Ella POV Nagulat ako nang makita ko si Steven kasama niya si Camilla at nandun din si John. Hindi ko akalain na makikita ko silang dalawa na magkasama sa lugar na ito. Nagpa-alam lang ako kay John na may kukunin sa kwarto naming tapos ito na ang tumambad sa akin. Nakatutok ang baril ni Steven kay John gustuhin ko man na lumapit at pigilan ang mga nangyayari ngunit natatakot akong makita niya ako at isama pabalik sa bahay hindi ko rin alam kung alam naba niya na nagpapangap lang si Camill bilang ako. Imposibleng sabihin iyon ni Camilla dahil may usapan kaming dalawa at alam kong tutuparin niya iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na silang umalis habang kinakaladkad si Camilla palayo sa kinaroroonan ni John. Kaya agad akong lumapit kay John. “John! Are you okay?” Nag-aalalang tano

