Chapter 22: Papasok na sana siya sa banyo nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong sinagot nang makita na si Anthony ang tumawag. Nasasabik na rin siyang marinig ang boses ng lalaki, kaya ay ganoon na lamang kabilis niyang itinihaya ang sarili sa kama at hinanda ang sarili upang makipag-usap sa kaibigan. “Anthony?! Kumusta ka na?” “I’m not good.” “Hala! Bakit naman? Sikat na sikat kaya ang bagong menu ng food business mo!” “I am used to fame, Adellilah. But I am not used to being set aside. Nagtatampo ako dahil sa ginawa mo." “Ha?” Narinig niya kung paano huminga nang malalim si Anthony. Naisip niya na ang pagtatapos ng parusa ni Ryllander sa kaniya ang rason kaya’y may pagtatampo sa tinig ng lalaki. “You’re punishment was done, right? Baka nakalimutan mo na ma

