Pagdating namin ng Ospital ay talaga nasabi sa akin ni Archie na inaasahan na talaga kami ng doktor na nakausap niya. Para na din matingnan na din si Nell. Una, ay sinuri niya ang braso ng bata. May parte na napapadaing si Nell, minsan ay umiimpit siya. Sunod ay pina-x-ray siya para mas lalo malaman ang tunay niyang kalagayan sa kaniyang braso.
"She has an avulsion fracture." pahayag ng doktor sa amin.
"Avulsion fracture?" ulit ko pa. "A-ano pong ibig ninyong sabihin?"
Bago man siya sumagot ay huminga siya ng malalim at sumandal sa kaniyang swivel chair. "In young children, like Nell, it's particulary common when an arm is twisted by force."
"Ibig sabihin, biktima siya ng pag-abuso?" hindi ko mapigilang itanong iyon.
Sumeryoso ang mukha niya. Si Archie naman ay nanatiling nakikinig sa usapan. Nasa kandungan siya si Nell, na abala naman ito sa paglalaro ng manika niya. "I can't say in certain, but, it's possible." malungkot siyang bumaling sa bata. "Not to mention, in her case, the bones haven't mended correctly causing the arm tilt inward, it's called a cubitus varus (buto). Mabuti nalang ay hindi ito nakakaapekto sa kaniyang pang-araw-araw niyang kalagayan. But it must feel slightly off, and the difference is plainly visible. She rrealizes that, despite her young age." paliwanag pa niya.
Hindi ko malaman ngunit, may kirot sa parte ng aking puso nang marinig ko ang mga sinasabi ng doktor. Malungkot akong tumingin kay Nell. Wala siyang kamuang-muang pero nararanasan na niya ang mga ganito. Kahit ako, noong bata palang ako ay nakaranasan na ako ng pang-aabuso sa kamay ng sarili kong tiyahin na si tita Vera. Sa katunayan pa nga ay mas mababaw pa 'yon, hindi katulad sa batang ito. Lalo na't nawawala siya.
"Anong treatment ang dapat para sa kaniya?" si Archie naman ang nagtanong.
"Most often, an avulsion fracture can be treated without surgery. Kahit sa mga kaedaran niya. Typically, includes resting and icing the affected area, followed by controlled exercises that help restore range of motion, improves muscle strength and promote bone healing. That's the best to treat an avulsion fracture."
Kahit papaano ay nakahinga din ako ng maluwag. Hindi na kailangan pang maglabas ng malaking halaga para mapagaling ang bata. Mabuti nalang talaga...
_
"Mukhang nakahinga ka din ng maluwag," puna ni Archie habang nasa sasakyan kami ngayon pabalik na sa condo. Nasabi din niya sa akin na naghihintay na doon ang on call maid na nahired niya. Sa gayon ay makakapagtrabaho na kami nang maayos.
"Maraming salamat talaga, Archie." sabi ko pa na nakangiti.
"Don't mention it. Talaga bang hahanapin mo ang magulang niya? Bakit hindi mo nalang ipagpa-utos sa mga katrabaho mo?"
Saglit akong hindi sumagot. May parte as akin na gusto kong ako mismo ang maghahanap sa mga magulang ni Nell kahit na wala kaming makuhang lead kung saan talaga ito nakatira. Kahit isa man lang, wala akong makuhang clue. But whatever it takes, hahanapin ko pa rin ang mga magulang niya. Mahirap na lumalaki ka na wala kang magulang. "Gusto kong ako ang maghahanap sa kanila."
Siya naman ang hindi makasagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa kalsada. Wala akong mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha kahit na nakaside view siya. Pero iisa lang ang alam ko, malalim na naman ang kaniyang iniisip. May tumatakbo na ideya sa kaniyang isipan.
_
Ilang saglit pa ay tumigil na kami sa harap ng gusali. Nadatnan namin na may nakatayong may-edad na babae sa may entrahada ng gusali. Tila nag-aabang ang pagdating na kung sino. Maliban sa guard na naroroon.
"Siya ang on call maid." sambit ni Archie.
Umaawang ang bibig ko. Pinagmasdan ko ang babae kahit na nasa loob palang kami ng kotse. Bumaling si Archie kay Nell.
"Little girl, papasok na kami ni ate Jaycelle. That woman will take care of you while we we're working. Is that alright?" malumanay na sambit niya sa bata.
"Archie, huwag mong i-englishin, baka hindi pa niya naiitindihan—"
"Okay po!" biglang sagot ni Nell na ikinagulat ko.
Ngumiti si Archie saka mahina niyang tinapik ang ulo ng bata. "Pakabait ka sa kaniya, hm?"
"Opo!" hindi nawawala ang sigla niya.
Ako na ang kusang bumaba at kinausap ko saglit ang on call maid. She's polite, all I can say. Sana lang talaga magkasundo silang dalawa. Ibinilin ko din sa kaniya tungkol sa kalagayan ni Nell. Sinabi ko rin sa kaniya kung anong dapat gawin tulad ng sinabi ng doktor na nakausap namin kanina.. Nagpaalam na din ako't bumalik na sa sasakyan ni Archie.
"So... We're only two of us." usal niya na nakangiti.
Taka ko siyang binalingan. "Ha?" parang nabingi ako doon.
Mas lalo lumapad ang ngiti niya. "Nothing, ihahatid na kita sa workplace mo." pagkatapos ay pinausad na niya ang kaniyang sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis sa gusali.
Tahimik kami habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano. Kung ano ang gagawin ko. Kaya ang ginawa ko nalang ay dumungaw ako sa window pane ng sasakyan pero bahagyang nanlaki ang mga mata ko na maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko! Agad ko siyang binalingan pero ang mas nakakapagtaka ay malapad nang nakangiti ang lalaking ito!
"A-Archie," tawag ko sa kaniya, walang kasiguraduhan kung pagsuway ba 'yon o ano.
"This is the only hand I want to hold, Jaycelle." bakas ang kaseryosohan sa kaniyang boses nang sambitin niya ang mga salita na 'yon.
I frozed. Dumapo ang tingin ko sa mga kamay namin. Ramdam ko ang mainit niyang palad pero bakit may gumagapang na kuryente sa katawan ko?! Ngayon ko lang naramdaman ito!
"Kahit anong mangyayari, hinding hindi kita bibitawan." he added.
"A-anong pinanggagawa mo? B-bakit nilalandi mo ako?" hindi ko mapigilang sabihin iyon.
Bumaling siya ng ilang segundo pero agad din niyang binawi iyon dahil nasa gitna kami ng daan. "I confessed earlier, right?"
Kumunot ang noo ko. Naguguluhan. "Hindi kita maitindihan..."
"Malinaw na may gusto ako sa iyo, Jaycelle. Kung may magiging kaagaw man ako sa iyo. Makikipaglaban ako kahit p*****n pa."
Ramdam ko nalang na parang kakapusin ako ng hininga!
_
Kahit na hinatid ako mismo ni Archie sa istasyon ay walang tigil ang pagkabog ng dibdib ko. Kaya taranta akong bumaba ng sasakyan niya. Nagmamadali akong lumayo sa kaniya dahil sa hindi na palagay ang sistema ko dahil sa mga pinanggagawa niya sa akin.
What's wrong with him? May gusto daw siya sa akin? Bakit ngayon... Ahhh! Huwag mo na nga isipin 'yon, Jaycelle! Hindi iyon ang priority mo. Alalahanin mo kung bakit nagtatrabaho ka sa mga Hochengco! Dahil kailangan mong malaman ang totoo! Kung may kinalaman sila sa pagpatay kay Lolo Igor! Kung totoo ba 'yung narinig ko noong pitong taong gulang palang ako!
Buntong-hininga akong pumasok sa loob ng presinto nang bigla akong sinalubong ni Galdulce. Tumigil ako sa paglalakad.
"Detective!" bati niya sa akin.
Ginawaran ko siya ng pagtatakang tingin. "Oh, bakit? May problema ba? May krimen ba?" sunud-sunod kong tanong.
Ngumisi siya nang nakakaloko. "May bisita ka po. Hindi mo pala sinabi na ikakasal ka na..."
Ikakasal na ako? Hindi naman ako magpapakasal, ah! Wait! Hindi kaya...
Nagmamadali akong pumasok. Natigilan lang ako nang nahagip ng mga mata ko ang bulto ng isang lalaki na nakatalikod sa akin, prenteng nakaupo sa upuan... Na nasa mesa ko. Ilang saglit pa ay lumingon siya sa amin. Agad siyang tumayo nang makita niya ako. Malapad siyang ngumiti. "Hi," masiglang bati niya.
"A-anong ginagawa mo dito?" sa halip 'yon pa ang lumabas sa bibig ko.
Sa suot niya ngayon, nakacorporate attire siya. Wala bang trabaho ito ngayon sa opisina niya?
"I'm here to pay some visit for my fiancee." marahan niyang tugon. May bahid na pagiging gentleman talaga ang isang ito kahit noong unang pagkikita namin. "Can I invite you for a coffee, my bride-to-be?"
Nakapameywang ako. Wala naman sigurong masama kung paunlakan ko ang imbitasyon niya.
_
Pormal akong nakaupo habang magkaharap kami ni Llyod Resendes. Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa akin which is a lil bit uncomfortable. Hindi ako sanay na ganoon ang titig sa akin ng ibang tao, lalo na't hindi pa kami matagal na magkakilala.
"Bakit ka pala nakabisita?" pormal kong tanong sa kaniya pero hindi ko magawang tumingin sa kaniya ng diretso sa kaniyang mga mata.
"If you are aware, we're getting married, Miss Jaycelle. This is one of my duties as your husband-to-be." hinawakan niya ang tasa ng kape at sumimsim doon. Ipinatong niya din sa mesa pagkatapos. "Alam kong nabigla ka din sa desisyon ng Grande Matriarch ng pamilya ninyo."
"At okay lang sa iyo ang ganitong set up?" sunod kong tanong.
I sincerely smiled. "I'm single and I'm fine with it. In fact, bago talaga kita nakita sa Blackbird, napag-aralan ko na ang background mo. As far as I remember, you are the grand daughter of Igor Cepeda, the late Don... And I'm so sorry for you lost." then he suddenly reached my hand. "Just give me a permission to enter in your life, I'm willing—" hindi na natuloy ang susunod na sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone ko!
Halos matalon naman ako sa gulat dahil doon. Napangiwi akong tumingin kay Lloyd. "Excuse me..." dinukot ko nag cellphone ko at sinilip kung sino ang tumatawag. Napaawang ang bibig ko nang mabasa ko ang pangalan ni Archie as a caller! Sinagot ko din 'yon. "Archie?"
"I thought you're already working, sexy. Hmm?" seryoso niyang bungad sa akin.
"A-anong..."
"I really hate to see someone's touching what's mine, Jaycelle." naging matigas niyang sambit.
"Archie..."
"Leave that place, Jaycelle. Leave him before I'm getting insane and kill that bastard."
Kinagat ko ang labi ko. Hinahanap ng mga mata ko si Archie. Malakas ang kutob kong nasa paligid lang siya!
"I am madly inlove with you, sexy. Yes, I'm selfish and I don't care. I just don't share you with other people like that asshole."