Camilla POV Bakit ganun siya makatingin sa akin? Parang matagal na niya akong kilala? Kung kapatid nga niya si Steven bakit hindi iyon sinabi sa akin ni Ella? Puno pa rin ng katanungan ang isip ko. Hangang sa lumingon na si Steven sa akin. “Hon, come here. I want you to meet my oldest brother. Si kuya Phillip.” Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. “Hi kuya,” Sambit ko nang makadaumpalad kaming dalawa. “Hi nice meeting you. Actually nagulat talaga ako nang malaman kong ikinasal na pala si Steven at sa’yo pa. Iba talaga mabiro ang tadhana.” Naguguluhan ako sa mga sinabi niya. “Ahm. Hon, umakyat kana alam kong pagod ka. Mag-uusap muna kami ni kuya Phillip.” Pagkasabi na yun ni Steven ay nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa. Sinulyapan ko pa sila bago ako pumasok sa loob ng baha

