Chapter 25: Hindi niya inasahan na magiging mabuti ang trato ng Amo niya sa kaniya sa gabing ito. Simula pa lang sa entrada ng mansiyon ng mga Mejes ay pinakapit na siya ni Ryllander sa bisig nito at tinuruan pa siya nito kung paano makipag-halubilo sa mga taong naririto ngayon. Sinabihan siya ng lalaki na um-Ingles kung kinakailangan. May paalala rin si Ryllander sa kaniya. Mainam raw na huwag masyadong bigyang pansin si Celine, at huwag siyang humiwalay sa Amo niya. “The gentleman is here,” wika ng isang lalaking sa tingin niya ay nasa edad singkuwenta na. Ngumiti naman si Ryllander at agad itong nakipagkamayan sa lalaki. “And who’s this beautiful lady beside you?” tanong ng lalaki. “Mister Montefar, she’s my muse tonight,” diretsong tugon ni Ryllander. “Oh, really? Talaga namang a

