Marahang, humaplos-haplos ang kamay ni Dorry sa braso ko, habang tahimik akong pinagmamasdan. Kanina pa kasi ako tense. Kanina pa ako nag-iisip kung ano ang sasabihin kay Atty. Larson na napahamak dahil sa akin. Hindi ko kasi ma-explain ang nararamdaman ko, parang kinakain ako ng guilt; nahihiya akong makaharap siya. Hindi ko pa kasi siya nakikita, pero ang malaman na nabugbog siya ng malala, parang ramdam ko rin ang sakit. “Nelson, relax," untag sa akin ni Dorry na ngayon ay dibdib ko naman ang hinaplos. “Maayos na ang lagay ni Atty. Larson, hindi pa man tuluyang naghilum ang mga pasa at sugat sa katawan niya, pero maayos na siya. Kaya wala ka na dapat ikabahala." Buntong-hininga ang sagot ko, kasabay ang paghawak sa kamay ni Dorry at pinisil-pisil iyon na sinabayan ng matiim na titi

