Chapter 26: “Hindi ko alam kung tao ba talaga ang mag-amang iyon! Para kasing mas maraming pursiyento ng dugo nila ay dugo ng demonyo! Baka naman kasi ay galing sila sa lungga ni Satanas! O baka si Satanas ang galing sa lungga nila!” “Calm down.” “Paano? Kung maka-asta sila ay hawak nila sa leeg ang lahat ng tao rito!” Tumigil siya at tumingin sa gawi ni Ryllander. “Pero salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina. Akala ko ay paglalamayan na ako. Humugot ba naman ng baril at talagang ipuputok iyon sa akin!” “Sinabi ko naman sa iyo na ako ang bahala sa lahat, hindi ba? I guarantee you security,” wika ng lalaki. Naiinis siya sa puso niya. Bigla na lang kasi itong tumitigil sa pagtibok at mayamaya ay parang tambol na mabilisang pinaghahampas. Hindi naman siya gaanong mahilig sa kape kay

