Chapter 24: Ang mga mata niya ay nasisilawan sa bawat presyo ng mga bag na nasa loob ng silid niya. Nang dineliver ang mga ito sa mansiyon ay pinahatid ito ng Amo niya sa mga katulong sa loob ng kaniyang silid. Para tuloy siyang nagtitinda ng mga bag sa lagay niyang ito. “Diyos ko! Ano ang gagawin ko sa mga ito?” tanong niya. “Ang mamahal pa ng mga kustal na ito.” May dalawa pang naiwan sa baba kaya’y hinatid ito ni Lordes. Bakas sa mukha ng Ginang ang pagod na namayani sa diwa nito, sapagkat kanina pa siya umakyat-panaog upang ihatid ang mga bag na binili ni Ryllander para sa kaniya. “Aling Lordes, pasensiya na po kayo. Binigyan pa kayo ni Sir Ryllander ng obligasyon. Sinabihan ko naman siya na ako na lang ang kukuha sa baba pero ang sinagot niya sa akin ay huwag raw akong magtatang

