Nagpanting na ang tainga ko. Ngayon kasi ay naririnig ko na ang mahinang tawa ni Dorry na parang nakikiliti. Hindi ba naman siya tinigilan sa kalalandi ng kung sinong lalaking kasama niya sa loob. “Open your mouth. Masarap ‘to, sweet, parang ako.” “Tumigil ka, ang landi mo. May makarinig sa’yo nakaka—" "Ayos ah!” Gigil kong sabi, kasabay ang biglang pagbukas ng pinto na sandaling ikinalaki ng mga mata ni Dorry, pero mamaya ay sumimangot naman. Ang nakakainis, hindi nga siya nagsasalita, ang mga mata naman niya ay nanlilisik na parang tinataboy ako, pero pasimpleng sinusulyapan naman ang lalaking kasama niya na parang hindi bothered sa presensya ko. Kitang-kita ko kasi na nagkibit-balikat ito at medyo pinilig-pilig pa ang ulo. Bukod do’n, hindi man lang lumingon. Oo, at napaigtad nga s

