chapter fifteen

2090 Words
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay may nanggigising sa akin. Parang pinapaulanan ako ng mga halik. Bumungad sa akin ang tatlong mukha na pawang may mga ngiti sa kani-kanilang mga labi. "Good morning, mommy!" masayang masaya na bati sa akin ni Nell at talagang nakataas ang mga kamay niya. "Good morning..." rinig ko namang bati ni Archie sa gilid ko, nasa dibdib niya si Maisie na nakangiti. Tila tuwang tuwa din siya sa nangyayari. "Baby Maisie, your mommy is already awake. Greet her..." Dahil sa hindi pa marunong magsalita si Maisie ay tanging nagawa lang niya ay tumili. Hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil sa tatlong ito ay pinaganda na nila ang umaga ko. "Good morning din," Bahagya akong bumangon. Ipinasa ni Archie sa akin si baby Maisie saka ipinatong ko iyon sa aking kandungan. Binigyan ko ng halik ang dalawang bata pati na rin ang tatay nila. Isang linggo nang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Umalis na din ako sa trabaho ko bilang detective dahil gusto kong maging hands on mommy para kina Nell at Maisie, para na din hindi na masyadong mag-alala pa ang asawa ko dahil alam niya kung gaano kadelikado ang trabaho kong iyon. "Mommy! Nagluto daddy breakfast!" Nell said cheerfully. "Anong niluto ni daddy, hm?" malambing kong tanong. "'Melet! Let's eat! Let's eat!" dagdag pa niya habang nagtatalon sa ibabaw ng kama. "Gutom na po 'ko!" sabay turo niya sa kaniyang tyan. Naunang bumangon si Archie. Kinawayan niya si Nell upang makalapit sa kaniya. Binuhat niya si Nell habang ako naman ay binuhat si Maisie. Sabay kaming lumabas ng kuwarto. Patuloy ang pag-iingay ni Nell dahil sa excitement. Minsan pa nga ay naglalaro silang dalawa ni Archie. Nang makarating na kami sa Dining Area ay agad pinupo ni Archie si Nell sa high chair. Pinahawak ko muna sa kaniya si Maisie para pagsilbihan ko ang mag-aama ko. Nilagyan ko ng pagkain ang tray ni Nell na sakto lang sa kaniya at madaling ubusin. Kay Maisie naman ay gatas palang. Sayang lang dahil hindi siya makapagbreastfeed sa akin. Pero naghahanap kami talaga ang gatas na product talaga ng breastfeed. "May meeting pala kayo ni Lloyd mamaya, ano?" bigla kong tanong sa kaniya habang nakain. "Yep. Major client din ang mamimeet namin mamaya." sagot niya pero nagawa pa rin niyang bantayan si Nell habang ito'y kumakain. Baka kasi natatapon na ang mga pagkain. "How about you? Dito ka lang? Wala ka bang lakad? I'll leave some money and take it with you." "Naku, dito lang ako sa bahay. Babantayan ko ang mga bata." Pansin ko na bigla siyang tumahimik. "May problema ba?" nagtataka kong tanong. Ngumuso siya. "I'm just wondering, may nabuo na kaya?" Pakurap-kurap ako, tila pinoproseso ko pa ang mga pinagsasabi niya. Nang napagtanto ko ang ibig niyang sabihin, ay mahina kong tinampal ang kaniyang braso. "Archie naman, may mga batang makakarinig." Aba'y ang siraulo, tinawanan lang ako! _ Pagkatapos namin kumain ay ang kasambahay ang naghugas ng pinagkainan namin. Iniwan ko muna sa salas sina Nell at Maisie. Nanonood ng cartoons si Nell habang si Maisie ay nasa baby rocking chair, sinasamahan ang kaniyang ate sa panonood. Thankful naman ako dahil hindi gaano bugnutin ang magkapatid. Gumagana lang naman ang tantrums nila kapag inaantok at ginugutom na sila. Nasa shower ngayon si Archie, ako naman ay inihanda ko ang kaniyang damit na karaniwan niyang sinusuot sa tuwing may pasok siya sa opisina. Nakatira kami ngayon sa isang condo unit, regalos sa amin ang mga pinsan niya para sa amin. Gamitin daw namin ito habang hindi pa raw maayos sina Archie pati ni Madame Eufemia. Hindi pa rin mawala sa sistema ko na baka tuluyan nang itinakwil ni Madame Eufemia ang apo niya. Nakaramdam ako ng guilty sa tuwing sumasagi sa isipan ko iyon. Ramdam ko nalang na biglang may yumapos sa aking bewang na dahilan para manumbalik ang ulirat ko. Bumaling ako sa aking gilid nang napagtanto kong tapos na pala sa pagligo ang asawa ko. "Malalim ang iniisip mo. May problema ba?" masuyo niyang tanong. "Archie," mahina kong tawag sa kaniya. "Hmm?" "Ayaw mo pa rin ba makipag-ayos sa ahma mo?" tanong ko. "Gusto ko naman. May kailangan pa akong gawin bago ko siya harapin." Humarap ako sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin. "Anong ibig mong sabihin na may kailangan ka pang gawin?" Hinawi niya ang takas kong buhok saka isinabit niya iyon sa aking tainga. Matamis siyang ngumiti. "Malalaman mo din. Sabay tayong haharap sa kaniya." Huminga ako nang malalim. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Ayokong isipin sa akin ng mga kamag-anakan mo na masamang impluwesya ako sa iyo, Archie." "I assure you, hindi nila iisipin iyon." then he give me a peck on my lips. "I love you, sexy." Lumapad ang ngiti ko. "I love you too." _ Nang nakapaghanda na para pumasok si Archie ay nagpaalam na muna siya sa mga bata. Isa-isa niyang hinalikan ang mga iyon. Nagtanong din siya kung ano ang gustong pasalubong ni Nell pati na din sa akin. Tumanggi na ako pero masyadong makulit ang mister ko kaya ang ending nalang ay sinabi ko na siya na ang bahala kung ano ang ibibigay niya. "Take care, daddy!" malakas na pagkasabi ni Nell na may kasama pang kaway. "Yes, princess, I will." aniya saka bumaling sa akin. Hinalikan niya ako na may kasamang kindat pa ang ginawa niya! "See you later, my queen. Uuwi ako nang maaga." Ngiti lang ang tanging magawa ko dahil wala akong masabi sa kaniya. Basta ang alam ko, may ginagawa na naman siya para magwala na naman ang mga nilalang sa aking tyan kasabay na bumilis ang t***k ng aking puso. Hinatid lang namin siya ng tingin hanggang sa nakapasok na siya sa elevator. "Let's go inside na," aya ko kay Nell. Sumunod siya sa akin. Pinauna ko siyang pumasok at sumunod ako. Ako na rin nagsara ng pinto. Pinaliguan ko muna si Nell, pagkatapos ay si Maisie na. Pinatulog ko din ito pagkatapos dahil alam kong maaga siyang nagising kanina o hindi kaya ginising siya ng tatay niya! Nakikita ko na din ang kakulitang taglay ni Archie lalo na't sa amin na nakatira ang magkapatid. Ang buong akala ko talaga hindi mahilig sa bata ang tulad ni Archie dahil kilala ko na ang tulad niya ay masyadong seryoso, 'yung tipong hindi siya makakatagal sa kakulitan ng mga bata sa paligid niya pero nag-iba ang tingin ko. Bumaliktad ang paniniwala kong ganoon. Hinahaplos ang puso ko sa tuwing nadadatnan ko siya na tratuhin niya ang magkapatid na parang tunay niyang mga anak. Alam kong ginagawa niya din ang lahat para maging mabuting ama para sa kanila. Habang nasa kuwarto ako nina Nell para patulugin sila ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Bumangon ako nang kaunti at sinilip ko iyon. Kumunot ang noo ko nang numero lang ang nakasulat sa screen. Umalis ako sa kama at dumiretso ako sa mismong kuwarto namin ni Archie dahil baka magising ang mga bata. Hindi ko alam kung ano ba ang nag-udyok sa akin para sagutin iyon. "Hello?" "Ito ba si Jaycelle Cepeda?" boses ng isang lalaki ang bumungad sa akin sa kabilang linya. "Ito nga... Sino po sila?" "Makikilala mo din ako sa oras na magkikita tayo. Pwede ba tayong magkita ngayon?" Hindi ako agad nakapagsalita. Sino ba siya para kitain ko? "Malinis ang intensyon ko. Sasabihin ko ang nalalaman ko tungkol sa pagkamatay ng lolo mo..." dagdag pa niya. Nang marinig ko iyon ay parang tumigil ang mundo ko saglit. Sinisink in ko pa kung dapat ay paniwalaan ko ba? Pero bihira lang sa mga kakilala ko tungkol doon. Kahit ang mga Hochengco ay alam din ang nakaraan ko. "M-may kapalit ba ito?" mahina kong tanong. Pilit kong maging matatag. "Ang tanging kapalit lang nito ay malinisan ang konsensya ko." Huminga ako nang malalim. "Ibigay mo sa akin ang address kung saan kita kikitain at kung anong oras." "Sige, walang problema." Ako an ang mismong nagbaba ng tawag. Dumapo ang tingin ko sa sahig at napaupo sa gilid ng kama. Ramdam ko nalang ang pagbilis ng kabog nga king dibdib. Napasapo ako doon. Naputol din iyon nang pag-iisip ko nang muli nagvibrate ang cellphone ko. Isang text message mula sa estrangero na tumawag sa akin kanina. Nakasaad sa text message ang lugar at oras nang pagkikita namin. Agad akong kumilos. Naligo at nagbihis. Bago man ako umalis ay nagbilin ako sa kasambahay na bantayan niya nang mabuti ang mga bata. Nagpaalam din ako na babalik ako agad. Nag-iwan din ako ng text message kay Archie na aalis ako saglit. Sinabi ko sa kaniya na biglaan lang ang lakad ko. Hindi na ako naghintay pa ng kaniyang sagot. _ Tumigil ang taxi sa harap ng isang restaurant. Nagbigay ako ng bayad pagkatapos ay nagmamadali na akong pumasok sa loob. Hinahanap ng mga mata ko ang lalaking nakausap ko kanina. Pero nahagip ng aking paningin ang isang lalaking pamilyar sa akin. Hindi ako sigurado pero alam kong nakita ko na siya, noon pa. Kusang gumalaw ang mga paa ko palapit sa lalaki. Dahan-dahan akong umupo ngunit sinusuri ng mga mata ko ang kaniyang mukha. Ngumiti siya sa akin. Punong-puno ng sinseridad sa kaniyang ngiti. "Kamusta ka na, Senyorita Jaycelle?" iyon ang naging bati niya sa akin. Umawang ang bibig ko nang napagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. "I-Inspector..." mahina kong sambit. Kung hindi ako nagkamali, siya ang pumunta sa Hacienda de Cepeda noong bata palang ako. Siya ang humawak sa kaso ni Lolo Igor. "A-anong ibig sabihin... Nito?" "Ayaw mo bang kumain muna—" "Nangako ako sa asawa ko na sasaglit lang sa ako sa labas. Naghihintay din sa akin ang mga anak namin sa bahay. Kaya mas okay sana kung sabihin mo agad sa akin ang mga nalalaman mo sa insidente noon." tatagan mo ang loob mo, Jaycelle. Kayanin mo kung anuman ang sasabihin niya. Kung ano ang totoong nangyari. Bago man siya sumagot ay huminga isya ng malalim. "Totoong naambush ang lolo mo... At walang kinalaman ang mga Hochengco sa pagkamatay niya." A-ano...? "Sarili mong kadugo ang pumatay sa lolo mo, Senyorita Jaycelle. Alam kong may pagkakamali ako dahil kailangan ko din ng pera ng mga panahon na iyon. May sakit ang anak ko pero ngayon ko lang napagtanto na isa akong malaking hangal pero hindi rin ako masisisi..." nanginginig na ang kaniyang boses. "Binayaran niya ako kapalit nang pananahimik ko..." "S-sino? Sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Lolo?" garalgal kong tanong. Yumuko siya. "Ang tita Vera mo. S-siya ang utak ng pagkamatay kay Don Igor..." Biglang kumulog saka bumuhos ang malakas na ulan. Bigla rin akong nanghina sa aking narinig. Kasabay na pagpiga sa aking puso. Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaluha. "Dahil nalaman niya na wala siyang makukuhang parte ng mana maski ang anak niya ay wala din makukuha. Dahil ikaw ang tanging tagapagmana ng Lolo mo, Senyorita. Ikaw mismo ang itinuturong sasalo ng lahat ng ari-arian na mayroon kayo. Pati na din ang kumpanya na matagal nang pinaghihirapan ng mga ninuno mo... Dahil sa paslit ka pa ng mga panahon na iyon... Doon nakakuha ng pagkakataon si Vera para patayin ang Don." Parang hindi ko na kayang sikmurahan pa ang mga nalaman ko. Anak ni Lolo Igor si tita Vera... Papaano nagawa ni tita Vera na ipapatay ang sarili niyang ama? Dahil lang ba sa mana? Dahil sa wala man lang siya nakuha doon? Walang sabi akong tumayo. Humakbang ako palayo sa kaniya. Mas maigi pa na ganito nalang ang gawin ko dahil baka ano pa ang magawa ko sa kaniya. Hangga't kaya ko pa, makokontrol ko pa ang sarili ko. Lumabas ako sa restaurant ay patuloy pa rin ang pagbuhok ng ulan. Halos hindi na rin malinaw ang aking paningin dahil din sa walang tigil na pagtulo ng aking mga luha. Pinili kong sumugod sa ulan, kahit wala akong dalang payong at shoulder bag lang ang dala ko ay iyon ang ginawa kong payong. Napadpad ako sa crossline road. Nabablangko ang utak ko... Hindi ko alam kung saan ako pupunta... Kung didiretso na ba ako ng uwi. Ni wala na akong pakialam sa paligid ko. Sige pa rin ang paglalakad ko pero napatigil lang ako nang may narinig akong busina. Tumingin ako sa gilid ko. Papalapit nang papalapit sa akin ang sasakyan. Bago man ako makakilos ay huli na. I rolled on to it's hood, smashing into the windshield. Lalo na't natamaan ang ulo ko doon. I was thrown into the road in front of crowds of people. Nakatitig ako sa kalangitan na patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. May naririnig akong sigaw at tili sa paligid pero unti-unti iyon nawawala... "Tumawag kayo ng ambulasya!" rinig ko mula sa babae. "Bilisan ninyo!" Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Pero isang tao ang sumagi sa isipan ko... "Archie..." tawag ko sa kaniya na walang boses. Tuluyan nang nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa naging itim nalang iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD