Halos hindi ko namalayan ang pag lipas ng mga araw. Nakahinga ako nang maluwag nang naging normal naman ang lahat, hindi ba kami masyadong nag kaka-usap ni Kuya Samuel kahit na madalas pa rin sila sa bahay. Hindi na ako lumalapit pag nandoon sila, alam naman 'yon ni Kuya Leo. Sa mga araw din na lumipas ay naging normal naman ang mga bagay-bagay sa pagitan namin ni Kuya Leo, wala namang perfect relationship na hindi nag aaway ang mag ka-relasyon pero pag dating sa 'min ni Kuya Leo-hindi pa naman kami nagkakatampuhan. Siguro nga tama ako, he's mature enough to handle our relationship. Madalas kami mag kita ni Kuya Leo, sa food park, food street, at madalas din kami mag set-up nang date. Sobrang saya ko kasi kahit papaano ay tumatagal naman kami. Actually dumating na 'yung pinaka-aantay

