Ella POV “Bumalik ka na sa kanya.” Mga salitang namutawi sa bibig ni Camilla. Hindi ako makapaniwala sa dami ng gustong kong malaman tungkol sa mga nangyayari sa kanya ay dederetsuhin niya ako. “Mahal na mahal ka ni Steven, Ella.” Dagdag pa niya. “What? Stop talking nonsense, Camilla. Ano bang sinasabi mo? Ano ba talagang nangyari?” Inis na wika ko sa kanya. Bumuntong hininga siya bago niya at tumingin ng deretso sa mga mata ko. “Hindi ko rin alam. Basta nong dumating siya sa bahay pagkagaling niya sa abroad. Takot na takot ako sa kanya dahil galit na galit siya nang makita ang larawan niyong dalawa ni John. Sinabi niya sa akin na ikukulong niya ako sa mansyon. Akala ko hangang duon na lang yun dahil ibang Steven ang sinabi mo sa akin pero mali ka Ella. Matagal ka ng mahal ni Steven

