating. "Uuwi ka na agad?" tanong ng kasama kong si Lloyd habang nag-aayos na ng gamit. "Yeah, miss ko na sila." sabi ko pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Rinig ko ang mahina niyang tawa. "Kung sabagay, bagong kasal palang kayo ni Jaycelle." kumento niya pagkatapos ay nag-ayos na din siya ng gamit. Biglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako sa ginagawa ko at sinilip kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni Finlay na siya ang caller. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin ang tawag niya. "Bakit?" bungad ko sa kaniya. "Where are you?" tanong niya. "Tapos na ang meeting ko, pauwi na dapat. Why?" Hindi siya nagsalita ng ilang segunod. I heard his heavy sighs before he proceed. "Narito kami ni Pasha sa Ospital. You need to come here, Archie. This is very urgent." Ospital? Bakit nariyan sila mag-asawa? Hindi ko alam kung bakit parang bumigat ang loob ko ng mga oras na ito. Bakit hindi magandang balita ang hatid nito sa akin? "Sinong na-ospital?" pilit kong maging matatag at maging maayos pa. "Archie, naaksidente si Jaycelle. Nasagasaan siya. We're here at St. Luke's—" hindi ko na ipinagpatuloy ang sasabihin niya pinatay ko ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa. Agad akong bumaling kay Lloyd. "Mauuna na ako." paalam ko na may pahabol na tapik sa isa niyang balikat. Nilagpasan ko siya. "Pare—" Hindi na ako nag-abala pang tumigil o lumingon pa siya. Bumilis ang kabog ng aking dibdib. Kinakabahan ako. Natatakot ako kung anuman ang mangyari sa asawa ko! Huwag naman sanang grabehan ang nangyari sa kaniya dahil hinding hindi ko kakayanin! Malapit na ako sa kotse nang bigla akong pinigilan ni Lloyd. "Hand me the keys, ako ang magmamaneho. Nakatanggap ako ng text message sa pinsan mong si Kalous. I'll go with you instead." he said. "Hindi magiging maayos ang pagmamaneho mo." Para hindi na humaba pa ang usapan ay ibinigay ko sa kaniya ang susi ng aking kotse. Nagmamadali akong pumasok sa loob. Sa passenger's seat habang si Lloyd ay mabilis nakaupo sa driver's seat. Binuhay niya ang makina at mabilis kaming nakaalis sa lugar na 'yon. __ Pagkarating na pagkarating namin sa Ospital ay hindi ko na hinintay pa si Lloyd. Tumakbo ako papunta sa nurse station para alamin kung nasaan ang asawa ko. Nasabi sa akin na nasa Operation Room daw si Jaycelle at kasalukuyang inooperahan. Itinuro din sa akin ang direksyon papunta doon at sinunod ko iyon. Tumigil lang ako nang tumambad sa akin ang mga pinsan ko maliban kina Vladimir at Suther pati ang mga asawa nila na naghihintay sa labas ng silid na iyon. Ang mga asawa ng mga pinsan ko ay hindi mapigilang mapaiyak nang makita nila ako. Para akong tuod sa harap nila. Dinaluhan nila ako. Agad akong niyakap ng kapatid kong si Fae habang humahagulhol ito. "Ahia..." rinig kong sabi niya habang ito'y umiiyak. "W-what happend...?" nanghihinang tanong ko sa kanila. "The investigation is still on going, Archie." si Keiran ang nagsalita. "Naroon sina Suther at Vlad para alamin ang totoong nangyari kay Jaycelle. Sa oras na matrack nila ang responsable sa aksidente, sila na daw ang bahala." _ Ilang oras na kaming nasa labas ng OR. Naghihintay ng balita mula sa doktor na nag-oopera sa asawa ko. Ilang beses na akong nangangalangin sa isipan ko na sana iligtas ang asawa ko. Ilang beses na akong nilapitan ng mga pinsan ko, inaalok nila ako nang kung anu-ano, pagkain at ano pa habang naghihintay pero wala akong gana. Hindi ako panatag hangga't hindi ko naririnig ang konklusyon ng doktor. Masaya naman ako dahil hindi ako iniiwan ng mga pinsan ko, lalo na ang kapatid kong si Fae. Sinasamahan nila ako. "Ahia," tawag sa akin ni Fae, sabay turo niya sa pinto ng OR kung saan lumabas doon ang doktor. Agad akong tumayo at dinaluhan ang doktor. "Doc, how's my wife?" May halong seryoso at lungkot sa mukha niya nang tingnan niya ako. Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib. Ginapangan ulit ako ng kaba. Huwag niyang sabihin na wala siyang magawa para maisalba niya ang asawa ko? "We found she's suffering into traumatic brain injury, Mr. Ho." panimula niya. "Nagkaroon ng pagdurugo sa utak ng misis ninyo na dahilan sa matinding pagkabagok sa kaniyang ulo. Nabalian din siya ng buto sa kaliwang binti..." "Is she safe now?" sunod kong tanong. "Kailan siya magigising?" "Sa ganoong sitwasyon niya ngayon, hindi ako siguro, Mr. Ho." Kumuot ang noo ko, kasabay ang pagkuyom ng aking kamao. "W-what..." "I'm afraid but all I can say is, she's in state of coma now." Dahil sa panghihina ay napaupo ako sa sahig. Dinaluhan ako ng iilang pinsan ko. Ramdam ko na niyakap ako ng kapatid ko, napaiyak na naman siya. Samantalang ako, hindi ko magawang umiyak. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang lahat. Naninikip ang dibdib ko... Hindi ko kayang tanggapin ito. "Ahia... Please, be strong..." garagal na sabi ni Fae. "Ihahatid na namin si Mrs. Ho sa ICU. Maiiwan ko po muna kayo." anunsyo pa ng dokto bago niya kami tuluyang iniwan dito. _ "Kami muna ang magbabantay kina Nell at Maisie, Archie." malungkot na pahayag ni Fae, kasama niya sina Carys at Nemesis. "Okay lang ba talaga na dito ka muna?" Tahimik akong tumango. Nangingibabaw pa rin ang lungkot sa aking sistema. Before they leave, they give me a hug. I know they're really care for me, hindi lang sa akin, pati na rin kay Jaycelle. Nilapitan ako ng mga pinsan kong lalaki at isa-isa nilang tinapik ang aking balikat. "Babalik kami bukas." rinig kong sabi ni Finlay. Nang tuluyan na silang nawala, nagpasya akong pumasok sa ICU kung nasaan si Jaycelle. Nilapitan ko ang nurse at nagpaalam na papasok ako dahil gusto kong samahan ang asawa ko sa loob. Malaki na din ang pasasalamat ko dahil pinagbigyan nila ako. Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Maraming tubo at aparato na nakakabit sa kaniyang katawan. Tanging tunog lang mula sa life machine ang umaalingawngaw sa buong silid na ito. Maingat akong umupo sa upuan na nasa tabi lang ng kama. Tinanggal ko ang face mask. Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay saka idinikit ko iyon sa aking pisngi. Tinititigan kong mabuti ang mukha ng kaawa-awa kong asawa. Isang mapait na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. Parang kanina lang na masaya akong umalis ng bahay pero sa ganitong kalagayan ko pa siya madadatnan. "Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa mga bata tungkol dito, Jay..." wika ko na hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayokong masaktan sila kapag nalaman nila ang kalagayan ng mommy nila..." Saglit ako natahimik. I sighs. "Success ang meeting ko kanina, Jay. Nakakuha na ulit si Lloyd ng magiging investor ng kompanya niya..." pagkukwento ko. "Alam kong marami pa kaming makukuha sa susunod. Kapag natapos ko 'yon, maipapasyal ko na ulit kayo... Sa paborito ninyong lugar. You love travels, right? I will take you anywhere you want... I don't care if it is too far... Basta kasama lang kita... Kayo ng mga anak natin." my voice broke. My shoulders were shaking. Yumuko ako't dinampian ko ng halik ang kaniyang kamay. Bumuhos ang aking mga luha. Wala na akong pakialam kung umagos na iyon sa aking pisngi. "You deserved the moon and the stars. Heaven knows how much I love you. I know this will be exaggerating but it's true... I can't live without you. You can't leave me empty... Please come back..." _ Nasa tapat lang ako ng ICU. Nakaupo at nakakaramdam na ako ng pagod pero hindi ko ininda. Medyo ginugutom na din ako pero nagpasya akong mamaya nalang. "Archie..." Tinagilid ko ang ulo ko. Natigilan ako nang bumungad sa akin sina mama at baba. Dahan-dahan akong tumayo. Umiiyak si mama at walang sabi na niyakap niya ako. Si baba naman ay malungkot niyang tinapik ang balikat ko. "I heard from Fae and your cousins what happend to Jaycelle... I'm sorry..." humihikbing sabi ni mama. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para yakapin ko pabalik si mama. Sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng kaniyang balikat at panga. Muli ay bumuhos na naman ang aking mga luha. "She's in the brink between of life and death, mama..." "I know, I know..." "She's my everything, ma... She's my life." Marahan kumalas si mama mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinaplos niya ang aking mukha at pinunasan niya ang mga takas kong luha. "Alam namin iyon, anak... Alam namin na matagal ka nang may gusto sa kaniya...Pasensya na kung hindi namin magawang tumanggi sa ahma mo... Lalo na't nalaman namin ang totoo..." Yumuko ako. "Kung kailan nakuha ko na ang mga ebidensya na ang tiyahin niya ang pumatay sa lolo niya, saka pa humantong sa ganito." huminga ako nang malalim. "Nasabi din sa amin ni Kalous ang mga nakuha nilang impormasyon tungkol sa aksidente. Napag-alaman na hindi talaga aksidente ang nangyari. Pinalabas na hit and run pero ang totoo, intensyon talaga na sagasaan si Jaycelle." si baba. Kumunot ang noo ko. "W-what...?" "Nakipagkita si Jaycelle sa pulis na dating humawak sa kaso ni Don Igor, sinabi nito sa kaniya ang mga nalaman niya sa pangyayaring iyon at pinalabas na may kinalaman ang pamilya natin sa pagkamatay ng dating Don. Dahill bata pa si Jaycelle ng mga panahon na iyon, kinuha din niya ang oportunidad na iyon para mapaikot ang batang Jaycelle." paliwanag pa ni baba. "Si-sino ang may gawa nito?" "Dahil sa nag-iisang tagapagmana si Jaycelle ng pamilyang Cepeda, hindi siya nagdalawang-isip na papatayin niya ito. Nasa kulungan na ngayon ang lalaking nahired ni Vera para patayin ang asawa mo, anak." segunda ni mama. Umalab ang galit sa aking sistema nang marinig ko iyon mula sa mga magulang ko. Galit na galit ako sa ginawa nila sa asawa ko. "I need to face the Cepedas, baba." walang gatol kong sambit. "A-Archilles..." bakas ang pag-aalala sa boses ni mama. "A-anong gagawin mo?" "Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa asawa ko. Hindi pwedeng hindi ako gaganti para sa kaniya." humarap ako sa kanila. "Lintek na walang ganti ang gagawin ko. They shouldn't mess with the Hochengcos if they wouldn't want to suffer in my hands and this will be their last day in Earth." Kukunin ko ang lahat na meron sila. Babawiin ko iyon at isasauli ko ang mga iyon na dapat ay para sa asawa ko. Ipapatikim ko sa kanila kung papaano maging mahirap pa sa daga. Sa ginawa ni Vera Cepeda, sisigurudin kong maging talunan siya. Na tipong paghingi niya ng tawad ay kulang na kulang pa bilang pambayad sa lahat ng ginawa niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD