chapter twelve

2027 Words
Dahil sa nangyari ay inaasahan na namin na tawagan kami ni Madame Eufemia through video call. Kumpul-kumpulan na kami dito sa malawak na salas ng mansyon. Hindi pa man hinihingi ng Grande Martriarch ang panig nina Laraya at Tarrah ay inunahan na sila ni Alisha. Nagsumbong na ito sa kaniya. "Laraya, ano ba talaga ang nangyari?" mahinahon na tanong ni Madame. Kumawala ng isang malalim na buntong-hininga si Laraya. "Nilait ng babaeng iyan ang luto namin ni Tarrah. Seriously, natikman mo na din ang luto namin, ni minsan ay wala kaming narinig mula sa iyo na may mali. Kaya, hindi namin matanggap na mula sa babaeng iyan, magagawa niyang laitin ang luto ko!" inis na inis na paliwanag ni Laraya sa Grande Martriarch. Si Madame naman ngayon ang kumawala ng isang malalim ba buntong-hininga. "Yes, walang mali sa luto ninyong dalawa, pero huwag ninyo naman sanang—" "Ituloy mo lang, Madame, iisipin na talaga naming bias ka." may halong diing sambit ni Laraya. Hindi agad nakapagsalita si Madame, sa halip ay pumikit siya ng mariin at muling kumawala ng isang malalim na buntong-hininga. Marahan siyang dumilat at ngumiti. "Wala akong pinapanigan... Napapaisip lang ako kung sakaling may masabi si Mrs. Tamayo tungkol sa ginawa ninyo sa kaniyang anak." "I don't care." inis na bulong ni Laraya sa aking tabi. "Alisha, huwag mo nang ulitin iyon dahil hindi mo kilala ang pamilyang ito." Kinagat ni Alisha ang kaniyang labi. May bahid na pagkainis na sa tingin niya ay hindi pumabor sa kaniya ang Grande Matriarch. _ Pagkatapos naming kausapin si Madame Eufemia ay isa-isa na kaming umalis sa Salas. Nahagip ng mga mata ko si Archie na nakabusangot ang mukha habang nakadikit sa kaniya ang pinsan ko. Gustuhin man niyang kumawala doon ay hindi niya magawa. Pabalik na ako sa kuwarto para magpahinga o kaya mag-iisip kung ano ang pwedeng gawin dito sa mansyon ay siya naman na hinabol ako ni Lloyd. "Jaycelle!" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya. "Lloyd..." Ngumiti siya nang matamis sa akin. "Can I talk to you?" Lumunok ako. Kung sasama ba ako sa kaniya o hindi, dahil iniisip ko si Archie na baka magalit. Pero, may parte na panatag ako kung sakaling sasama ako sa kaniya. "Hindi naman tayo magtatagal, hindi ba?" tanong ko. Tumango siya bilang tugon. "Saglit na saglit lang naman. So, okay lang ba?" Sa huli ay pumayag ako. Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami mag-uusap ni Lloyd. Sa Garden ng mansyon. Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigildin ako. Nakatitig lang sa kaniya kahit na nakatalikod pa siya sa akin. "Jaycelle," ramdam ko na mas sumeryoso ang boses niya nang tawagin niya ang pangalan ko. Humarap siya sa akin na mas sumeryoso ang kaniyang mukha. "Tell me, may relasyon ba kayong dalawa ni Archie?" Parang umurong ang dila ko sa tanong niiyang iyon. Gustuhin ko man sagutin ang tanohg niyang iyon ay pakiramdam ko ay may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Pero ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso. "L-Lloyd..." ang tanging nasambit ko. "I just wanna know the truth, Jaycelle." Buong tapang ko siyang tiningan nang diretso sa kaniyang mga mata. Kinuyom ko ang aking mga kamao. "O-oo..." Ilang segundo pa ay wala akong makuhang salita mula sa kaniya. "Gusto mo siya, pero ikakasal na siya kay Alisha." aniya. "Alam ko." nanghihina kong wika sabay bumaba ang tingin ko. Dumapo iyon sa damuhan. Ramdam ko ang paglapit pa niya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Muli ako napatingin sa kaniya na may halong gulat. "L-Lloyd..." "Kaya kong higitan ang pagmamahal na binibigay niya sa iyo, Jaycelle." may bakas na pagsusumao sa kaniyang boses nang sabihin niya ang mga bagay na iyon. "Basta sa akin ka lang tumingin. I admit, nahalata ko lang iyon kanina." Hindi ko magawang sumagot. Gustuhin ko man sabihin, mas minamahal si Archie pero may parte na ayaw ko siyang masaktan pero ayaw ko din na umasa siya. "Jaycelle, sa oras nang engagement natin, hindi mo na ito pwedeng talikuran, lalo na sa harap ito ng Grande Matriarch." Alam ko... Ayaw kong madismaya nang sobra sa akin si Madame Eufemia dahil malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Na napunta na sa punto na halos kaligayahan ko ay kaya kong isugal pero, mas inaalala ko si Archie. Ayokong masaktan siya nang sobra nang dahil sa akin. Ayokong bitawan ang pinakamamahal ko at si Archie iyon. Ang lalaking iniingatan ako nang sobra buhat noong mga bata palang kami hanggang ngayon. Ang lalaking may lihim nang pagmamahal sa akin na ngayon ko lang napagtanto iyon. "Pero, mahal ko si Archie..." kusang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. "Kahit masakit ang katotohanan na ikakasal na siya sa iba..." Nakatitig lang siya sa akin. "Hindi ako susuko." may diin niyang sabi. "Hindi ko pa naibigay ang lahat para mapatunayan ko ang sarili ko sa iyo, Jaycelle. Kahit na masakit din na sinabi mo sa akin na siya ang mahal mo kahit sa akin ka ipapakasal." walang sabi na niyakap niya ako na dahilan para ikalaki ang mga mata ko. "Sa engagement party, papatunayan ko ang sarili ko sa iyo." Dahan-dahan kong itinulak si Lloyd. Malungkot ko siyang tiningan bago ko man siya talikuran. __ Mabilis ang mga araw na nagdaan. Tamad na tamad ako. Ayaw ko pang bumangon. Nanatili lang akong nakipagtitigan sa kisame ng kuwarto ko. Maya-maya din ay dadating na ang mga bisita para masaksihan ang double engagement party. Marahan akong bumangon at umalis sa kama. Niyakap ko ang aking sarili nang daluhin ko ang bintana. Hinawi ko nang kaunti ang kurtina para sumilip sa labas. Abala ang mga tao dito, maski ang mga tauhan sa Haciendang ito ay mga abala sa pag-aayos. Kahit ang ibang magpipinsan ay tumutulong sa paghahanda. Hindi ko rin mahagilap si Archie. Minsan, napapaisip ako kung nakita niya ba ang pagyakap sa akin ni Lloyd noong nakaraang araw? Nagalit ba siya? Iniiwasan ba niya ako? Mas pinipili na niya siguro si Alisha bilang asawa niya. Napasapo ako sa aking dibdib nang sumagi sa isipan ko ang mga tanong na iyon. Pinipigilan ko ang sarili kong mapaluha. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto. Nilingon ko iyon na siya naman ang pagbukas nito. Tumambad sa akin sina Fae, Pasha at Tarrah. "Kailangan mo nang maghanda, Jaycelle." nakangiting sabi ni Fae habang papalapit sila sa akin. "Parating na din daw sina ahma." Gusto kong itanong kung nakita ba nila si Archie noong mga nakaraan dahil bigla nalang ito hindi nagparamdam sa akin. "Pabalik na din si ahia Archie dito." dugtong pa ni Fae. Awang ang bibig ko nang tumingin ako sa kanila. I can't able to say any words. Satisfiy naman ako sa nalaman kong kasagutan na matagal nang bumabagabag sa aking isipan pero hindi pa rin mawala ang kaba at pag-alala sa aking sistema. Pinapanood ko lang kung papaano inihanda nina Fae, Pasha at Tarrah ang mga damit na susuotin ko para sa engagement party. Pulang broadway dress na itinerno sa pulang sapatos. Ang mga accessories naman ay yari sa diamond at silver ang mga iyon. Naligo at sila na ang nagbihis pati na rin sa pag-aayos sa akin. Tahimik at malungkot akong nakaharap sa dresser. Pero napapansin ko na parang tahimik din silang tatlo habang inaayusan nila ako. "Huwag kang malungkot, Jaycelle." nakangiting sabi ni Pasha, nakatingin siya sa akin sa pamamagitan ng repleksyon ng salamin. "Engagement palang naman, hindi pa kasal." "Yeah, she's right." segunda pa ni Tarrah na nakahalukipkip pero may ngiti sa kaniyang mga labi. "This is just for a fomality." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanila. Kahit papaano ay nagawa pa rin nila ako pagaanin ang kalooban ko. __ Sumapit na ang oras. Agad kaming ipinatawag para bumaba na. Tumayo na ako't naglakad na palabas ng aking silid ay bumungad sa akin si Lloyd na naka-three-piece-suit. Nakatayo sa tabi ng hagdan na tila hinihintay niya ang pagdating ko. Maayos din ang kaniyang buhok, tumingkad ang spanish features niya. Nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. Wala akong magawa kungdi tanggapin iyon. Ipinatong niya ang aking palad sa kaniyang braso habang pababa na kami nang namataan ko si Archie na seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingala sa amin. Nakahawak sa kaniya si Alisha na masama ngayon ang tingin sa akin. Agad kong binawi ang aking tingin dahil hindi ko kayang makita silang dalawa na magkadikit. Parang may tumutusok na isang matalim na bagay sa parte ng aking puso. "Ang ganda mo, Jaycelle!" bulalas ni Laraya nang tagumpay na kaming nakababa. "Salamat," tugon ko na may pilit pa ring ngiti. "Let's go, naghihintay na sila sa Garden." aya ni Kalous na malapit lang sa amin. Ewan ko ba, hindi ako komportable sa sitwasyon ngayon. Dahil ba sa nakokonsensya ako na baka nga tama nga ang iniisip ko na galit nga sa akin si Archie na inaakala niya na may relasyon na kaming dalawa ni Lloyd kahit wala naman? Mahal kita, Archie. Kung mabigyan lang ako nagpapakataon na sabihin kung ano ang gusto ko. Kung ano ang pinakahinihiling ko, bukod sa katarungan para sa lolo ko... Na sana si Archie nalang ang ipapakasal sa akin. Dahil siya lang ang mamahalin ko nang ganito. Kung mabibigyan lang ako ng lakas ng loob para ipaglaban ko din siya. "Oh, there you are!" Tumigil kami sa paglalakad ni Lloyd nang marinig namin ang boses ni Madame Eufemia. Nasa likuran ni Madame ang iilan sa mga anak niya. Halos mamutla ako nang makita si tita Vera na malapad ang ngisi sa akin, kasabay silang palapt sa aming direksyon. s**t, anong gagawin ko ngayon...? "Mommy! Daddy!" bulalas ni Alisha sabay lapit sa kaniyang mga magulang para bigyan niya ito ng yakap. "Oh, Jaycelle! You're stunning!" bulalas na papuri sa akin ni Madame. "T-thank you, Madame." "And so you are, Alisha!" sabay baling niya sa pinsan ko. "Thank you, ahma..." she answered with her high-pitched voice, hindi ko malaman kung may halong landi ang boses niyang iyon o ano. "We should get started." May mahabang mesa sa may stage. Apat ang upuan para sa aming apat nina Lloyd, Archie at Alisha. Si Lloyd ang humila ng upuan para sa akin at inalalayan niya akong makaupo. Si Archie naman ay wala siyang pakialam kay Alisha. Hindi man lang niyang tinulungan na makaupo ang fiancee niya. Ilang minuto din ay nag-umpisa na ang seremonyas. Nauna ang family greetings and speech. Nakapagtataka lang kung bakit wala ang family ni Lloyd. Habang sina tita Vera at ang asawa nito ay nasa gilid lang, nakangiting nanonood sa amin. Nagbigay din ng speech si Madame Eufemia. She announced about the merging of companies... Na dahilan para bumigat ang kalooban ko. Pagkatapos namin kumain pati na din ng exchanging of toast, inaaya kami na sumayaw sa nagsisilbing dance floor. Dahil si Lloyd ang fiancé ko, siya ang partner ko. Ganoon din sina Archie at Alisha. Hindi ko na sila kayang tingnan... Hindi ko na kayang tumagal sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "Are you okay, Jaycelle?" nag-alalang tanong ni Lloyd sa akin habang nasa gitna pa kami ng sayaw. Tipid akong ngumiti. "O-oo naman." "Alam kong nalulungkot ka," hindi na niya natuloy ang susunod niyang sasabihin dahil biglang tumigil ang musika sa paligid. Mas nagtataka ako kung bakit biglang bumitaw sa akin si Lloyd. Nanlalaki ang mga mata ko kasabay na napasapo sa aking bibig dahil sa susunod niyang ginawa. He kneel before me! Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao na nasa paligid namin. May inilabas pa siyang maliit na kahon pagkatapos ay binuksan niya iyon para makita ko ang nilalaman n'on. "Gusto kong ako ang dahilan para ngumiti ka palagi, Jaycelle. Will you... marry me?" Lihim ko kinagat ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita but I heard a footsteps. Tiningnan ko kung saan nanggagaling iyon. Si Archie! Seryoso ang kaniyang mukha. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa amin. "How about... this?" may inilabas din siyang maliit na kahon. Mas lalo akong nagulat sa kaniyang ginawa. Lumuhod din siya sa harap ko! "Your existence in my life gives a heavenly feeling, Jay. Because of that, I want to spend my whole life with you. Marry me, I will give you everything even my last name. I want to be your husband so bad, sexy." Sa eksenang ito, hindi ko mapigilang mapaluha, parang sasabog na ang puso ko nang dahil sa iyo, Archilles Thymir Ho! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD