"Your existence in my life gives a heavenly feeling, Jay. Because of that, I want to spend my whole life with you. Marry me, I will give you everything even my last name. I want to be your husband so bad, sexy."
Nang marinig ko ang mga katagang iyon mula sa kaniya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha, kasabay ang pagpiga ng aking puso. Hindi ako makahinga dahil sa saya. Hindi ko alam pero, parang unti-unti nang nawawala ang mga taong nasa paligid namin hanggang sa tanging kaming dalawa nalang ang naririto sa lugar na ito.
Nanatiling nakatingala sa akin si Archie, inaabangan ang aking isasagot sa alok niyang kasal. Kusa kong inabot sa kaniya ang isang kamay ko upang tanggapin ang kaniyang alok. Kitang kita ko kung papaano umukit ang ngiti sa kaniyang mga labi na animo'y naging tagumpay siya sa isang malaking digmaan.
Agad siyang tumayo at marahan niyang isinuot sa akin ang singsing na hawak niya. Pinapanood ko kung papano dumadausdos ang singsing sa aking daliri pagkatapos ay nagkatitigan kaming dalawa. Alam kong masasaktan ko ng sobra si Lloyd pero ito na siguro ang masasabi kong tamang oras para ipakita ko sa kanilang lahat kung sino talaga ang mahal ko... Kung sino ang dahilan para tumibok nang mabilis ang aking puso.
"What's the meaning of this?!"
Tila nanumbalik ang ulirat ko nang marinig ko ang galit na boses ni Madame Eufemia. Ramdam ko ang pagpulupot ng isang braso ni Archie sa aking baywang. Napatingin kami sa direksyon ng Grande Matriarch, bakas sa kaniyang mukha ang galit, habang sina tita Vera, ang asawa niya na hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan, samantala ang pinsang kong si Alisha ay nag-iiyak ngayon.
"I need your explanation about this, Archilles!" the Grande Matriarch angrily demanded.
"Malinaw na si Jaycelle ang gusto kong pakasalan at hindi si Alisha, ahma." seryoso at buong-tapang na tugon ni Archie sa kaniyang lola.
"This is ridiculous." matigas na wika ni Madame Eufemia. Inikot niya ang kaniyang paningin sa paligid. May iilan sa mga bisita na nagbubulungan at naguguluhan sa kaganapan ngayon. Mas lumapit pa siya sa amin. "Hindi mo ba alam na isang malaking eskandalo ang ginawa mo ngayong gabi, Archilles? Ninyong dalawa? How could you..." halos pabulong na iyon pero mas diniinan niya ang mga binitawan niyang salita.
"For me, it's not." naging matigas na din ang sambit ni Archie.
"Walang hiya kaaaa!" boses ni tita Vera sabay sugod sa amin. Nagawa niyang hilahin ang buhok ko. "Wala kang pinagkaiba sa ina mo, walang kwenta! Mas inuuna ang sarili kaysa sa iba! Magsama kayo ng mga magulang mo! Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang pagiging salot mo sa pamilyang ito!"
Kahit masakit ay pinipigilan ko ang sarili kong lumaban. Gustuhin ko man umiyak ay hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko nalang na tanggapin ang p*******t sa akin ng sarili kong kadugo na dapat ay pinoprotektahan pa ako.
"Jaycelle!" tawag sa akin ni Archie.
Ramdam ko nalang na tumigil ang p*******t sa akin ni tita Vera. Agad kong idinilat ang mga mata ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong hawak-hawak na ako ngayon nina Naya at Pasha, inaalalayan nila akong makatayo ng maayos.
"Sinong may sabi sa iyong saktan mo si Jaycelle, huh?" rinig kong boses ni Laraya.
"At sino ka naman, ha?" bulyaw ni tita kina Laraya at Tarrah.
"You don't need to know." tamad na sagot ni Tarrah, hinihipan ang kaniyang mga kuko. "Lara, huwag ka na magtaka, kung ano ang ugat, siya din ang bunga."
"So, kayong dalawa... Pinagtulungan ninyo ang anak ko?!"
Tumalikwas ang isang kilay ni Tarrah. "So what? She's acting stupid. Ang bango kasi ng bunganga. There's a saying silence is gold but duct tape is a silver. Well... Pinatahimik lang namin siya. Mabuti nga't hindi iyan ang inabot niya." may bahid na sarkastiko nitong sabi.
"How dare you..." nanggagalaiting sabi ni tita. Akmang sasampalin niya si Tarrah pero nahuli ang kamay nito. Nang tingnan niya kung sino ang humawak ng kamay niya at tumambad sa kaniya ang galit na mukha ni Kalous.
"Be careful in your actions, madame. Asawa ko ang kaharap mo. Kahit ako, hinding hindi ko magawang pagbuhatan ng kamay iyan. Sa oras na dumapo ang palad mo sa balat niya, magkita-kita nalang tayo sa presinto." matigas na usal ni Kalous.
Matigas na binawi ni tita Vera ang kaniyang kamay mula sa pagkahawak ni Kalous. Hinawakan niya si Alisha. "Let's go."
"Pero, mama... Si Archie..."
"Manahimik ka, Alisha. Sumunod ka nalang!" saka kinaladkad niya ang anak niya palabas dito sa hardin ng mansyon. Sumunod na din ang iba pa nilang kasama, especially bodyguards.
Hinahanap ko din si Lloyd pero wala na siya dito. Ibinalik ko ang aking tingin sa direksyon nina Madame Eufemia at Archie, mas mainit ang paghaharap nilang dalawa na dahilan para kabahan ako ng sobra.
"Kahit anong gusto ninyo na may kinalaman sa ipapakasal mo ako sa iba, I'm sorry, hinding hindi ko gagawin iyon." matigas na wika ni Archie.
"Bakit si Jaycelle pa? Two of us are almost like brothers and sisters..."
"Pero hindi ganoon ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko lang ipinakita nang mas maaga dahil alam kong may mga prayoridad pa siya sa buhay. Lalo na't wala pa akong alam kung papaano ko ipaglalaban ang nararamdaman ko para sa kaniya... Kahit talikuran ko pa ang buhay na meron ako, basta makasama ko lang siya."
Napasinghap ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi mo, Archie?
"W-what..." naguguluhang sabi ng Grande Matriarch.
May dinukot si Archie mula sa loob ng kaniyang suit... Wallet at susi ng sasakyan. Lahat ng mga iyon ay itinapon niya sa sahig. Kahit ang mga pinsan, pamilya niya at kamag-anakan niya ay nagulat sa kaniyang ginawa!
"A-ahia..." nanginginig ang boses ni Fae nang tawagin siya nito.
"This is the way I can show how much I love Jaycelle, ahma. And this is my decision. Wala ka nang magagawa pa." tinalikuran niya si Madame at nilapitan ako. Hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming umalis palabas sa lugar na iyon.
"Archie..." sinubukan kong tawagin siya kahit na naglalakad kami. "Archie..."
Hindi niya ako magawang tingnan. Seryoso ang kaniyang mukha. Dire-diretso pa rin kami sa paglalakad hanggang sa nakalabas na kami ng mansyon.
Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpumiglas. Tagumpay niya akong nabitawan. Kunot-noo siyang humarap sa akin na may pagtataka.
"Archie, ano 'yon?" hindi ko mapigilang itanong. "Anong ginawa mo?"
"It's my decision, Jay."
"Kaya mong talikuran 'yon para lang sa akin? Seryoso ka ba d'yan?"
"Lahat para sa iyo, gagawin ko. Kahit pamilya ko ang kapalit."
Hindi ko alam pero hindi ko mapigilang mapaluha. "Pero... Ayokong humantong sa ganito, Archie... Nang dahil sa akin... Magawang mong talikuran sila..." nanginginig ang boses ko nang sabihin ko iyon. "Ayokong magalit sila sa akin nang tuluyan. Nang dahil sa akin, nasira ang lahat..."
Humakbang siya palapit sa akin. Dumapo ang mga maiinit niyang palad sa aking mga pisngi. Nagtama ang mga tingin namin. "Mas hindi ko kakayanin kapag inilayo ka sa akin, Jay. Kung mangyayari man 'yon, mas mabuti pang patayin nalang nila ako." then he lean his forehead into mine. "You mean everything to me, Jay. Basta manatili ka lang sa akin, at ako na ang bahala sa lahat."
Pumikit ako ng mariin. Mas bumuhos pa ang luha ko. Ramdam ko ang pagdampi ng kaniyang mga labi sa aking noo na dahilan para mas lalo ako maiyak.
__
Nagpalipas kami ng oras sa 7 Eleven hanggang sa mahimasmasan ako. Kakaunting pera lang ang dala ni Archie, hindi ako sigurado kung magkakasya ba iyon sa ilang araw para sa aming dalawa.
"Susunduin niya tayo." sabi niya.
Bumaling ako sa kaniya, nagtataka. "S-sino?"
Bago man niya sagutin ang tanong ko. Biglang may bumisina sa gilid namin. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang itim na Porsche na kotse, ang mas ikinagulat ko ay ang tao na nagmamaneho n'on! Lumabas ito mula sa sasakyan. Lumapit siya sa amin. Napukaw ng atensyon ko si Archie na biglaan itong tumayo at sinalubong ang bagong dating!
Ang mas malala pa ay nagfist bump pa ang dalawa sa harap ko!
"Sakto ang dating mo." sabi ni Archie sa kaniya.
"Mabuti nga hindi ako natunugan ng lola mo."
Tumingin ang dalawa sa akin. Punung-puno ng ang isipan ko ng mga katanungan. Ano, bakit, at papaano. Lahat gusto kong itanong pero hindi ko pa magawa dahil parin sa pagkagulat.
"Jay," tawag niya sa akin.
"Lloyd..." dahan-dahan akong umiling. "A-anong..."
"Mahirap i-explain sa ngayon. Pero mas mabuti pa kung manatili muna kayo sa resthouse ko." sabay inihagis niya ang susi kay Archie. "Layas na, marami pa akong gagawin sa kompanya."
"Thanks, I owe this to you." ani Archie sabay tapik sa balikat ni Lloyd.
Tumango lang ito. Bumaling siya sa akin at ngumiti.
Hinawakan ako ni Archie at inalalayan niya akong pumasok sa front seat ng sasakyan. Hinintay ko lang dito sa loob hanggang sa nakaupo na siya sa driver's seat. Samantalang si Lloyd ay nasa harap lang at nakapamulsang nakatingin sa amin, hindi maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nagawa pa niyang kumaway sa amin.
__
Hindi matahimik ang kalooban ko habang nasa byahe kami . Panay sulyap ko kay Archie na abala sa pagmamaneho.
"Sexy," tawag niya sa akin. "I know there's many questions in your mind. Spill..."
"Anong nangyayari, Archie? Bakit..."
"Sa umpisa palang, planado na ito, Jay." sagot niya.
Natigilan ako. Kumunot ang noo ko. "A-ano..."
"Alam kong plano ni ahma na ipagkasundo ako. Kinontak ko si Lloyd na kusang lumapit kay ahma para maging fiancé mo siya kahit alam kong mabubwisit lang ako dahil hindi maiiwasan na mahahawakan ka niya. Napag-usapan namin na dapat maging epektibo ang akting niya bilang fiancé mo. Kaya napapansin mo, wala ang magulang niya ngayon dahil nasa Barcelona ang mga ito."
"P-papaano ang pamilya mo—"
"I mean it." mabilis niyang tugon. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Sexy, I'm a businessman for nothing. Not only a CEO but also an investor. Nag-invest ako sa kompanya ni Lloyd bilang bayad sa akting niya which is good..."
"Archie..."
"Kahit na tinalikuran ko ang pamilya ko, still, I can provide everything you need, luxuries, comfort, name it... Because you are my queen, Jay... You are my Hochengco."