chapter eight

1738 Words
"CHEEEEERS!" Sabay kaming inangat ang mga shot glass pagkatapos ay nilagok namin 'yon. Pumikit ako ng mariin dahil sa pait ng alak. Personally, I am an occasionally drinker. Kahit na masasabing nakakastress ang trabaho ko, bihira pa rin ako nainom at hindi alak ang sagot sa mga pinoproblema ko. "Woooooh! Ang sarap talaga nitong ginawang alak ni Suther, oh!" malakas na pagkasabi ni Elene, nakaakbay sa kaniya si Flare. Nakasandal sa railings sina Harris, Vaughn, Vladimir at Archie. Napapagitnaan naman ako nina Carys at Nemesis. Medyo nasopresa nga ako dahil unang beses ko silang nakita na sumama sa ganitong lakad ng mga party goer ng mga Hochengco! I could describe the sisters are very innocent. Siguro dahil namana nila ang pagiging mahinhin nila kay Ma'm Victoria. "Here's your order," masiglang sabi ni Finlay nang inilapag niya ang mga pulutan sa mababang mesa. "Dig in." Unang kumuha si Kalous saka kinain iyon. Lumapad ang ngiti niya. "Hindi na talaga ako magtataka kung bakit hulog na hulog si Pasha sa iyo, dude. Sarap mo talaga magluto!" bulalas pa niya. Ngumisi lang si Finlay saka umupo na sa tabi ni Pasha. Dinampian niya ng isang mababaw na halik sa sentido. Dahil d'yan ay nagkungwaring nasusuka ang magpipinsan na lalaki, ang iba pa sa kanila ay pinagbabato ng chips si Finlay.. Natawa naman kami sa reaksyon nila. "Tumigil-tigil ka nga d'yan, Finn. Respeto naman sa bahay ni Archie!" natatawang sabi ni Kalous.  Finn shrugged. "Whatever." saka nagshot na din. "Nga pala, Archie." biglang nagsalita si Vlad. "Dito kami matutulog." bahid sa boses niya na nakapagdesisyon na, hindi humihingi ng pahintulot. Rinig ko ang pagmura ni Archie. Punong-puno iyon ng hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ng magpipinsan. Pero sa huli ay wala na din siya magawa. Dinaan nalang niya sa inom ang pagkainis niya. Nahagip ng mga mata ko sina Harris at Vaughn na naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha sila ng tig-isang stick saka sinindihan ang mga iyon. Tumingala si Vaughn para magbuga ng usok, samantalang si Harris ay tumigilid para hindi mapunta sa aming direksyon ang usok na binuga niya. Kasama ko sa Mansyon ng mga Hochengco sa Cavite sina Archie, Harris at Vaughn. Masasabi ko na kababata ko na sila buhat noong dinala ako sa lugar na 'yon ni Madame Eufemia. Hanggang sa pagdadalaga ko ay kasama ko pa rin sila. Foster brother ni Vlad si Harris, samantalang anak ni Sir Kyros si Vaughn sa ibang babae, na ang alam ko ay may ibang pamilya na din ang nanay ni Vaughn. Noong una ay hindi siya tanggap ng Grande Martriarch, pero sa huli ay itinuring na din siyang parte ng pamilya pero sa isang kondisyon—ipapakasal siya sa babaeng ipagkakasundo sa kaniya. Hindi nga ako makapaniwala na tinanggap ni Vaughn ang kondisyon na iyon dahil mas importante sa kaniya ang pamilya niya kaysa sa sarili niya. "Kapag hindi na tayo kasya sa mga kuwarto, ang iba, sa salas matutulog, kahit sa Kusina!" bulalas ni Tarrah nang matapos niyang lagukin ang alak na hawak niya. "Kamusta na pala ang mga anak ninyo?" tanong ko sa kanila. "Nakabantay naman ang mga yaya nila sa kanila kaya walang problema." nakangiting sagot ni Naya. "Minsan, dalaw ka sa bahay para naman makita ka ng inaanak mo. Miss na daw niya ang ninang niya." Nakakatuwang isipin, halos anak ng magpipinsan na ito, nagiging inaanak ko na. "Kayo ba ni Archie? Kailan ba kayo magkakaroon ng anak?" nakangising tanong ni Suther. Diretso nakatingin sa akin. Natigilan ako. Napalunok. Sumagi sa aking isipan ang kaganapan na hindi dapat nilang makita. s**t. Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko! "Suther, hindi mo pa rin ba nababalitaan na sa ibang lalaki ipapakasal si Jaycelle?" pormal na tanong ni Carys. Natigilan ang lahat. Parang umiba ang ihip nang hangin. Kung kanina, masaya at puro tawanan ang bumabalot dito, ngayon ay napalitan ng isang malaking tensyon. Hindi ko alam kung bakit umiba ang ekspresyon ng kani-kanilang mukha. Lalo na si Archie. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "Hindi pa naman sila kasal." biglang kumento ni Harris. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "May pag-asa pa 'yan." "I agree." segunda pa ni Vaughn sabay buga ng usok. Ngumisi siya sa akin. "Ang tanong lang naman doon, may pag-asa ba ang potential fiancé mo sa iyo, Jay?" Hindi agad ako makasagot sa mga tanong nila. Sa halip ay napangiwi lang ako. Umiwas ng tingin. "Anong gusto mo, Archie? Ipapatumba ko na ba ang lalaking iyon?" rinig kong tanong pa ni Vaughn. "Sabihin mo lang at ako na ang bahala doon." "Laban ko ito at lalaban ako ng patas." sagot sa kaniya ni Archie. Matik akong bumaling sa kaniya. Hindi ko lang inaasahan na nakapako sa akin ang mga tingin niya, tila inaabangan niya ang pagkakataon na ito. Sa lagay namin iyon, ay ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit hindi ko magawang tumanggi sa mga oras na kailangan kong tumanggi?! "Iyon naman pala!" malakas na pagkasabi ni Kalous, pumalapakpak pa. Tumayo siya, pati na din ang magpipinsan na lalaki. "Alam na ang gagawin!" Nilapitan ako nina Harris at Vaughn, taka ko silang tiningnan. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nila akong hinawakan sa magkabilang braso. Pilit kong magpumiglas pero bigo ako. Luging lugi ang lakas ko kumpara sa dalawang ito. Masyado silang malakas! Hindi lang ako ang ginaganito nila, kahit si Archie ay hinahawakan ng iba pa niyang pinsan! Mas lalo umingay sa paligid na parang akala mo ay may inaabangan silang pangyayari! Dinala nila kami sa master's bedroom! Pareho nila kaming hinagis sa kama. Hahabulin pa sana namin sila pero hindi ko na rin kinaya dahil sa tama ng alak. Huminga ako ng malalim. Napasapo sa aking ulo. Bumaling ako kay Archie na tahimik lang sa isang tabi. "Archie?" tawag ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "Jaycelle..." "Are you alright?" Tahimik siyang tumango. Bumuga siya ng isang malalim na buntong-hininga. Tumingala siya. "Sabi ko na nga ba, ito ang gagawin nila kaya sila pumunta dito." he said. Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Alam nilang lahat sikreto ko. Maliban kay ahma." "Sikreto?" "Yeah," bumaling siya sa akin at mapait na ngumiti. "They know that I like you." Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. "May... gusto ka sa... akin...?" mahina at hindi makapaniwalang tanong ko. Umalis siya mula sa pagkaupo niya't nilapitan niya ako. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin na kulang nalang ay hahalikan na niya ako! Kasabay na ipinatong niya ang magkabilang palad niya sa kuston ng kama... Sa magkabilang gilid ko! "Falling in love with you is the second best thing in my life, meeting you is the first, sexy..." namamaos niyang sambit. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Halos buong buhay ko nakasama si Archie, ngayon ko lang naranasan ito... Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Kasi, ang buong akala ko, walang malisya ang lahat na trato at ginagawa ni Archie para sa akin... "Hindi ako papayag na magpapakasal ka sa iba, Jaycelle.. Kung hindi man sa akin..." __ Pilit kong maging normal sa harap ni Archie buhat na inamin niya sa akin ang tungkol sa nararamadaman niya. Siguro dahil sa masyado lang akong nabigla ng gabing iyon kaya hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Pero hindi lang iyon ang iniisip ko. Nakakatanggap ako ng text message mula kay Lloyd. Kinakamusta niya ako at mismong sekretarya ni Madame Eufemia ang nagbigay ng numero ko sa kaniya para daw madali akong makontak. Kumbaga, part of knowing each other. Lalo na't siya ang lalaking papakasalan ko... Kahit ayoko naman talaga. Una palang talaga ay ayaw ko. Lalo na't hindi ko siya mahal. Pero, may kasabihan na pwede naman daw turuan ang puso para mahalin ang tao. Wala talaga, hindi ko magawa. Siguro ay dahil sa malaki ang utang na loob ko kay Madame Eufemia kaya hindi ko magawang tumanggi. Hindi ko maiwasang kumparahin siya kay Archie. Malayong-malayo ang nararamdaman ko para sa dalawa. Nagiging abnormal ako sa tuwing kaharap ko ang Hochengco na iyon. Tumigil ang sasakyan ni Archie sa tapat ng mansyon. Convoy lang kami sa iba pa niyang pinsan. Napagkasunduan din kasi namin na sabay na din kaming pumunta para hindi na mainip ang Grande Matriarch ng pamilya. Pinagbuksan ako ng pinto ng kasama ko. Nilahad pa niya ang kaniyang palad sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon hanggang sa tagumpay akong nakalabas sa kaniyang sasakyan. Pumasok na kami sa loob nang sinalubong kami ng mga kasambahay at ng mga tauhan ng Hacienda na parang pinaghandaan ang pagdating namin. "Finally! Narito na rin kayong lahat!" masigla at tuwang-tuwa na pagsalubong sa amin ni Madame Eufemia. Lahat kami ay nag-bow para pagbigay ng respeto sa kaniya. It's part of their traditions, I think. Pati na din ang mga asawa ng magpipinsan ay ganoon din ang ginawa. "Mas maganda nga na naririto na kayong lahat para hindi madelay ang anunsyo ko para inyo." dagdag pa ni Madame Eufemia, hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Nasa likuran lang niya ang mga magulang ng magpipinsan. Nakangiti sa aming pagdating. "Ano pong ibabalita ninyo, ahma?" si Fae ang unang nagtanong. "Aside Jaycelle's upcoming wedding, may isa pang hahabol para magpakasal at may magiging parte ng ating pamilya..." Napalunok ako nang wala sa oras. Bakit parang umiba ang kutob ko dito? "Please, give her a warm welcome, mga apo..." tumingala siya sa grand staircase. "Please come in, Ms. Tamayo." Lahat kami ay napatingin sa hagdan. May isang babae doon na tingin ko ay kasing edad ko lang na pababa ng hagdan. She looks elegant or classy, siguro dahil sa suot niya pati na din ng awra niya at ng kaniyang kilos. Her hair color is rosegold kaya mas lalo tumingkad ang kinis at puti ng kaniyang balat na parang gatas. Hanggang nasa harap na namin siya... Nakangiti ang babaeng tinatawag ni Madame Eufemia na Miss Tamayo. "Hi, Jaycelle. It's been a long time." bati niya sa akin. Huh? Kilala niya ako? How? Parang wala akong natatandaan... "Everyone, this is Mariyah Alisha Cepeda-Tamayo." Cepeda? "Yes, it's your cousin, Jaycelle. Anak siya ng tita Vera mo." si Madame Eufemia ang sumagot! Bumaling siya magpipinsan. "And she will be Archie's bride-to-be..." "W-What?!" may halong gulat at pag-aapila sa boses ni Archie. "Tama ang narinig mo, Archilles. She will be your bride. Ipagsasabay ko ang engagement ninyo sa engagement party nina Jaycelle at Lloyd..." hindi ko na masundan pa ang mga susunod na sinasabi ni Madame Eufemia. Parang nabablangko ang isipan ko. Maraming emosyon ang pumapasok sa aking sistema. Kinakabahan din ako dahil paniguradong magkukrus na naman ang mga landas namin ni tita Vera, ang tinuturing kong pamilya pero hindi ganoon ang tingin sa akin. Pero iisang pakiramdam ang nangingibabaw sa akin. Parang dahan-dahang hinihiwa ang puso ko sa mga nalaman ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD