CHAPTER 02

1530 Words
Kung ako ang tatanungin ng ideal type of man ko? Simple lang, gusto ko yung mature na mag isip.. Yun bang mature enough to handle a relationship.. Yung lalaking hindi ka idadaan sa nga walang kwentang banat at mga pick-up lines. I don't care about the age, i believe that it has nothing to do with love. Syempre sino bang aayaw sa gwapo, makisig, matangkad at maamong lalaki hindi ba? Bet na bet! Hmm, medyo name basis din ako e, bawas pogi points pag jologs ng name, ayoko ng ganon. Grr. Okay na sana e. "Leosito." pwede ko naman siguro bawas-bawasan yung pagiging name basis ko 'diba? Sinikap kong maging mahinhing bata sa paningin ng gwapong nilalang na ito. "Abby nalang...po" muntik ko nang makalimutan na Kuya ko sya. Inabot ko ang kamay nya at ngumiti. "Abby, may kailangan ka?" basag ni Kuya sa moment namin ni Kuya Leo. Napatingin ako sa kanya na mukhang naiinip dahil medyo nakain ng introduction ko yung oras nila. "Ah, wala." saad ko, tumingin muna ulit ako kay Kuya Leo bago sila iwan do'n. Sungit talaga ni Kuya. Di naman sya ang inaano e. Nakangusong naglakad ako palabas ng garden. Nandon siguro si Mama.. Hindi nga ako nagkamali. Bumati sya sakin at niyakap ako, grabe baby-ng baby nya ako. Minsan nga nahihiya na ko eh. Umupo muna ako sa isang set sa garden. Te-text ko si Lally para samahan ako na gumala, makalibot man lang sa Pinas. Joke. Abby: Oy Lals! Gala naman tayo oh. I bit my lower lip habang inaantay ang sagot nya. Lally: Manahimik ka, busy ako. Kagaya ng inaasahan. Ganyan sya e, napaka seryoso sa buhay.. Ang sungit sungit. Bagay sila ni Kuya. Kaya siguro mas magkasundo sila kumpara sa amin. Kalog kase ako, maingay at mahilig mag joke. Jokerist. Ngumuso nalang ako. Anong gagawin ko ngayon?! "Oh, bakit busangot ang mukha mo?" bungad ni Nanay na lumapit sa akin may dalang breakfast. Tinignan ko si Nanay na umupo sa harapan ko. Naisip ko na mag tanong sa kanya since matagal nanaman syang kasambahay dito. Parang pamilya ko na sya. Umayos ako ng upo. "Nanay, sino yung mga kasama ni Kuya sa loob?" interesadong tanong ko. Kumunot ang noo nya. "Sila Leo?" Wow yon pa talaga yung pangalang binaggit ah? Feeling ko tuloy hihimatayin ako. Joke. Tumango naman ako. "Ah, college friends nya 'yong mga 'yon. Ang alam ko nag cocompose sila ng bagong kanta. Alam mo naman yung mga 'yon" kwento nya at saka inayos yung pagkain. "Kanta po Nay?" Mas na curious ako. Kumunot muli ang noo nya at napatingin sa'kin. "Di mo alam?" tanong nya at umiling naman ako. "Diba may banda sila?" mas lalo akong nalito. "Anong band?" tanong kong muli. Pabitin naman kase 'tong si Nanay. Mano'y ikwento nalang. "Baka hindi na kuwento sa'yo ng Kuya mo. May Banda sila, silang lima. Bale apat minsan lima." nalito ako sa explanation ni Nanay. Ano daw? Bale apat pero lima? Hindi nalang ako nag salita at hinayaan s'yang mag kwento. "Kuya mo yung ano ba 'yon? Mine Bokal?" nalilito pa sya. "Main vocalist po Nay." tulungan ko na nga, baka himatayin pa 'to. Jok. "Oo ayon, ang talino mo talagang bata!" tuwang-tuwa pa sya. Sa totoo lang, malapit nang maubos ang baon kong pasensya. "Ayon na nga, si Leo.. Sya yung nag gagawa ng liriko ng kanta nila. Tapos yung iba nag tutugtog ng instrumento." paliwanag nya. Napatango nalang ako. Ang daya naman ni Kuya.. Di man lang sinasabi saken na may ganoon pala sila? "Sikat po sila Nay?" tanong ko. "Tatlong taon palang yata nang ilabas nila ang una nilang kanta.. Kilala sila sa ibang lugar, hindi ko masabi ma sikat na talaga sila dahil nga bago palang. Pero mahusay talaga! Lalo na si Leosito! Naku kung ako'y bata bata pa ay baka ako na ang nanligaw sa batang 'yon. Hahahaha!" Masayang kwento nya. Kaloka si Nanay aagawan pa ko kay Kuya Leo! Kaya pala sya yung nakaupo sa sulot at nag susulat, composer si Koya bes! Grabe feeling ko tuloy mehel ke ne she. Chos. "Oh sya sya, diyan ka na at ako'y marami pang gagawin. Kumain ka." saad nya at tumayo. "Salamat Nay." habol ko pa. Tinaas lang nya ang isang kamay nya para sabihing 'You're welcome' at saka dire-diretsong pumunta sa kusina. Tinignan ko yung apple juice at sandwich na binigay ni Nanay. Alam nya na hindi naman ako mahilig mag rice dahil ganon yung habit sa Italy. Agad na may pumasok sa isip ko, hindi ko pan nagagawa ay kinikilig na 'ko. Hihi. Hindi ko na naubos yung pagkain at tumakbo na ako sa back door diretso kusina na kase 'yon. Para hindi na dadaan sa sala. "Nay!" tawag ko sa nagulat na si Nanay. Nabitawan pa nya yung takip ng kaldero at napahawak sa puso nya. "Ano ka bang bata ka?! Aatakihin ako sa puso!" nag sorry nalang ako kahit na gusto kong humalakhak dahil sa hitsura nya. Lumapit ako sa kanya na bahagya pang nag lalambing. "Nay, nag meryenda na po sila Kuya?" tanong ko sa kanya sa mahinahon na boses. "Eto na nga at dadalhan ko na." saad nya at inaayos na yung sandwiches. Napangiti naman ako at bahagya pang iniikot ang mata sa kitchen area. "Nay, madami ka pa yatang gagawin ah, gusto mo ako nalang mag dala n'yan sa kanila?" tanong ko at ngumiti. Napaisip naman sya. Pumayag pa please! "Pagkakataon ko na sana para makasilay kay Leo pero sige at marami pa akong gagawin." grabe crush nya talaga si Kuya Leo pero buti nalang pumayag sya! "Thanks Nay." saad ko at kinuha 'yon. Hindi ko na pinansin ang nag tataka nyang mga tingin. Kinikilig na dumiretso ako sa sala.. Maingat ang bawat hakbang dahil ayokong gumawa ng eksena. Kinakahaban ako shemay! Lumapit ako sa lima na ngayon ay seryosong nag uusap nakaikot sa isang maliit na table sa gitna. Wait lang nakakahiya naman, baka magulo ko sila, magalit pa sa'kin si Kuya. Sabagay sanay naman sya na nang gugulo ako. Tumukhim ako para iklaro ang boses ko. Nakuha no'n ang antensyon nila at natigil sa discussion. "Ah.. Busy kase si Nanay kaya i insisted na ako nalang mag dala nito sa inyo." teka bakit ba 'ko nag eexplain? "Meryenda muna kayo." saad ko na hinihintay ang reaction nila. Katahimikan ang bumalot. Awkward. Pero binasag 'yon ni Kuya Grant. "Grabe na touch naman ako Abby! Ang bait mo, salamat." saad nya at tumayo para kunin sa'kin yung tray. Napangiti naman ako. Grabe sobra ang kaba ko! Napatayo silang lahat at inimis ang kalat sa lamesa para may pag patungan nung tray. "Thanks Abby!" sabi pa nung iba pero si Kuya Leo ay hindi pa din maalis ang tingin sa notebook nya. Di man lang ako pinansin. Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Kuya Samuel. "Abby, sabayan mo na kami!" masiglang tawag nya. Sa loob loob ko ay nag paparty na 'ko pero hindi ko pinahalata. Nilingon ko sila na kumakain na. Tinignan ko si Kuya na nakatingin sa'kin at hinihintay ang reaction ko. Hinihintay ko din kung papayag sya na sumalo sa ako sa kanila. Nag aantayan kami. Hanggang sa ipinaling nya ang ulo nya senyales na pumayag na sya. Napangiti naman ako at nakigulo na din sa kanila. "Abby, ilang taon ka na ulit?" tanong ni Kuya Samuel at saka uminom ng juice. Nagdalawang isip pa ako na sabihin. Pag kase may mamghuhula ng edad ko e napagkakamalan akong 18 dahil matangkad ako at maagang na develop ang katawan ko. "Kinse lang yan." si Kuya ang sumagot. Basag trip talaga 'tong lalaking 'to. Napatango naman silang lahat habang si Kuya Leo ay walang interes na kumakain na ngayon. "Nag sisixteen na ako Kuya." asik ko. "Kelan? Sa November?" tanong nya pa at saka uminon ng Juice. Eh ano naman? Ilang buwan nalang naman ah? May na ngayon! Epal 'to. "Ang bata mo pa pala.." saad naman ni Kuya Grant na nakatingin sa'kin. Ngumuso nalang ako. "Kayo ba?" tanong ko, doon ko nakita ang pag taas ng kilay ni Kuya Leo. Naisip ko naman kung bakit at napangiwi ako. "Sorry, di uso mag 'po' sa Italy. Hindi ako sanay." paliwanag ko naman. "Okay lang. 24 kami ni Felix, 25 naman si Leo at ang Kuya mo syempre.. Tapos 'yang si Grant, 22 pero utak katorse." Si Kuya Sam ang sumagot. Shemay 25 na si Kuya Leo?! Bakit gano'n? Ang hot pa din nya! Huhu grabe crush ko na talaga sya! Sandali pa kaming nag kwentuhan bago kunin ni Kuya Leo yung notebook at sandaling may isulat dito. "Tapos na, translation nalang." grabe ang hot ng boses nya! Ang puso kooo! "Yon! Natapos din Leo!" Pagdiriwang ni Kuya Grant. Masaya silang lahat na kinakantyawan ang nangingiting si Kuya Leo. Ang ganda ng ngipin nya, pang close up! "Sa'n pala ita-translate?" tanong ni Kuya Felix na si Kuya Leo ang sumagot. "Italian Language." oh, so they're making a song in Italian language? Cool. "Sino mag ta-translate?" tanong pa ni Kuya Felix. Natahimik silang lahat at napatingin sa'kin na kasalukuyang sumusubo ng sandwich. Nagtatakang tinignan ko sila na nakatingin saakin habang si Kuya e busy sa kung ano. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD