Chapter 23: Tinaasan niya ng kaliwang kilay ang babaeng humawak sa damit na una niyang nakita. Nang tutungo sana ang babae sa saleslady na naroon ay agad na hinila ni Celine ang damit. “This is mine,” aniya at minalditahan ng titig ang babae. “Ganoon ka na ba talaga ka-bastos, Miss? Nakita mo na ngang nahawakan ko na, hindi ba? Sa makatuwid ay ako ang unang kumuha ng damit na iyan—” Babawiin sana ng babae ang damit subalit mas inilayo pa niya ito sa babae. “I don’t know where in hell you live, why don't you recognize who you are messing with,” sabi niya sa babae. “Excuse me?” “You’re excused. Leave this place because parasites like you don’t belong here. I wonder if may pangbayad ka sa damit na ito.” “Wala akong pakialam kung sino ka man, Miss. Ang sa akin lang ay sana marunon

