I felt the heat of panic surge through me, nang magawang makawala at mang-agaw ng baril si Tita Norma sa isa sa pulis na humawak sa kanya. Agad kong niyakap si Dorry, sa takot na siya ang matamaan. Pigil hininga at ang higpit ng yakap namin sa isa’t-isa na parang pinoprotektahan ang bawat isa sa balang hindi namin alam kung kanino tatama. Naririnig ko na rin ang mga sigaw, mga utos sa paligid, pero hindi ko magawang lumingon; hindi ko magawang tingnan kung ano ang nangyayari. Si Dorry ang ina-alala ko. Pakiramdam ko, kapag bibitiwan ko siya mawawala siya sa akin. “Dorry...” Pumiyok ang boses ko. “Are you okay?" tanong ko na mahinang paghikbi naman ang sagot niya, at parang nahihirapan na huminga. Humigpit pa lalo ang pagyakap namin sa isa’t-isa sa puntong halos hindi na kami makahin

