Camilla Pov Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Pakiramdam ko kasi ay may nakatitig sa akin. At hindi nga ako nagkamali dahil nasa harapan ko si Steven. Hindi ko alam kong gaano na niya ako katagal na tinititigan ngunit nakaramdam na naman ako ng pamumula ng pisngi. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. “I love you. Matagal na kitang mahal simula nang una pa lamang kitang makita.” Matagal na niyang mahal si Ella. Ang sakit lang parang gusto kong maiyak. Gusto kong marinig yun mula sa kanya bilang Camilla. Nakikita niya sa mukha ko ang tunay niyang asawa at ako ito umaasa sa pag-ibig na hindi naman para sa akin. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Nakatagilid kasi ako habang nakaharap siya sa akin. “Mahal na din kita Steven.” Sambit ko. Lumawak ang ngiti niya sa labi.

