CHAPTER 03

1432 Words
"Ako." si Kuya ang bumasag sa katahimikan.  Napaisip naman ako kung marunong ba si Kuya ng language na 'yon. Ang alam ko,  konti lang alam nya.  "Marunong ka,  Drew?" di makapaniwalang tanong ni Kuya Grant.  Di naman ako sumasali sa usapan nila,  nakikinig lang.  "Kaya ko 'yon.  Ako nalang,  huwag nyo nang abalahin pa si Abby." napanguso naman ako,  feeling ko 'tong si Kuya ayaw kang akong isali sa credits ng song!  Di naman ako mag dedemand ng credits 'no! "Pwede ko namang gawin kung gusto nyo." inosenteng sagot ko, hinihiling na sana 'di magalit si Kuya.  "Oh,  okay lang naman pala kay Abby eh!" saad pa ni Kuya Grant.  Sana talaga pumayag si Kuya para naman makasama ko si Kuya Leo. "Si Abby nalang kaya Andrew,  mahirap na baka mamali tayo." Si Kuya Felix na ang nagsalita.  Ewan ko pero dama ko ang authority nya.  Sino ba kaseng leader sa kanila?  Tinignan ako ni Kuya.  Pumayag ka please!  "Sige na." pagpayag ni Kuya at tsaka umalis. Halos mag diwang naman ako.  Masaya din sila Kuya Samuel, Grant,  at Felix.  Ewan ko nalang kay Leo.  Grabe naman kase,  hindi ba sya marunong makipag usap..  Or eye to eye contact man lang?  "Abby,  it's nice to work with you!" Lumapit si Kuya Felix para kamayan ako.. Ganon din ang ginawa ni Kuya Grant at Kuya Samuel.  "Thank you sa pag insist na mag translate para sa amin." Masayang sabi ni Kuya Sam. Ngumiti nalang ako habang inaantay na i approach ako ni Kuya Leo. "Salamat. Pero sigurado ka na ayos lang sa'yo?" Hindi nga ako nabigo.  Iwas pa din ang mata nya sa pag tama sa mata ko pero ayos lang,  ang mahalaga ay kinausap nya ako!  "Oo naman Kuya Leo,  Ilang linggo pa naman bago ang pasukan namin at wala naman akong gagawin dito sa bahay."  Sinisikap ko pa na pahabain yung sentence ko,  baka sakaling mahiya sya at sumagot ulit.  Kaya lang,  tumango lang sya. He's a man of a few words.  Ang hirap basahin pero sobrang attractive! Tumikhim ako at tumayo,  oras na para magpapansin.  Grabe ang hirap naman kase na mapasin nitong si Kuya Leo. Yung mga Italyano inlove na inlove sa beauty ko tapos sya deadma lang?!  Kaloka.  "When and where should i start po mga Sir?" masiglang tanong ko at natawa naman yung tatlo.  Nakita ko na napailing nalang si Kuya Leo kaya mas lalo akong kinilig. Nakakakilig ang bawat kilos at gestures na ginagawa nya. "Leo,  pwede na 'yan simulan 'no?" Si Kuya Sam kay Kuya Leo. Tumago naman si Kuya Leo at saka inilapag sa lamesa ang notebook na hawak.  Sinilip ko 'yon and bes!  Ganda ng handwriting ni Koyah!  Pwede nang i feature sa font style ng canva at phonto!  Leo's hand power! Joke. Lumapit ako at tinignan 'yon.  'The Gap Between Us' 'Yan yung title ng song. Iniscan ko yung lyrics para malaman kung anong hugot nung kanta pero may mga part na ang lalim ng kahulugan,  'yon bang alam mo na may laman.  Yung hindi mo agad malalaman ang kahulugan.  Kailangan mong intindihin ang pinagdadaanan ng manunulat ng kanta para maunawaan mo.  Masyadong malalim pero tatagos sa puso mo ang lyrics kahit na hindi mo lubusan naiintindihan.  Parang yung mga k-pop songs lang.  Di mo naman gets pero men!  Tagos sa puso.  "Sino nakaisip ng tema ng kanta?" tanong ko at nag angat ng tingin kay Kuya Leo na hindi naman sinalubong ang tingin ko.  "Kuya mo." saad nya. "Ah so bale,  si Kuya nag isip ng theme,  kung tungkol saan,  kung ano yung hugot sa likod ng kanta,  tapos ginawan mo ng lyrics?" tanong ko na tinanguan naman nya. Astig naman pala ng mga Kuya ko!  Sisimulan ko na sana i-translate pero hawak ni Kuya Leo yung lapis. Palihim akong napagiwi dahil sa kaba.  Kukunin ko ba?  Ano ba naman yan Abby!  Kukunin lang 'yong lapis hihimatayin ka na?! Nakakaloka.  Kaya ko 'to!  Tumukhim ako.  "Kuya Leo lapis...po." pag siya ang kausap ko napapa-'po' nalang ako nang wala sa oras.  Huhu.  Dapat isa akong magalang,  mabait,  at mahinhin na bata sa paningin nya.  "Oh." iniabot niya saakin yung lapis.  Sis,  muntik ko pang sakmalin yung kamay,  buti nalang napigilan ko sarili ko.  Umupo ako sa sahig habang nakapatong yung notebook sa maliit na table namin. Pumigtas ako ng papel mula sa bahagi ng notebook na iyon para hindi na ako palipat-lipat.  Binuksan ko din ang dictionary ko para masiguradong tama ang translation. Hindi ko nga masyadong inaral ang lenggwaheng ito pero sapat na ang limang taong pagtira ko doon para magamay ang language nila.  "Sa Italy ka talaga lumaki?" Tanong ni Kuya Sam habang busy pa din ako sa ginawa ko.  Hindi ko sila matignan.  Mula cellphone ay ibabalik ko ang mata ko sa papel. Kaya ko naman 'tong i translate kahit walang dictionary pero okay na din 'to para mas mabusisi. Nagbabago ang wika sa paglipas ng panahon kaya hindi ko alam kung 'yong alam ko ay appropriate ba. "Hmm,  di ko masabi na doon ako lumaki kase 10 years old ako nang isama ako ni Mommy doon.  5 years lang akong tumira doon. Pero doon ako nagsimula ng sariling buhay kaya sa tingin ko ay doon nga ako lumaki." ang gulo ko.  Eh kase naman,  nuong 10 years old ako e binabantayan pa ako ni Mommy,  unti-unti,  nawala yung pag hihigpit niya kaya ko nasabi na doon ako nagsimulang magkaroon ng sariling buhay.  "Matagal din yung limang taon." Agree naman ako sa komento ni Kuya Felix. I spent almost my whole junior high school life there.  Kung hindi ako mag g-grade 10 dito e baka nga doon na ako naka-graduate. "Kaya pala hindi ka namin nakikita, sa mga pictures lang." Saad naman ni Kuya Grant sabay turo sa mga pictures na naka frame sa isang table 'di kalayuan sa amin.  "Hmm.. Hindi ko rin nga kayo kilala. Nagulat pa ako pag-baba ko kanina..." May mga gwapo.  Chos.  Gwapo naman silang lahat,  si Leo lang talaga ang pinaka matingkad sa paningin ko.   Simple lang kasi sya.  Yung paraan ng pananamit nya,  simpleng jeans lang at t-shirt na hindi ko alam kung anong brand. Nag curious tuloy ako sa estado nila sa buhay.  Ayon nga,  matangkad naman sya at makisig ang katawan. Hindi sya sobrang puti at hindi rin naman maitim.  Sakto lang.  Moreno.  Matangos ang ilong,  sa totoo lang ang ganda ng ilong nya.  Grabe halos makabisa ko na ang mukha nya. Partida di ko pa sya masyadong tinititigan niyan ah! "Sino pinaka gwapo sa'min, Abby?" Biglaang tanong ni Kuya Grant at saka humarap sa akin.  Si Kuya Grant may hawig kay Rio ng Money Heist.  Iyon yung una kong napansin sa kaniya eh. Hawig lang naman.  Feeling naman nya kamukha nya talaga si Rio.  Duh.  "Ano ka ba Grant." saway ni Kuya Samuel. Pero hindi nag paawat si Kuya Grant.  Lakas ng loob mag tanong kase wala si Kuya,  umakyat yata sa taas. Syempre ako din lakas loob na sasagot kase wala si Kuya, hihi.  "Okay lang.." panimula ko para sabihin kay Kuya Sam na okay lang naman yung tanong ni Kuya Grant. Kunyari ko pa silang tinignan isa-isa kahit na alam ko nanaman ang isasagot ko.  "Sabihin mong ako Abby!" Biro ni Kuya Sam.  Pareho sila ni Kuya Grant na palabiro,  mas Childish lang ang version ni Kuya Grant at mas mature si Kuya Sam. Natawa naman ako,  lahat sila ay inaantay ang sagot ko.  Si Kuya Leo ay tila walang pakialam pero alam ko na naririnig nya ang usapan namin.  "Si Kuya Leo." at bumaling ako sa kanya.  Nag angat sya ng tingin sa'kin.  Kilig!  Nagkatyawan at nag asaran sila Kuya Sam, Grant, at Felix pero si Kuya Leo,  nakatingin lang kami sa isa't isa.  Ang laki ng ngiti ko.  Ikaw ba naman tignan sa mata ng isang Leosito..  Leosito,  ano ba surname niya?  "Abby,  tanders na yan eh!" Reklamo ni Kuya Grant dahilan para bawiin ni Kuya Leo yung tingin nya.  Yan tuloy!  Humarap ako kay Kuya Grant.  "Huh?  Eh ano naman?" Nakangusong tanong ko. "Kinse ka lang,  Bente-singko na 'yan si Leosito." nag bilang sya sa kamay "Bale 10 years age gap nyo." Paliwanag nya.  "Age has nothing to do with love." bawi ko pero natigilan silang lahat.  Maski ako ay natigilan at muling inisip ang sinabi ko. "Love?  Bakit napunta sa love?" Tanong ni Kuya Felix.  Hindi naman ako nakasagot dahil dumaloy ang kaba sa sistema ko.  "Hindi ba,  kung sinong pinaka-gwapo lang ang usapan?" Si Kuya Samuel naman ang gumatong.  Napatingin ako kay Kuya Leo na muling nag angat ng tingin,  nag aantay din ng sagot ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD