Sa hindi ko malaman na dahilan, ngayon lang ako kinilabutan sa mga sinabi ni Archie. Sa totoo lang kasi, alam kong seryoso siyang tao. Lalo na pagdating sa business. Alam din ng mga pinsan niya ang ugali niya. Pero may mga oras na din na kaya niyang makipagsabayan pagdating sa kalokohan. Lalo na kung ipagsasama silang apat nina Vladimir, Suther at Kalous/Kal. Pero, noong nasubaybayan ko na ang lovelife ng mga pasaway, hindi ko akalain na ganoon pala sila kaseryoso pagdating sa babae. And speaking of Keiran and Finlay, likas na talaga sa kanila ang kaseryosohan sa katawan.
"Jaycelle?"
Nanumbalik ang ulirat ko. Bumaling ako sa lalaking nasa gilid ko. s**t, narito pa si Lloyd!
"Sexy," rinig ko pa ang tawag sa akin ni Archie sa tawag. Damn it, ano bang nangyayari sa akin?! "Leave him, please."
"O-okay..." tanging sagot ko pagkatapos ay binaba ko na ang tawag. Lumipat ang tingin ko kay Lloyd na ngayon ay nakatingin sa akin na tila nagtataka sa kinikilos ko. "S-sorry, I forgot... May importante pala akong gagawin ngayon. Okay lang ba kung mauna na ako...?" pagpapalusot ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi. Mabilis din akong umalis sa harap niya hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng Coffee Shop.
Shocks, nakakahiya ang ipinakita kong trato kay Lloyd! Sana naman hindi niya mabanggit ito sa Grande Matriarch! Paniguradong masesermonan ako ng wala sa oras nito!
_
Sapo-sapo ako sa aking sentido habang patuloy pa rin ako gumagawa ng paraan para mahanap ang mga magulang ni Nell. Bakit kasi wala akong makuhang lead? Sa edad pa niya, paniguradong hindi pa ito nakapasok sa daycare o nag-uumpisang mag-aral...
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at tamad na sumandal sa swivel chair. Pinaglalaruan ko din ang hawak kong ballpen. Nagpakalat na din ako ng missing posters sa paligid. Nagbabakasakaling may makakakilala kay Nell o sa pamilya niya.
"Detective," tawag sa akin ni Galdulce na nasa harap ko na.
Tumingin ako sa kaniya. "Hmm?"
Bago man siya nagsalita, may ipinatong siyang folder sa desk ko. "May nakuha na kaming lead tungkol sa batang nadala namin dito. 'Yung nabalian ng braso?"
I got hyped when I heard the news. Tumuwid ako ng upo saka kinuha ang folder. Binuklat ko 'yon para mabasa ang nilalaman n'on. May litrato ni Nell kasama ng isang babaeng teenager. Kumunot ang noo ko. Tumingala ako kay Galdulce. "Sino ang nagpadala nito?" agaran kong tanong.
"Teenager po siya, Detecti—" hindi na natuloy ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo, kasabay na napahampas ako sa aking desk.
"Nasaan siya?" muli kong tanong.
"N-nasa lobby po..."
Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Agad kong dinaluhan ang lobby para makita ang babaeng nagpadala ng litrato. Siya na ang tanging pag-asa ko para masolusyunan ko ang pagkatao ni Nell!
Natigilan ako saglit nang makita ko ang tinutukoy ni Galdulce. Gulat ang iginawad na tingin sa akin ng teenager nang makita niya ako. Humakbang din ako palapit sa kaniya. "You know her?" walang paligoy-ligoy ko pang tanong sa teenager.
Lumunok siya 't tumango. "Opo, naging volunteer student po ako sa lugar nila—"
"Ibig sabihin, alam mo ang tunay niyang pangalan? Kung saan siya nakatira?"
Muli siyang tumango bilang tugon. "O-opo..."
Agad kong dinukot ang cellphone ko. Pinindot ko lang ang speed dial para kay Archie. Wala pang limang ring ay nasagot niya iyon.
"Yes?" bungad niya sa akin sa pamamagitan ng baritono niyang boses.
"Archie. May lead na ako kung nasaan ang bahay ni Nell. Kung sino ang mga magulang niya.... May gagawin ka ba ngayon? Any meetings or...?"
"I'm fine. Hm, you want me to take Nell there?"
"Yeah," I answered then I bite my thumb.
"Alright, hang on. Wait me there."
Ako na ang kusang nagputol ng tawag. Sa mga oras na ito ay parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib.
_
Pagbaba namin ng sasakyan ay isang bungalow style na bahay ang tumambad sa amin. Ang tanging kasama ko ay sina Archie, Nell, si Galdulce pati na din ang dalagita. Sinubukan naming kumatok sa pinto pero walang sumasagot. Mas lalo ako nagtataka...
"Mamaaaa!" malakas na tawag ni Nell sabay lapit sa pinto saka walang sabi na pinihit niya iyon. Papasok sana siya nang bigla ko siyang pinigilan dahil sa umaalingasaw na amoy!
Agad kong tinakpan ang aking ilong. Pamilyar sa akin ang amoy na ito... Ilang beses ko na nararanasan ito...
A smell of death...
Bumaling ako sa kanila... Hanggang sa seryoso akong tumingin sa teenager na babae na nagpapakilalang Ada. "Itago mo si Nell sa kuwarto." utos ko saka naglabas ako ng disposable gloves at sinuot ko iyon. Sumang-ayon si Ada, ang dalagita.
Nakasunod lang sa akin sina Archie habang sinusuyod namin ang buong kabahayan. Si Galdulce naman ay agad na tumawag sa hea quarters. Wala kaming makitang iba pang tao maliban sa bangkay... Isang babae... Nasisiguro kong nanay ito ni Nell. Nakadapa at naliligo sa sarili niyang dugo. Itinukod ko ang isa kong tuhod sa sahig habang sinusuri ko ang bangkay.
Parang may mali dito...
Una kong napansin ang sugat niya sa may bandang braso. May bahid ng dugo din ang kaniyang mga talampakan. Sunod kong iginala ng paningin ang buong paligid. May maliit na bintana dito sa Kusina. Imposibleng magkakasaya doon ang mga katulad ko at tanging mga bata na tulad ni Nell ang maaaring makakalusot doon. Ibig sabihin, iyon ang dahilan para makatakas si Nell, dahil sa mataas pa ito para sa bata, iyon din ang dahilan kung bakit siya nabalitaan ng braso na sa tingin ko ay tinulak siya ng kaniyang ina. May mga nakakalat na dugo din sa ibang parte ng kusina. Mas lalo na sa Kitchen base, na nasa teoriya ko, hinawakan niya iyon habang ito'y nahihingalo. Naniningkit ang mga mata ko nang nahagip ng mga mata ko ang isang bagay... Milk bottle.
"There's another one." rinig ko mula kay Archie.
Umaawang ang bibig ko. Tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
"May isa pa siyang anak, bukod kay Nell." dagdag pa niya.
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Nell noong nakausap ko siya...
"Pwede bang malaman kung nasaan ang mama mo?"
"With Maisie!"
Tumayo ako't pinaghahanap ko ang isa pang bata! Paniguradong narito lang ang bata sa Kusina! Maski si Archie ay hinahanap niya din ang tinutukoy ni Nell na Maise! Saan niya itinago ang bata?!
Natigilan ako saglit at tumingin sa Kicthen base. Nilapitan ko iyon at binuksan. Napasinghap ako nang tumambad sa amin ang natutulog na sanggol. Agad ko siyang inalis sa loob ng Kitchen base. Bumaling ako kay Archie na bakas din sa mukha niya ang pagkagulat sabay tingin sa hawak kong sanggol. Marahan ko siyang inilapag sa carpet at binigyan ko siya ng CPR. Dinaluhan ako ni Archie sabay hinubad niya ang kaniyang coat na wala siyang pakialam kung saan man niya iyon ipinatong. Niluwagan din niya ang kaniyang necktie, inangat niya ang magkabilang manggas ng kaniyang polo.
"Let me do it." seryoso niyang sabi.
Buong loob kong pinaubaya sa kaniya ang sanggol. Binigyan niya iyon ng CPR. Kung hindi ako nagkakamali, kumuha noon ng medical/allied course si Archie pero hindi niya tinapos 'yon dahil ang kagustuhan ng Grande Matriarch na kumuha si Archie ng Business course.
"She's suffering from heat stroke from being shut in a small and enclose space." sabi niya. Tumingin siya sa akin ngunit patuloy pa rin niyang ginagawa ng cpr sa bata. "Get something to cool her down." utos niya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Sinubukan kong maghanap sa ref pero wala. Tunaw na ang mga yelo. Pinagbubuksan ko isa-isa ang kitchen cabinets pero isa lang ang nakita ko. Isang pouch ng noodles. Agad kong inabot kay Archie. Tinanggap niya iyon saka iyon ang ginawang unan ng bata. He lift her chin and starting to give some oxygen.
"I can't be moved right away, Jaycelle." seryosong saad niya. "My fingers are this baby's heart right now. So long as I continue chest compressions, her brain will receive oxygen."
Tumango ako. Pinapanood ko ang kaniyang ginawa.
"Bumuhay ka... Masyado ka pang bata para mamatay..." I heard him mumbled. "You must not die... If you die... your sister will be left all alone. Please wake up... For your sister's sake! Huwag na huwag mo siyang iiwan!"
"Hoy... Sino kayo, huh?"
Napatingin ako sa biglang nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa amin ang ay isang lalaki na may edad na. Nagsitayuan ang balahibo ko nang napansin ko ang kaniyang ngisi ngunit pinagdidilatan niya kami. May hawak itong patalim na nababalutan na ng dugo! Sandali, si Galdulce?!
"Archie!" tawag ko sa kaniya. Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
"You can take him down, Jaycelle." sabi niya sa akin na nanatili siyang nakatingin sa bata at patuloy pa rin niyang sinasagip ang buhay nito. "Don't you?"
Napalunok ako. I can deal with that guy but not in this place!
"Kapag tinatanong kayo, sumagot kayooo!" akmang susugurin niya kami pero pinigilan siya nang biglang may yumakap sa lalaki! Si Galdulce! Pareho silang natumba sa sahig pero agad nakabangon ang lalaki!
Namumula ang kaniyang mga mata, iyon ang una kong napansin sa lalaki. Sa mga kilos palang niya, alam kong nasa ilalim siya ng masamang gamot. He's a drug addict, I can say.
Kita ko na duguan din si Galdulce na paniguradong inatake siya ng lalaki. Agad akong kumilos at mabilis kong inilayo mula sa kaniya ang patalim sa pamamagitan ng pagsipa ko nito sa ibang direksyon na imposible niyang maabot iyon. Inihanda ko ang sarili ko at binigyan ko siya ng sipa sa ulo na dahilan para tuluyan siyang bumagsak. Hinawakan ko ang isang kamay nito at pinulupot ko iyon. Umupo ako sa likuran nito. Ngunit sinikap pa rin kumilos si Galdulce. Hinawakan niya ang isang kamay nito hanggang sa naposasan na namin ang mga kamay ng drug addict. Mabuti nalang, nakatulog na ang isang ito.
"P-paparating na ang mga kasamahan natin, D-Detective..." nanghihinang sambit ni Galdulce.
"Tatawag ako ng ambulansya—" s**t, muntikan ko nang makalimutan ang isa pang bata! Agad kong tiningnan ang direksyon ni Archie. "Archie..."
"She's safe..." aniya na nakangiti at biglang umiyak na ang sanggol.
_
Napapalibutan ng sasakyan ng mga pulis pati ng ambulasya ang bahay nina Nell. Naibigay ko din sa kanila ang imbestigasyon ko. May mga napagtanungan din na kapitbahay. Matagal nang drug addict ang tatay ni Nell at battered wife naman ang nanay nila. Hindi nila sukat akalain na hahantong sa ganitong sitwasyon ang pamilya nila.
Naisugod na din si Galdulce sa pinakamalapit na Ospital. Sadyang nagpaiwan pa kami ni Archie. Pagkatapos ng trabaho ko, malungkot kong pinagmasdan si Nell habang akay siya ni Ada pati ang babaeng pulis. May naramdaman akong kirot sa parte ng aking puso.
Ramdam ko ang mainit na palad ni Archie sa isang balikat ko. Tumingin ako sa kaniya.
"Mother can love us unconditionally." seryoso niyang saad. Tumingin din siya sa kinaroroonan ni Nell. "In other to save her children, she sacrifice herself."
Lihim ko kinagat ang aking labi. Nang malaman ko ito, narealize ko, halos wala kaming pinagkaiba ni Nell. Pareho na kaming nangulila sa nanay...
"You want to adopt her and her sister, don't you?"
"A-Archie..."
Ngumiti siya't hinaplos niya ang aking buhok. "Kanina, habang ikaw ang humarap sa tatay ni Nell. Medyo sinisisi ko ang sarili ko. Dahil dapat ako ang nagpoportekta sa iyo, Jaycelle." nagpamulsa siya't tumitig sa aking mga mata. "Nang mga oras na iyon, natatakot ako. Natatakot na baka ano ang mangyayari sa iyo na masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon."
Napangiti na din ako. "I'm a black belter, remember?"
"Yeah, I know. But still, thank you. Because you're still alive." marahan niya akong niyakap na dahilan para matigilan ako. "That's my girl..." he whispers. "There's few of my wishes are still remaining,"
"Eh ano?"
"But there’s only one thing I want to change about you... Your last name."