“S-Steven?” Sambit ko. Mabilis kong hinarap si John. Sasabihin ko sana sa kanya na hindi ako si Ella nang bigla na lamang niya akong itago sa likuran niya dahil mabilis na nakalapit si Steven sa amin. “How dare you!” Isang malakas na suntok ang nagpabagsak kay John. Nagulat ako sa ginawa ni Steven pero mas nauna kong nilapitan si John dahil duguan na ang labi nito. “John. Umalis ka na dito.” Nagmamakaawa na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya naririto o kung kasama niya si Ella ngunit hindi kami pwedeng makita ni Steven. “No! Hindi ako aalis dito. Hanga’t hindi kita kasama Ella!” Tiim bagang na sabi ni John kaagad siyang tumayo at akmang susugurin ng suntok si Steven. Ngunit may kung anong kinuha si steven sa likuran niya at nagulat na lamang ako nang bigla niya itong it

