"Good morning po." Bati ko kay Aling Lucille na nakaratay pa rin sa hospital bed. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya matapos ang operasyon. "Hi, Ikaw ba si Abby?" Nakangiting tanong niya sinisikap na bumangon. Tinaasan naman ni Kuya Leo 'yung higaan niya para kahit hindi na siya bumangon. Hindi ko alam na kilala pala niya ako, hindi pa pa naman niya ako nakita, ngayon lang. "Opo, nice to meet you po." I said and held her hands. Kinakabahan pa ako kanina on the way here kasi baka mamaya matapobpre siya o kaya masungit kagaya ni Louisse at Kuya Leo noong una. "Ang gandang bata," Masayang saad niya, "Lagi kang kunukwento sa akin ng binata ko." Saad niya at tinapik pa ang kamay ko. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano, hindi ko alam na kinukuwento pala ako ni Kuya Leo sa kan

